Chapter 5

11 10 0
                                    






Vanna

"Hello po, Mr. Hendricks. This is Vanna, my classmate. Vanna, he's Mr. Hendricks, isa sa senior editor ng publishing house na tinutukoy ko. He's a close friend of my dad,"pagpapakilala ni Fukuzatsu sa aming dalawa. Awkward akong tumingin kay Mr. Hendricks na may seryosong tingin sa akin. Mas kinakabahan ako lalo na at hindi ko mabasa ang iniisip niya.

Napuno ng what ifs ang isip ko. What if hindi tanggapin ang gawa ko?What if nabasa na pala niya at ayaw nila ito?What if ipahiya niya ako sa mga tao?What if tanggapin?Pero what if hindi?

Napapikit ako. Kaya ko to. Kailangan umakto akong kalmado. Kailangan ipakita ko sa kanilang ayos lang anuman ang maging desisyon ni Mr. Hendricks sa gawa ko.

Kaya ko to.

"Nice to meet you,"kaswal niyang saad.

Isang tipid naman na ngiti ang isinagot ko. "N-Nice to meet you din po,"nahihiya kong saad.

"So, shall we sit?"yaya ni Fukuzatsu na agad naman naming ginawa. Tinawag niya ang waiter saka inabot sa amin ang menu. Nagbasa basa ako pero pasulyap sulyap ding tumitingin sa kanilang dalawa. Napansin ko na abala rin sila sa pagtingin sa menu. Seryosong nakatingin si Mr. Hendricks rito samantalang mukhang hirap pumili si Fukuzatsu ng oorderin.

"Fuku told me you're writing stories,"Mr. Hendricks started. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil sa menu pa din siya naka focus.

"Ah, y-yes po,"kinakabahan kong sagot. Mabuti nalang at nakatakip ng menu ang mukha ko or else he'll see how tense I am by just mere talking to him.

"I see,"bigla siyang tumayo na ikinataka ko. Bakit siya aalis e wala pa naman kaming pinag-usapang kahit ano? Ayaw na ba niya?

Mukhang pati si Fukuzatsu ay nagtaka sa ikinilos ni Mr. Hendricks. "Saan po kayo pupunta?"tanong niya.

Inayos niya ang kanyang damit saka tumingin sa aming dalawa. "It's a pleasure meeting both of you but I must go now,"saka dire-diretso siyang umalis. Hindi naman ako tanga para mapansin na wala siyang interes sa akin, at lalo na sa pagsusulat ko.

Napangiti ako ng mapait habang tinitingnan ang menu. Hindi ako pwedeng umiyak ngayon, hindi pwede sa pampublikong lugar at hindi pwede sa harap ni Fukuzatsu.

"Pasensya ka na. Hindi ko alam na–"agad kong pinutol ang sinasabi niya.

"Ayos lang, hindi mo kasalanan. Tingin ko aalis na rin ako,"sabi ko saka tumayo na. Kailangan ko nang umalis bago pa tumulo ang luhang nagbabadya na.

"S-Saglit lang. Umorder ka muna, kahit itakeout mo nalang para sa tita mo,"pagpigil niya sa akin.

"Hindi na. Marami ka nang naitulong, hindi ko na tuloy alam kung anong ipapalit ko,"sagot ko.

"Don't worry about that. Just take this one, please?"he insisted so I sighed.

"Sige na nga,"

-----

"Tita?"

"Iha sa wakas nakarating ka na rin!"napansin ko ang taranta sa boses ni tita kaya ibinaba ko ang hawak na supot saka sinalubong siya.

"Tita kalma, ang puso mo!"sabi ko habang inaalalayan siya. Agad kaming naupo sa sofa na nasa sala para makatulong sa pagpapakalma kay tita. Nang maiupo ko siya, dali dali akong kumuha ng isang baso ng tubig saka inabot ito sa kanya.

"Tumawag si Diana kanina, nagkasunog daw sa baranggay na tinitirhan ng mama mo!Natatakot ako dahil sabi ni Diana, hindi niya napansin ang mama at mga kapatid mo!"sabi ni tita nang matapos siyang uminom. Inilapag niya ang baso sa mesa pagkatapos. Si Diana ang kapitbahay nila mama na naging kaibigan ni tita noong doon pa siya nakatira. Napansin ko ang pagbilis ng paghinga ni tita kaya agad kong hinimas ang likod niya para mapakalma siya pero parang kailangan ko rin niyon ngayon.

Sinalakay ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko na agad tumakbo para makapunta doon at ako mismo ang tumingin ng nangyayari. Pero at the same time, natatakot din ako sa posibilidad na baka napahamak na sila sa sunog.

Awtomatikong tumulo ang mga luha ko sa balita ni tita. Maging ako natatakot sa pwede nilang kahinatnan. Pero anong gagawin ko?

"Tita, pupunta ako doon bukas. Gusto kong kamustahin sila mama,"pagpapaalam ko na agad tinanguan ni tita. Mukhang nerbyos pa din siya kaya hindi na tumanggi sa alok ko. Hindi pa rin ako mapakali dahil sa nararamdaman.

"Sasama ako,"umiiyak na sabi ni tita.

"Hindi po pwede. Magpahinga lang po kayo, babalitaan ko kayo agad,"I assured her kaya walang nagawa si tita kundi tumango muli. Inalalayan ko siya sa kwarto bago ako tumungo sa sarili kong kwarto.

Agad akong umakyat ng kwarto at naabutan si Tyler na nakaupo sa kama ko. Imposible, nananaginip na naman ba ako?

"It's fine Vanna, breathe. Everything's gonna be fine," he said, with his usual smile I always want to see. The moment Tyler said that, I cried hard.

"Shh. I'm here. I always am,"saka niyakap niya ako. Hindi ko alam kung paano pero waring nararamdaman ko ang init ng kanyang yakap at sa tingin ko, isa ito sa pinakakailangan ko.

I close my eyes as I relish the moment. "Thank you, Tyler."

------

Creating "Him"Where stories live. Discover now