Chapter 10

9 9 0
                                    

Vanna

Gaya ng nakaraang mga gabi, hindi pa din ako makatulog ng maayos. Nakatitig lang ako sa kisame habang nag-iisip. Sumulyap ako sa dalawa kong kapatid na natutulog ngayon sa kabilang kama. Minsan tumatabi sa akin si Vincent, minsan naman kay Vanessa. Matatakutin kasi siya kaya kailangan may kasama siya lagi. Gaya ko noong bata ako, palagi din ako sa tabi ni mama. Hindi nga pinapatay ang ilaw hanggat hindi ako natutulog. Para makatulog, minsan kinukwentuhan ako o kinakantahan ni mama.

Mukhang kailangan ko din ng ganon ngayon. O kahit ano para lang makatulog ako. Ang dami kasing pumapasok sa isip ko hindi ako makatulog. Isang malaking palaisipan ang kasong ito. Hindi ko alam ang gagawin pero isa lang ang sigurado ko, kailangang may gawin ako.

Kung may napatay silang babae, ililista ba nila ito sa mga bangkay na nakuha?O itatago nila ito?

I sighed. Kung kailangan ko ng sagot tungkol rito, isa lang ang kilala kong makakapagbigay sa akin non.

Ang papa ni Oscar.

Kailangang personal ko siyang puntahan para makapagtanong ng maayos. Ayokong malaman mismo ni Oscar ang tungkol sa ginagawa ko. Mas kaunting nakakaalam, mas kaunting aksidente ang mangyayari. Tama lang na iilan ang nakakaalam para sa kaligtasan ko at ng mga tao sa paligid ko.

Napapikit ako. Tyler, napapagod nako. Ano bang gagawin ko?Kailangan kita ngayon. Kailangang kailangan.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko iyon. Nakita ko sa notif ang pangalan ni Fukuzatsu. Sandali nga,pano niya nakuha ang number—

Malamang kay Selena niya kinuha.

Fukuzatsu:

Still up?

Tiningnan ko ang oras at napansin na ala una na pala ng madaling araw. Bakit gising pa siya?

Me:

Yes?Bakit?

Fukuzatsu:

Whew.

I just got nervous I might disturb you while you're sleeping. Wait, you aren't doing anything right?

Me:

Wala naman. Bakit gising ka pa?

Fukuzatsu:

Can't sleep.

How's the update on your little investigation?Its fine if you won't tell me

Napatitig ako sa message niya. Sasabihin ko ba?Pero kasi, mas matagal ko ngang kilala si Selena pero hindi ko sinabi sa kanya ang ginagawa ko, kay Fukuzatsu kaya?

I sighed. Bahala na.

Me:

Sorry

Fukuzatsu:

Well, just got an update. Dalawa lang ang nareport na namatay sa bahay ng Maniego, that are the parents of Steffanina. You know what I mean?

Me:

That means they didn't include the body they wanted to dispose

Kung tama ako, dahil sa pamilya ng Maniego nagsimula ang apoy, at base na din sa statement ni Steffanina, doon nila itinago ang bangkay. Pagkasunog ng bahay, nadamay ang iba kaya naman kumalat pa lalo ang apoy at naging mahirap ang pagapula rito.

Me:

But are the Maniegos died because its an accident or...they were silenced?

Fukuzatsu:

That's the question we need to answer. Kailan ka pupunta sa site?

Me:

Saturday, bakit?

Fukuzatsu:

Great. Ill accompany you, let's search through the burned house of the Maniegos, baka may makita tayo

Me:

Sasamahan mo ako?

Fukuzatsu:

If you want. If you don't, aantayin nalang kita. Sayang naman pamasahe mo saka wala din akong ginagawa so might as well just help

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti sa sinabi niya. Grabe, ang bait talaga ng taong to. Ang dami niya nang tinulong sa akin. Nakakaguilty tuloy. Ang dami nga niyang tinulong tapos simpleng impormasyon lang hindi ko pa mabigay.

Pero kasi, nagkakatrust issues ako sa ganito kasensitibong mga detalye. Maaari kasi itong ikapahamak ng mga tao sa paligid ko o ako mismo.

Me:

Samahan mo nalang ako. Okay lang?

Fukuzatsu:

That'll be great. Susunduin kita sa inyo, anong oras ba?

Me:

8 am nalang para mas marami pa tayong time para makapagtingin tingin

Fukuzatsu:

Okay then,so I'll see you?

Me:

See you

Fukuzatsu:

Sana makatulog ka na. Sinabi kasi ng kapatid mo sa akin na ilang araw ka nang puyat

Napanganga ako saka tumingin kila Vanessa. Nakita ko siyang nagtabon ng unan, akala niya hindi ko napansing gising pa siya. Pano kaya nagkakilala ang dalawang to. Napailing nalang ako. Hindi dapat yon ang pinoproblema ko sa ngayon.

Me:

Yes, ikaw din please.

Fukuzatsu:

So... good night?

Me:

Good night

Fukuzatsu:

Sleep well

Me:

You too

Saka pinatay ko na ang cellphone saka pumikit. At least makakapagrelax na ako ng konti dahil sa sinabi ni Fukuzatsu.

----

Creating "Him"Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum