Chapter 11

8 8 0
                                    

Vanna

"Kinalimutan mo ako...Vanna, you chose to forget me!Why did you?!Why—"

Napabalikwas ako dahil sa isang nakakatakot na pangyayari. Tyler was there and he's blaming me. He's raging, which I never imagined he'll be.

Totoo naman ang sinabi niya, dahil sa imbestigasyong ginagawa ko, nakakalimutan ko na siya, sila. Wala na akong oras pang magsulat, kaya siguro kung ano ano nang pumapasok sa isip ko.

"Ate, its 7:40!"sigaw ni Vanessa at nanlaki ang mata ko sa napagtanto. Yung usapan namin ni Fukuzatsu! Agad akong tumayo saka nag-ayos na.

Matapos ang kalahating oras, bumaba na ako mula sa kwarto at nakita si Fukuzatsu sa mesa at nakikipagkwentuhan kina mama at tita.

"Oh Vanna, nandiyan ka na pala, kumain muna kayo,"yaya ni mama kaya tumango ako saka tumabi sa upuang katabi si Fukuzatsu.

"Kanina ka pa?"I asked.

"Mhm..yeah. But don't worry, hindi naman ako nabagot dahil kausap ko ang pamilya mo. Masaya silang kausap,"sabi niya kaya nahihiya akong ngumiti.

Nakakahiya naman, siya na nga itong tutulong, siya pa itong nag-antay. Bakit ba naman kasi hindi ka nag-alarm, Vanna?!

"Kung mayaman naman pala ang pamilya mo, bakit sa public ka nag-aral?"tanong ni mama. Kumuha nalang ako ng pagkain habang nakatitig sa kanya.

"Just hoping the girl I like would notice me,"sabi niya kaya bigla kong nabitawan yung sandok. Nahulog tuloy iyon sa sahig.

"Hala, sorry!"sabi ko saka yumuko at pinulot iyon pero pag-angat ng ulo ko, nauntog pa ako sa mesa. Kung minamalas ka nga naman.

"Ayos ka lang?"tanong ni Fukuzatsu.

"Ah oo,"sabi ko habang hinihimas ang ulo ko. May tumubo na yatang bukol, ang sakit talaga.

"Mag-iingat ka kasi sa susunod,"sabi ni mama na tinanguan ko.

"Sabi nila kuya mas marami daw magaganda at gwapo sa private schools, mayayaman pa!"sabi naman ni Vanessa.

"Hindi naman sila ang gusto ko,"nakangiting sabi niya saka uminom ng tubig. Napatingin ako sa pagkain ko. Bakit parang nadisappoint ako bigla?

Mabuti nalang at mabilis kami parehong natapos agad kumain. Matapos non, nagpaalam na kami pareho. Pagkalabas namin ng bahay, pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya bago umupo sa may harapan.

Minsan, hindi ko tuloy maiwasang isipin na katulad ni Tyler si Fukuzatsu.

Pero imposible naman iyon. Walang magiging katulad si Tyler. Nagiisa lang siya sa puso ni Violet, at ako.

"Sigurado ka ba na ayos ka lang?"tanong ni Fukuzatsu habang nagdadrive. Nabaling tuloy ang tingin ko sa kanya. I mean, sa salamin sa harap kung saan ko siya nakikita. At doon,nakikita ko na nakatingin rin siya sa akin.

"Oo, okay lang. Sorry talaga, pinag-antay pa kita,"sagot ko.

"Wala yon. Sanay naman ako,"hindi ko na narinig pa ang huli niyang sinabi.

"Ha?"tanong ko.

"Wala. Sabihin mo lang pag may kailangan ka. Wag ka mahihiya sa akin. After all, we're friends aren't we?"he asked. Napaisip ako. Hindi ko naman siya kinokonsidera na kaibigan noon pero dahil sa mga nagawa niya noon, siguro pwede na. Ang dami niya nang naitulong sa akin e.

Tinanguan ko siya bago muling tumingin sa labas. Bumuntong hininga ako. Wala naman akong nakikita kundi kalsada at mga sasakyan. Gusto ko tuloy pumunta sa probinsya. Siguro mas tahimik at payapa ang buhay doon, hindi kagaya rito sa magulong siyudad.

"Gusto mong matulog muna?"he asked.

"Wag na, malapit na rin naman tayo,"nasa kalahati narin naman na kami ng biyahe, baka maging pabigat lang ako pag natulog pa ako. Ayoko nang abalahin pa siya.

"So uh... how's your story going?"

"Ayos lang. Kaso hindi pa ako nakapagsisimula ulit,"pag-amin ko.

"Sorry about—"

"Its not that,"inunahan ko na siya. Dahil alam ko naman na isisisi niya lang sa sarili niya ang di pagpayag ni Mr. Hendricks na kunin ang kwento ko. Masakit iyon, pero matagal na akong nakamove-on.

"Its just that, I'm so caught up in the case na nakakalimutan ko na siya. Gusto ko sana, matapos muna ang lahat ng ito bago ako magpatuloy,"I answered.

I saw him nodded. "Well, that's great,"

Nakita ko ang pagtingin niya sa akin saka pagtingin muli sa daanan. Tapos muli niyang binaling ang tingin sa akin saka bumuntong hininga. Ano kayang problema niya?

"A-Ano, you sure you're okay there?"he asked.

"Oo, its comfortable here. Thank you,"

I don't know about him though.

-----

Creating "Him"Where stories live. Discover now