Chapter 13

3.7K 83 2
                                    

Mabilis na lumipas ang tatlong buwan.

Halos hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw.

Kung tatanungin ninyo ang relasyon namin ni Xander, masasabi kong nearly perfect. Ni sa hinagap ay hindi ko naimagine ang sarili ko na makakaramdam pa ako ng ganitong klaseng saya.

Pinatunayan sa akin ni Xander na seryoso siya sa relasyon namin. Kung nung una ay may pagdududa pa ko kung tatagal ba kami dahil sa madaliang pagpasok namin sa relasyon, ngayon ay masasabi ko na malaki ang chance na siya na nga ang makakasama ko habang buhay.

Wala akong masabi how committed he is. Hindi naging hadlang ang malayong distansya para mabigyan niya ako ng oras. He's driving back and forth from Quezon to Manila almost every weekend. Friday pa lang ng gabi ay susunduin na niya ako sa office. Minsan sa labas na kami magdidinner bago umuwi sa apartment ko at manuod sa netflix. Madalas na ako ang pinagdedecide niya kung anong panonoorin namin. Kaya naman medyo nasanay na rin siyang manuod ng mga Kdrama. Ang gusto ko sa kanya kapag nanonood kami, he shows interest. Magtatanong regarding sa character, sa plot ng story o kaya naman magko-comment kung maganda ba ang ending o hindi.

Ni minsan hindi ko naramdaman na pinabayaan niya ako. No matter how busy he is sa trabaho, hindi niya nakakalimutang mag text o tumawag kapag may libreng oras.

Isa pa sa nagustuhan ko sa relasyon namin, wala akong nararamdamang pressure.  Para bang ang gaan ng lahat. Kasi kahit na merong "kami," hindi pa rin nawawala yung "ako." He lets me be myself. Yung awkward na introvert. May mga time na minsan nakakalimutan kong magreply agad sa kanya. Nakakalimutan kong magsabi na nakauwi na ko. Pero never siyang nagalit. Never naging issue.

Kapag pagod ako at gustong manahimik lang sa isang sulok, he never bothers me. He'll just give me some space. At kapag okay na uli ako, ako yung kusang lalapit at maglalambing sa kanya. Madalas yan nangyayari kapag may menstruation ako. Grabe kasi yung pagka imbalance ng hormones ko.

Pero syempre, ako din may mga ginawang adjustments para maging mas committed girlfriend sa kanya. Isang buwan na rin kasi akong nag aaral magluto. Aside from panonood ng mga videos online, nagpapaturo na din ako kay Mama kapag umuuwi ako sa Bulacan. Hindi naman din kasi pupwede n laging si Xander ang magluluto para sa aming dalawa. Kahit na sinasabi niya na okay lang kahit hindi ako magluto, iba pa rin kapag may alam ako sa kusina.

And speaking of my family, legal na rin pala ang relasyon namin sa kanya-kanya naming pamilya. Sinabi namin ito nung ika-unang buwan naming magkarelasyon. Walang pagsidlan ang tuwa ng parents ko lalo na si Mama. Botong-boto siya kay Xander. Halos ipamalita sa buong Barangay namin na may boyfriend na ako. Nagpahanda pa nga ng bongga nung isinama ko si Xander sa Bulacan para ipakilala ng pormal.

Sa side naman ni Xander, wala rin naman akong masamang masabi. Tanggap na tanggap ako ng parents niya. Tinatanong na nga kami agad kung kailan daw ba ang kasal. Sinasabi na lang namin na wala pa sa plano sa ngayon.

Ngayon nga ay nandito kami sa bahay nina Xander sa Quezon dahil birthday ng kapatid niyang si Jared.

"Mabuti naman anak at nakabisita ka dito. Ipinagluto kita ng Pinais na hipon" sinalubong ako ni Nanay Teresa ng mahigpit na yakap.

"Salamat po" kimi kong tugon. Nasa likuran ko lang si Xander na dala ang mga gamit ko.

"Naigayak ko na din pala ang kuwarto nitong si Alexander. Doon na kayo tumuloy" nakangiting usal nito.

Napatingin naman ako kay Xander. Magkasama kami sa kuwarto? Although hindi naman na kami bago doon, dahil nga pag nasa apartment ko siya ay magkatabi naman kami natutulog, iba pa rin kapag nandito kami sa pamamahay nila na kasama pa ang parents niya. Nakakahiya lang.

Before YouWhere stories live. Discover now