Chapter 17

8 4 0
                                    

Vanna

The restaurant's beautiful. The design is simple and the design of woods and the plants around makes me feel relaxing. But no matter how relaxing the place is, my heart won't stop thumping.

I scanned the place and found him on one of the tables, waving back at me. I smiled slughtly not knowing what to reply as I walked slowly towards him.

I'm scared. After everything that happened before. Pero marami ring tanong na bumabagabang sa isipan ko. At alam kong siya lang ang makakasagot non.

Ginusto mo to Vanna. Panindigan mo.

"Hey, uhm, may allergy ka?"he asked once I reached his table. It's odd but I just shook my head.

"Buti naman. Nag order na rin kasi ako ng pagkain. Upo ka."he said smiling. He's still smiling after all these years. Naalala pa kaya niya yung nangyari noon?

His smile fade. "I'm sorry. I left. May karapatan kang magalit sa akin—"

"Galit ako."pagputol ko sa sinasabi niya. Napapikit ako. Iniisip kung tama ba yung mga sinasabi ko. Kung dapat na ba o hindi pa.

Pero kailan pa?

Mas mabuti na kung ngayon na agad.

"Naiintindihan ko."he smiled bitterly.

"Pero,"nag-angat ako ng tingin at saktong nagtama ang mga mata namin. "Alam kong hindi dapat."

Nagulat siya sa sinabi ko. Halatang marami siyang gustong itanong pero nagdesisyon akong magpatuloy. Dahil alam ko naman na kung ano ang tatanungin niya. At wala namang patutunguhan ang pagsisinungaling ko hindi ba?Kaya mas mabuti nang sabihin ang lahat.

Ayoko mang bumalik sa nakaraan, patuloy akong hinihila nito pababa dahil sa mga tanong na hindi masagot sagot. Ang mga kasagutan lang ang makakapagpaahon sa akin sa nakaraan. At gustong gusto ko nang makuha iyon.

"Narinig ko lahat. Alam kong si Selena ay hindi si Selena. Narinig ko ang komprontasyon ninyo. Yung pagpapalayo niya sayo sa akin o idadamay niya ang pamilya ko. Naiintindihan ko bakit ka umalis. Pero bakit nagagalit pa rin ako?"tanong ko. Hindi yata para sa kanya ang tanong na iyon kundi para sa akin. Isa sa mga tanong na hindi mawala sa isip ko. May rason bakit siya umalis, pero bakit galit ka pa rin?

Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. "Vanna, sorry."ang tanging nasabi niya.

"Hindi mo kailangang magsorry. Ako lang naman itong magulo—"

"Hindi. Nagalit ka sa akin kasi hindi ako nagpaalam. Kung nagsabi man lang sana ako. If I just assured to you that I'll be fine, that I'll come back maybe you won't." natahimik ako bigla. Yun nga ba talaga ang rason? "I left without saying anything. I think you have all the rights to be mad at me." nanatili kaming tahimik pareho hanggang sa hinain na ang mga in-order ni Fukuzatsu sa harapan namin.

Napakasarap titigan ng mga pagkain na nasa harap ko. Hindi ko alam ang tawag sa kanila dahil hindi naman ako mahilig kumain sa mga restaurants. Pero napakaganda ng pagkakahain non na nakakatakam kainin. May seafoods, at nakalagay sa loob ng buko ang drinks nila. May iba pang nakahain na hindi ko alam ang pangalan.

"Kumain ka na."he said smiling. I know he's just trying to be happy. He's hurt. And I feel like its my fault. Mali ba na in-open ko agad ang topic?Kakakita lang naman din namin.

"A-ang dami naman nito. Hindi natin mauubos."saad ko.

"Okay lang. Share nalang natin sa staffs. Wag kang mag-alala, kumain ka lang."he said. Magpoprotesta pa sana ako nang lagyan niya ang pagkain ko.

"Vanna?Gusto kong magsorry in behalf of my family. Alam kong masyado pang maaga para sabihin sayo to pero taon na ang nakalipas at araw araw inuusig ako ng konsensya ko." tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kanya. Kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa maririnig ko.

"Vanna, they killed Selena. My tita despises her dahil anak siya sa labas. Kaya p-pinatay nila si Selena."My utensils fell as I heard his words. Imposible.

"My tita killed her herself. She's kinda sloppy kaya nagkaganon. Y-Yung pinuntahan nating bahay noon kung saan nagsimula ang sunog, yun ang totoong pamilya ni Selena. Si Sandra Maniego ang totoong nanay ni Selena and my tito is her dad. Tito wants the custody of her daughter that's why Sandra gave it to him. She's powerless though. My tita found that out. All along she thought Selena's her daughter. You see, halos sabay nagbuntis si Sandra at si tita pero namatay ang anak ni tita kaya pinalit si Selana.

Of course nagalit si tita kaya ginawa niya iyon. Tapos pinadala niya sa pamilya Maniego ang bangkay. Tapos sinunog nila ang bahay nila para hindi malamang pinatay rin ang pamilya. Kaso nga lang—"

"Nadamay ang buong baranggay."hindi makapaniwalang sagot ko.

He nodded. "Galit na galit ang lolo ko but he had no choice but to clean up her mess. Kaya tinago ng mga pulis ang pangyayari. My lolo has connections. Kaya maging ako natatakot sa kanya.

This was their plan kaya bago pa nila mapatay si Selena, naghanap sila ng ipapalit sa kanya at nakakita naman sila agad, ai Chantal."

"Yun ba ang—"

"Yes. Siya na ang Selena na nakilala natin pagkatapos ng sunog. Nilipad siya agad sa us para magplastic surgery habang kasama pa natin ang totoong Selena. It was successful kaya nga naloko niya tayong lahat."

"Where's she?"I asked.

"She's gone. She's done pursuing me. Nang ma-expose siya sa yaman at kasikatan, nabulag na siya. Kaya nandoon na siya sa ibang bansa nagpapakasasa sa yaman ng pamilya namin."

"Fuku—"

"I don't want to be part of their family, you know?Unlike them, I don't like fame. I don't like money. I only want one thing. And I hate it that they have to take it from me.

But I'm not letting them. This time, I'll get what I want."

"W-What do you want?"I asked looking at him and accidentally meeting his gaze again.

He smiled and this time I know its genuine. "You."

---------

Creating "Him"Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang