Epilogue

5.3K 113 47
                                    

Matapos ang kasal sa simbahan, ang bagong mag asawa at lahat ng mga bisita ay dumiretso na sa venue para sa reception.

Very festive ang atmospher dahil lahat ay masaya para kina Ysabella at Xander.

Kitang-kita kasi sa mukha ng dalawa ang lubos na pagmamahal sa isa't isa.

Dito na rin inanunsyo ng dalawa ang pagdadalang tao ni Ysabella na umani ng hiyawan, palakpakan at iyakan ng kanilang pamilya at kaibigan.

Hindi magkamayaw sa pagbati ang lahat ng naroon.

Nang dumating na ang oras para ihagis ni Ysabella ang bungkos ng bulaklak, pinapunta na sa harapan ang lahat ng kadalagahan.

Nandun si Lorraine at ang disinuwebe anyos na kapatid nitong si Chantal, si Quincy, mga pinsan nila ni Xander, at mga kaibigan.

Tumalikod na si Ysabella at bumilang ng tatlo bago ihagis ang bulaklak.

Halos tumigil sa paghinga ang lahat ng naroon. Lahat ay excited malaman kung sino ang susunod na ikakasal.

Hanggang sa may nakasalo ng bulaklak.

Si Chantal.

Halos manlaki ang mata ni Lorraine nang mapagtantong ang kapatid pala ang nakasalo ng bulaklak.

Tila kinikilig na kumaway pa si Chantal habang hawak ang bulaklak na animo'y beauty queen. Kunwari'y nagpupunas pa ng luha sa mata na para bang naiiyak sa saya.

Pabiro namang kinurot ni Lorraine sa bewang ang kapatid. Nineteen pa lang kasi ito at kasalukuyan pang nag aaral ng Nursing kaya malabong sumunod na itong magpakasal. Ni wala nga itong boyfriend. Bawal pa.

Dahil maaga silang naulila sa magulang, si Lorraine na halos ang nagpalaki sa kapatid. Thirteen pa lang kasi ito nung namatay ang mga magulang nila.

"Hoy magtigil ka Chantal. Hindi ka pa tapos mag-aral" birong sermon ni Lorraine.

Tawa naman ng tawa si Quincy na nakamasid lang sa magkapatid.

Sumunod naman ay ang paghahagis ng garter na lalahukan naman ng mga kabinataan.

Naunang tumayo si Leon kasunod ni Lucian. Tumayo din ang kapatid ni Xander na si Jared, at ang kasama sa talyer na sina Gerard, Bernie at Harry maging ang mga pinsan ni Ysabelle na sina Micco at Jolo.

Pinaupo ni Xander si Ysabella para makuha ang garter na nakakabit sa itaas ng hita nito.

Napuno ng kantyawan nang magsimulang isuot ni Xander ang ulo sa wedding gown ni Ysabella na sa panahong iyon ay halos mamula sa kahihiyan.

Ilang sandali lang ay nakuha na ni Xander ang garter. Oras na para ihagis ito. Kung sinuman sa mga kabinataan ang makasalo ay siyang magsusuot sa nakasalo ng bulaklak na walang iba kundi si Chantal.

Mataas ang pagkakahagis ni Xander. Naglundagan naman ang mga binata maliban kay Lucian.

Sa huli, si Leon ang nakasalo nito.

Muli ay nagkagulo sa pagkakantyawan nang lapitan ni Leon si Chantal.

"Shall we?" Inilahad nito ang kamay sa dalaga.

Nakangiti namang inabot ni Chantal ang kamay sa binata.

Inalalayan siya nitong makaupo sa inupuan kanina ni Ysabella.

"Bata pa yang kapatid ko ha!" Nakapamewang pa at nakabantay si Lorraine sa kapatid.

Tumawa lang si Leon at nag okay sign kay Lorraine.

Nakatingin lang si Chantal sa binata. Ito ang nakapartner niya kaninang nag abay sila. Kaya naman kahit papano ay kilala na niya ito. Nakapagkwentuhan kasi sila kanina.

Before YouWhere stories live. Discover now