Chapter 9

8 7 0
                                    



Vanna

"Kumusta, ikaw si Steffanina Maniego?"tanong ko. Umangat ang tingin ng isang batang sa tingin ko ay nasa dose o trese na ang edad. Namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. Sino nga ba ang hindi maiiyak sa nangyari?Malamang sinisisi pa sila ng mga tao dahil sa kanila nagsimula ang sunog.

"Hindi po kami ang may gawa non. Hindi sila mama. Inosente sila,"sabi niya saka humikbi muli. Umupo ako sa tabi niya saka inalo siya. Mahirap talaga ang sitwasyon nila. Sa totoo lang, gusto ko nung una magalit sa nagsimula ng sunog pero nang makita ko si Steffanina, nagbago ang isip ko.

I caress her back. "Alam ko. Tahan na, hindi naman ako nandito para bulayawan ka,"I assured her. Pinunasan niya ang luha saka tumingin sa akin.

"Talaga po?"hindi makapaniwalang tanong niya. I nodded.

"Nasan ang parents mo?"tanong ko. Actually, saglit lang ako dito dahil nagpaalam ako kina mama na pupunta sa bahay ng kaklase ko for the project. I lied, pero alam kong kailangan ko yun. Magagalit lang sila at pipigilan ako pag nalaman ang ginagawa ko.

Dinahilan ko na pumunta ako sa bahay nila Fukuzatsu. Alam kong susuportahan niya ako. Siya naman ang nagsabi tungkol rito. Pero alam kong magtataka sila oras na matagalan ako kaya nagmamadali ako. Mahirap pa naman pag gantong biyahe pero para sa ikapapanatag ng loob ng lahat, gagawin ko to.

"Patay na po sila,"napaawang ang bibig ko habang nakatingin kay Steffanina na muling umiyak. Siguro kasama sila sa listahan ng mga namatay. Pero what if, isa sa kanila ang tinutukoy ng mga lalaking narinig ko non?

"S-Sorry sa pagkawala nila...saan ka ngayon?"tanong kong muli. Nakakaawa ang kalagayan niya ngayon. Naulila na nga siya, wala pang natirang gamit mula sa kanila. Kung may pera lang talaga ako, gusto ko siyang kupkupin kaso nakikitira lang din ako kay tita.

"Dadating po si lola mamaya,"sagot niya kaya medyo umayos ang pakiramdam ko. At least, kahit papaano, may mag-aalaga sa kanya.

"May tanong ako...sa tingin mo ba, sinadya itong sunog?"

"Pano mo nalaman, ate?"natigilan ako sa sagot niya. Ibig sabihin, tama ako.

"A-Anong nangyari nung araw na iyon Stef?"

"May pumunta sa bahay ate. Narinig kong nag-usap sila. Umiiyak si mama tapos namomroblema anong gagawin. Tapos biglang napuno ng usok ang paligid. Tapos, nakalabas ako pero sila mama at papa,hindi,"

"Anong pinag-usapan nila?"

"Hindi malinaw ate. Pero narinig ko kung saan ilalagay ang babae,"

Babae. Kung ganon, babae yung pinatay. Malamang iyon ang tinutukoy doon.

"Sinabi mo na ba sa pulis?"tanong kong muli.

Tumango siya. "Kaso sabi nila, wag daw ako magsalita tungkol don kasi sila na bahala. Ate, ikaw lang sinabihan ko kaya wag mong sasabihin sa iba,"

Ako naman ngayon ang tumango saka ngumiti. "Oo naman. Promise,"sabi ko saka bahagyang ginulo ang buhok niya. Dahil rito, ngumiti din siya.

"Salamat ate!Sana magkita pa tayo uli,"saad niya saka niyakap ako.

"Mag-iingat ka ha,"

"Ikaw din po!"

Ang sayang makita na ganito si Steffanina. Kahit na nagkaroon ng malaking dagok sa buhay niya, nagagawa pa din niyang ngumiti. Nakikita ko ang pag-asang mayroon siya. Pag-asang maayos pa ang lahat.

Mas lalo lang lumakas ang loob ko na ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa kasong ito dahil sa sinabi niya. Ngayon, hindi na lang basta basehan ang sinasabi ko. May nagpapatunay na nito pero kulang pa din.

Kung may mga pulis na tinatago ang nangyari, kailangan ko ng ebidensyang magdidiin sa pumatay. Iyong wala na silang kawala para mabigyan ng hustisya ang nangyaring ito.

"Ay sorry po,"muntikan na akong matumba nang mabangga ako ng isang malaki at matangkad na lalaki. Mukhang nasa 6 ang height niya. Malaki ang pangangatawan at ang seryoso ng mukha. Mukha rin siyang nasa 30 o 40 anyos na. Dire diretso lang siyang naglakad na parang walang nangyari.

Pinabayaan ko nalang saka nagpatuloy sa paglalakad patungong terminal.

----

Creating "Him"Where stories live. Discover now