Chapter 8

8 8 0
                                    

Vanna

Hindi. Hindi ko na dapat pinakikialaman pa ang bagay na iyon. Hindi ako pulis. Hindi ako detective o kahit ano.

Isa pa, hindi ko naman sigurado kung may namatay talaga. What if, namisunderstand ko lang ang narinig?What if iba talaga iyon?What if—

Nakakainis naman–

"Sorry,"wala sa sariling sabi ko nang may mabangga akong tao. Ni hindi ko na nga napansin kung sino iyon sa sobrang pag-iisip.

"Ayos ka lang?Ang lalim ng iniisip natin ah,"napaangat ang tingin ko at napansing si Fukuzatsu pala iyon.

"Ayos lang. Sorry ulit,"sagot ko saka tipid na ngumiti. Wala talaga ako sa mood makipag-usap sa mga tao ngayon lalo na at maraming gumugulo sa isip ko.

Napahinga ako ng malalim saka dire diretso nang naglakad nang hawakan niya ang braso ko. Hindi na ako lumingon pa.

"Saan ka pupunta?Magsisimula na ang klase,"saad niya.

"Sa classroom. Magsisimula na di ba?"

"Uh...dito yung classroom?"napatingin ako sa kanya habang tinuturo ang kabilang daan ng hallway. Saka ko lang napansin na sa ibang direksyon nga ako papunta. Nakakahiya naman.

"Ah oo,"saka lumiko na ako. Sumabay naman sa paglalakad ko si Fukuzatsu.

"Pasensya ka na talaga kay Mr. Hendricks—"agad kong pinutol ang sinasabi niya. Alam kong iniisip niya na nagdaramdam ako dahil sa nangyari non pero malayo iyon sa iniisip ko ngayon. Oo, nalungkot ako doon pero dahil sa mga nangyari, hindi na iyon ang priority ko sa ngayon.

"Wag kang mag-alala, ayos lang,"saad ko.

I heard him sigh. "N-Nabalitaan ko ang nangyari sa family mo. If you need help, I'm here okay?"sabi niya kaya napatingin ako bigla sa kanya saka hinawakan ang braso niya nang mahigpit.

"What?"

Biglang nanlaki ang mata niya at namula ang tenga niya. "I-I mean, we. Selena and I,"he clarified.

I shook my head. "Hindi yan. Paano mo nalaman ang nangyari sa pamilya ko?"

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Hindi mo pala alam? Selena's father is the mayor there. Nakita ko ang listahan ng mga pamilyang naapektuhan at nakita ko ang pamilya mo,"kinakabahang sabi niya. Bigla ko siyang binitawan saka napatingin sa sahig.

"Kung ganon nakita mo kung sino sino ang namatay doon?Mayroon ba doon na pinatay?"

"Oo nakita ko...pero namatay silang lahat sa sunog di ba?"tanong niya.

Mabilis ko siyang hinila para bulungan. "May sasabihin ako sa yo mamayang recess. Huwag muna nating sabihin kay Selena,"bulong ko. Nakita ko ang pumumula ulit ng tenga niya bago tumango. Binitawan ko na siya pero nanatili siyang nakatulala kaya iniwanan ko na siya.

-----

"A-Anong sasabihin mo?"napaangat ang tingin ko at nakita ko si Fukuzatsu umupo sa harapan ko. Ibinaba ko ang hawak na sandwich saka uminom ng juice.

"Si Selena?"tanong ko habang tumitingin tingin sa paligid.

"May swimming practice pa. Hindi na din siya aattend sa mga klase mamaya. Ano pala sasabihin mo?"

"Hindi ka ba kakain muna?Gusto mo sayo nalang?"tanong ko saka tinuro yung sandwich na kakainin ko palang sana.

"Ayos lang. Busog pa ako. Diba may sasabihin ka?"pag-uulit niya muli.

I sighed. "Sikreto lang natin ha. Please promise me this,"

He nodded then raise his right hand then put it on his heart. "Promise."

Tumango tango ako. "I think that the fire happened wasn't an accident. Sinadya iyon,"

"Sigurado ka ba?"

"Hindi pa. Pero malakas talaga ang kutob ko rito. Pakiramdam ko may mali talaga."

Para kaming tanga na nagbubulungan kahit magkatabi lang pero di bale na. Kailangang walang makarinig ng mga sinasabi ko.

"Naiwang gas ang dahilan ng sunog sa lugar ninyo, Vanna. Nakita ko din kung saang bahay iyon nagmula,"

"Pwede kong malaman sino?"

Napansin ko ang biglaang pagiging balisa ni Fukuzatsu. "Vanna...w-what if may makita ka nga?"

Natahimik ako bigla sa sinabi ni Fukuzatsu. What if meron nga?Magsusumbong ba ako sa pulis?Mananahimik?Sasabihin sa media?

I sighed. "Hindi ko pa alam. Pero sa ngayon, gusto ko munang malaman ang totoo. Maraming pamilya ang nawalan ng ari-arian. May ilan pa na namatayan. Kailangan nila ng hustisya. At kung hindi yun maibibigay sa kanila, ano nalang panghahawakan nila?"

"Hindi mo ba naiisip ang sarili mo?Pano kung mapahamak ka dahil sa pag-iimbestiga mo?"nag-aalala niyang tanong.

"Mahalaga pa yun?Wala naman nang kwenta ang buhay ko. At kung magkakaroon man ng kwenta iyon, ito na ang tsansa ko. Gusto kong bigyan ng hustisya ang nangyari sa baranggay namin. Sa paraang iyon, alam kong mas mapapanatag ang mga tao,"

Tiningnan ko siya sa mata. "Justice is what they needed now. Justice will be their way of coping up. If they find the justice that they deserve, then we're one step to moving on,"

Napaawang ang bibig niya saka dahan dahang tumango. Waring natakot sa akin. Kumurap kurap ako saka umiwas na ng tingin. "Sigurado kang hindi ka kakain?"

"Steffanina Maniego,"saad niya kaya muli akong napatingin sa kanya, puno ng pagtataka.

"Ha?"

"Anak iyon nila Sandra at Fredo Maniego, ang nakatira sa bahay kung saan nagsimula ang sunog,"

Isang tipid na ngiti ang sumilay mula sa akin. "Salamat."hinawakan ko ang kamay niya at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. "Salamat, Fukuzatsu."

"W-Walang anuman,"

----

Creating "Him"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon