Final

3.7K 100 1
                                    

Thirty years old.

Sinasabi nila na huli na sa byahe. Napaglipasan na ng panahon.

Pero bilang isang thirty year old na babae, masasabi kong hindi ako kailanman nahuli sa byahe. Pinili ko rin kasi na hindi magmadali. Slowly... but definately surely.

Kung dati, nawalan na ko ng pag asa na makakatagpo pa ako ng makakatuwang sa buhay, makakasama ko sa pagtanda, magiging kapareho, kaisa, karamay.

Tapos na ko sa phase na nainggit ako. Nagtanong. Bakit ako wala? Bakit walang dumating? Bakit ako... mag isa?

Nung una, iniisip ko na, baka may kulang. Baka may mali. O baka naman may sobra sa akin. Lahat na ng rason, pwedeng dahilan, naisip ko na yan. Hanggang sa, dumating yung panahon na natanggap ko na lang siya.

Na hindi lahat, mabibigyan ng kapareho. Na may nakalaan talaga para mag isa.

Pero, mapagbiro talaga ang tadhana.

Kasi, bigla akong binigyan ng magandang regalo. Isang regalo na deep inside pala ay matagal ko ng inaasam. Na deep inside pala, kahit sabihin kong hindi ko na gusto, hindi ko na priority, wala na sa isip ko yan, nasa kasuluk-sulukan ng puso ko yung kagustuhan na magkaron ng isang taong magmamahal sa akin. Yung pupuno sa emptiness. Yung kulang.

At sa hindi inaasahan na pagkakataon, dumating siya.

Dumating siya sa buhay ko.

Si Alexander Crade Suarez.

Ang lalaking mukhang masungit. Laging salubong ang kilay.

Ang lalaking walang kibo.

Tahimik.

Pero ubod ng bait. Napakamahinahon. Napakamaintihin. Napakaloyal.

Lahat na ata ng magandang adjective na maisip ko ay mayroon siya.

Too good to be true sabi nga nila.

Pero... he's real. Totoong-too siya.

He's infont of me. Looking so dashing in his barong while waiting for me on the altar.

I took my time walking towards him.

Sabi nga nila, isang beses lang mangyayari ang bridal march. Kaya kailangan na namnamin ang bawat hakbang.

Nakapaligid sa akin ang mga mahal ko sa buhay. Alam ko, lahat sila masaya para sa amin ni Xander.

Ang mga magulang namin, mga kapatid, kamag anak at kaibigan.

Mga piling tao na naging saksi sa pagmamahalan namin.

Habang naglalakad, inilagay ko ang kamay ko sa aking tiyan.

Baby, samahan mo si mommy papunta kay daddy.. mahina kong bulong.

At habang naglalakad, hindi ko maiwasang umusal ng palanalangin.

Dear God,

Maraming salamat po sa araw na ito. Ipinagkaloob Mo sa amin ang isa't isa. At biniyayaan Mo kami ng anak na magbubuklod at magpapatibay pa sa aming pagsasama.

Pasensya na po kung, may pagkakataon na nainip ako. Nawalan ng tiwala sa plano Ninyo. Pero ngayon po ay pinatunayan Ninyo sa akin na, ang lahat ay ipinagkakaloob sa tamang panahon at pagkakataon.

Ipinapangako ko po na aalagaan at mamahalin ko ang aking asawa. Ang aking anak o magiging mga anak.

Gagawin naming sentro ng pagsasama namin ang Inyong presensya. Maraming maraming salamat po... Amen.

Before YouOnde histórias criam vida. Descubra agora