Chapter 7

11 8 0
                                    




Vanna

"Dali dali, pasok kayo,"agad na sabi ni tita pagkabukas ng pinto at naabutan kami sa labas. Tinulungan pa nga niya kami sa pagbubuhat ng gamit. Nakuha na namin si Vanessa sa ospital at ginamit ko muna ang naipon para ibayad rito.

Dahil sa nangyari, ayokong maging pabigat na lamang kila tita at mama. Kailangan ko na sigurong maghanap ng part time.

"Wag kang mag-alala Therese, tatanawin namin to ng malaking utang na loob,"sabi ni mama habang ipinapasok ang ilang gamit.

"Ayos lang iyon, Valeria. Malaki din naman ang naitulong sa akin ni kuya Theodore noong nakikitira pa ako sa inyo," sabi naman ni tita Therese. "Nga pala, ayos lang ba sayo Vanna na kasama mo muna sila Vanessa at Vincent sa kwarto mo?Tatlo lang kasi ang kwarto rito,"baling sa akin ni tita.

"Oo naman po tita. Sanay naman ako kahit malikot matulog si Vanessa at naghihilik si Vincent,"

"Hindi ako malikot!"

"Hindi ako naghihilik!"sabay nilang protesta kaya natawa kaming lahat.

"Ganon ba?Mabuti iyan. Kuya, doon kayo sa isang kwarto ni Ate Valeria. Teka, nagugutom na ba kayo?Maghahanda ako–"aalis na sana si tita nang pigilan siya ni mama.

"Therese, kumain na kami kani-kanina lang,"sabi ni mama kaya tumango si tita saka nanatili nalang.

"Tingin ko pagod pa kayo mula sa biyahe kaya magpahinga muna kayo. Tawagin niyo lang ako sa kwarto pag may kailangan kayo ha,"sabi ni tita.

"Salamat talaga Therese,"sincere na sabi ni mama.

"Wala yun. Sige, aakyat na ako,"paalam ni tita saka umakyat na sa kwarto niya.

"Ate, saan kwarto mo?"tanong ni Vanessa kaya nginitian ko siya bigla.

-----

"Ate pano to?"tanong ni Vincent saka akmang pipindot sa laptop kung hindi ko lang ito nakuha agad.

"Sandali, wag kang pipindot basta basta dahil baka may mabura kang kailangan ko sa school,"saad ko kaya nalukot bigla ang mukha ni Vince.

Ayoko na sanang makitang malungkot ang mga kapatid ko kaya nag-isip ako ng paraan para mapangiti siya. "May cartoons ako na dinownload kanina. Gusto mo panoorin natin?"alok ko kaya napaangat ang tingin niya sakin saka lumapad ang ngiti.

"Sige ate!Please!"

"Okay. Pero maghugas ka muna ng katawan. Sakto, tapos na si Ate Vanessa,"sabi ko saka itinuro si Vanessa na nakabihis na pero may twalya pa din sa buhok niya.

"Ate, ang bango nung shampoo. Ikaw pumili non?"tanong ni Vanessa.

Tumango ako. "Ang sarap nung amoy ate!Parang prutas!"sabi naman ni Vince.

I chuckled. "Gusto mo rin?"tanong ko at masaya siyang tumango. "Oh edi maligo ka na. Isa pa, manonood pa tayo ng cartoons di ba?"

"Opo!Opo!"sabi niya saka tumakbo palabas ng kwarto.

----

What should Tyler do if he's here?

Kanina pa gumugulo sa isip ko ang mga katagang iyan. Maging ang narinig ko mula sa likod ng pintong iyon hindi ko pa rin makalimutan.

Ano ang gagawin ko?Dapat ko bang sabihin sa mga pulis?After all, sila naman ang nakaatas diyan. Wala akong karapatang mag-imbestiga.

"Do what's right," my mouth gaped open when I realized the answer to one of my questions.

Tama. Kung nandito si Tyler, gagawin niya ang tama. Pero alin doon?

I opened my phone and look for online news clip about the fire that happened. Marami ang hindi nakaligtas at nakasulat doon sa listahan ang mga taong iyon. Sino sa kanila ang pinatay?

Di kaya, alam na ng mga pulis?Siguro kasi, may mga gamit sila para matukoy ang kinamatay ng mga tao kahit pa natupok na sila ng apoy.

Agad kong tiningnan isa isa ang mga tao but the results are all the same. They were trapped and suffocated by fire before being burned.

Pero imposible, dapat may isa man lang sa kanilang naiiba!Pano ko na aalamin to ngayon?

Wait,

Si Oscar. Ang alam ko, nagtatrabaho ang tatay niya sa morgue. Kaklase ko kasi siya dati noong doon pa kami nakatira. But we aren't close...

Sheesh. Bahala na.

Agad akong pumunta sa facebook at chinat si Oscar Ramirez.

Me:

Hi Oscar, sorry for disturbing.

Oscar:

Uy Vanna!Okay lang☺️

Kamusta pala kayo?Nandito pa rin kami sa evacuation center. Ang init grabe🥵

Me:

Ayos na kami. Salamat sa pagtatanong

May tatanong sana ako kung ayos lang

Oscar:

Oo naman HAHAHA

Me:

Sa morgue na pinagtatrabahuhan ng papa mo dinala yung mga namatay?

Oscar:

Oo pero wala pang resulta e. Kukunin pa nga lang ng pulis bukas para iautopsy, mabuti at di pa nagalaw nila papa

Me:

Nabasa ko kasi na namatay lahat sa sunog

Oscar:

Ay sinabihan kasi ng mga pulis sa media na ganon. Narinig ko kasi nung nandon ako, na makulit daw yung mga reporter kaya nagalabas na agad sila ng resulta kahit wala pa talaga. Bakit may kilala ka ba sa mga namatay?

Me:

Wala naman. Pinatatanong lang ni papa

Sige, salamat ulit. Ingat kayo

Oscar:

Welcome!Ingat din kayo❤️

Pinatay ko ang cellphone saka muling tumingin sa kisame. Kung hindi magbabago ang resulta ng pagkamatay kahit tapos na ang autopsy, sigurado ako.

May mga pulis na nagtatago ng nangyaring krimen.

Kaya paano na to ngayon?

----

Creating "Him"Where stories live. Discover now