Chapter 6

13 10 0
                                    




Vanna

"Ate Diane!"dali dali akong tumakbo papunta kay Ate Diane nang makita ko siya. Dala dala pa niya ang ilang gamit nila na pwede pang masalba. Agad siyang lumingon sa akin saka napaluha sa presensya ko.

"Vanna, mabuti at nandito ka na,"sabi niya. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak pero mukhang malabo dahil sa pinsalang nakikita ko at sa mga posibilidad lalo na at wala pa akong balita kila mama.

"Ate Diane, s-sila mama po?"hindi ko na maiwasang mapiyok dahil sa luhang patuloy na umaagos sa mga mata ko.

"Nakita na ang pamilya mo. Nasa evacuation center sila, pero ang kapatid mo si Vanessa, nasa ospital,"malungkot niyang balita. "Dali iha, sasamahan kita sa kanila,"dagdag pa ni Ate Diane saka nagsimulang maglakad. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Habang naglalakad, nakita ko ang lawak ng pinsala ng apoy na tumupok sa halos buong baranggay. Dahil dikit dikit ang mga bahay rito at ang iba ay gawa lang sa light materials, mabilis naging abo ang ilang bahay. Katulad ng sa amin.

Nakakalungkot lang isipin dahil kahit pa hindi ganoon kaganda ang bahay namin, alam kong pinaghirapan iyon ng mga magulang ko na ipundar. Pero sa isang iglap, nawala na ang lahat.

May iilang tao akong nakikita na nagbabakasakali sa lugar. Nagbabakasakaling may mailigtas pa na gamit o may mga materyales na pwede pang gamitin para gumawa ng panibagong bahay. Pinipilit ng lahat na makabangon sa unos na hindi nila inaasahan.

Nakarating ako sa evacuation center at mukhang mas mainit pa rito kaysa sa pinagsunugan. Marahil dahil humupa na ang apoy doon. Napakaraming tao. Maingay. Siksikan. Tulakan. May mga tumutulong naman. May nakita akong isang truck na may dala dalang relief goods. Mahaba ang pila ng mga tao, umaasang makakakuha. Kaso ang ilan ay nag-aaway na sa pila dahil sa singitan.

May mga pulis naman na nag-aayos ng pila pero mukhang hindi sila sasapat.

Napalingon ako sa pamilyang nakasalampak sa sahig ng covered court. Wala na halos madaanan dahil okupado na nila ang lahat. Luminga linga ako sa paligid at nakita sila mama. Hindi ko na hinintay na makalapit kami doon at dali dali na akong tumakbo papunta sa kanila.

"Ma!"hindi ko mapigilan ang pag-iyak nang tinawag ko na sila. Lumingon si mama sa akin at napatayo siya sa gulat.

"Vanna!"dali dali akong sinalubong ni mama ng isang mahigpit na yakap. Sumunod na rin si Vincent, ang bunso kong kapatid sa pagyakap sa akin. Nakatayo naman si papa doon at nakangiti sa amin. Nginitian ko rin si papa kahit pa namumugto na ang mga mata ko.

"Mabuti at ayos lang po kayo!Nag-alala ako ng sobra lalo na nung sinabi ni tita na hindi kayo nakita agad,"humahagulgol kong saad.

"Ako rin nag-aalala ako. Mabuti at nakarating ka rito ng maayos,"sabi ni mama saka bumitaw sa pagkakayakap. "Wala na ang lahat sa atin anak..."dagdag pa ni mama saka humagulgol pa lalo.

"Ate Vanna, si Ate Vanessa..."umiiyak na din ang kapatid ko habang nakayapos pa din sa akin. Agad akong umupo para matapatan siya at tingnan siya sa mata.

"Magiging maayos rin ang lahat, okay?Magiging okay rin si Vanessa,"sabi ko habang pilit na ngumingiti. Kailangan ipakita ko sa kapatid ko na matatag ako at andito ako para kapitan niya lalo na sa mga oras na ito.

Tumango tango siya saka pinunasan ang mga luha niya kahit na patuloy ito sa pagtulo. Tumayo muli ako para kausapin si mama.

"Kamusta po si Vanessa?"tanong ko.

"Ayos na ang kapatid mo. Mabuti nalang at iilang pasa lang ang natamo niya. Nawalan din siya ng malay dahil sa makapal na usok pero mabuti at nailigtas agad ng papa mo,"balita sa akin ni mama na tinanguan ko.

"Kamusta po kayo rito?"pakiramdam ko mali ang tanong ko na iyon lalo na at kita ko ang hirap na pinagdadaanan nila ngayon. Malayo ito sa bahay na ipinundar nila mama kahit pa sabihin nating maliit iyon. Hindi kagaya noon, komportable at maayos ang pamumuhay nila hindi gaya rito na maingay na nga, mainit pa at siksikan pa ang mga tao.

"Magiging maayos rin kami anak. Nangako naman ang gobyerno na magbibigay ng pabahay sa aming mga nasunugan,"sabi ni mama.

"Mabuti naman po kung ganon. Nga pala ma, habang wala pa kayong matutuluyan, pwede daw po muna kayo sa bahay ni tita Therese tumira,"

"Salamat naman. Kailan ba niya sinabi?"

"Actually, pwede na mamaya o bukas ma. Kayo pong bahala. Pero mas maganda sana kung ngayon na para hindi na kayo mahirapan rito,"

"Sige,sige. Aayusin ko nalang ang natitira nating gamit. Vincent, samahan mo si ate na magtawag ng trisikel papuntang terminal,"utos ni mama.

"Opo mama!Tara ate!"excited na sabi ni Vincent saka hinila ako palabas.

"Ate alam mo ba?Sabi ni mama sa akin pag nakatapos ka daw mabibilhan mo na ako ng laruang truck?"kwento ni Vincent kaya di ko maiwasang tumawa. Ang cute talaga ng kapatid ko. Kakalimang taon palang kasi ni Vincent at mageenroll na sana sa kindergarten kaso lang hindi natuloy. Susubukan nila mama na ipasok nalang siya sa grade one sa susunod na taon kung mapapayagan man.

"Oo, Vince. At hindi lang laruang truck. Pati malaking bahay!"

"Yung may gate saka swimming pool?"

"Oo. Saka marami ring laruan,"

"Ate, sana makatapos ka agad!"kulang nalang ay tumalon si Vincent sa tuwa. Nakakagaan ng loob kahit na masaklap ang sinapit namin ay patuloy pa rin sa pagngiti ang bunso kong kapatid. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na malalampasan namin ang lahat ng ito.

"Mag-aaral ng mabuti si ate. Kaya ikaw din ha,"paalala ko na tinanguan niya naman.

"Obvious naman na nagawa ko na hindi ba?"

"Wala bang nakapansin sayo?"

Natigil ako bigla nang may marinig na bulungan sa likod ng pintuang nadaanan namin.

"Ate–"

"Shh,"saway ko at dali-dali naman siyang tumalima.

Medyo lumapit ako sa pintuan para mas klarong marinig ang pinaguusapan nila.

"Sigurado boss. Kaya lang maraming nadamay na tao sa ginawa ko,"

"Ano naman ngayon?Ang mahalaga, ligtas na tayo sa krimen. Wala nang makakaalam ng nangyari sa kupal na iyon,"napanganga ako sa narinig. Hindi ako tanga para isawalang bahala ito.

Ang sunog...hindi iyon aksidente. Ginawa lang itong panakip butas sa krimeng nagawa ng taong nasa likod noon.

I heard the doorknob clicked that's why I start pulling Vincent and walking away from that door.

I need to know more.

Pero saan ako magsisimula?

----

Creating "Him"Where stories live. Discover now