Chapter 7

3.7K 109 7
                                    

"A-anong sabi mo?"

"Sabi ko, ang guwapo ng boyfriend ko" pag ulit ko sa sinabi ko kanina.

"Pakiulit nga uli" maang pa ring usal nito.

"Ang guwapo ng boyfriend ko--" nagulat ako nang kabigin niya ako at yakapin ng mahigpit.

"F*ck Ysabella, wala ng bawian. Girlfriend na kita" bulong nito sa kanya.

Sa pagkakalapit namin na yun, halos maramdaman ko na din ang mabilis na tibok ng puso niya.

Kahit ako ay nagulat din sa naging takbo ng sitwasyon namin. Kanina lang ay desidido na akong i-enjoy lang ang company niya hanggang sa makabalik ako ng Manila bukas. At pagkatapos ay babalik na uli ako sa buhay ko. Yung mag isa lang at kuntento na kahit ako lang.

I don't know what exactly happened at nagdecide akong sumugal.

Yeah. It's definately a gamble. At ang puso ko ang inilapag kong pantaya. Bahala na kung matalo. Bahala na kung masaktan. Ang mahalaga, isinugal ko ang kaunting pag asa ko na baka siya na nga. Baka nga may inilaan din pala talaga para sa akin at hindi ko na kailangang tumandang mag isa.

Hindi ko din inaasahan na makakaramdam ako ng ganitong klaseng kasiyahan. Ang nakakamangha lang din, in less than 24 hours, nagawa kong baguhin ang kapalaran ko.

"You don't know how happy I am. Thank you for trusting me. Thank you for believing in me"

Lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kanya. "Thank you din. For suddenly coming into my life"

"Hindi ko alam kung nananaginip lang ako"

Natawa ako. "Ako din. Feeling ko nananaginip lang din ako. Na ilang sandali lang, magigising ako sa katotohanan na panaginip lang ang lahat--" naputol ang iba ko pang sasabihin ng dumampi ng bahagya ang labi niya sa labi ko.

"We're not dreaming. This is reality. You're my girlfriend now. You're mine now" he smiled and then give me another smack on the lips.

Tumingkayad ako at hinalikan din siya ng mabilis. Nang kinabig niya ako para sana palalimin ang halik ay napaigik ako sa sakit. Yung braso ko kasing napaso ay nasagi.

"Sorry, love" anitong inenspekyon ang braso ko.

Love.

That would be the sweetest endearment na narinig ko.

"C'mon, lalagyan ko na ng ointment yung paso mo" he held my other hand softly.

Pinaupo niya ako sa dining chair. Umalis lang siya saglit para kunin ang ointment. Pero bago siya tumalikod ay nakaisa na namang halik.

Aba nakakarami na ang loko!

Ako naman ay hindi mapigil ang pagngiti. If ganitong klaseng saya pala ang mararamdaman ko, ngayon pa lang, masasabi kong worth it yung desisyon kong sumubok.

Lihim din akong napadasal. Nagpasalamat at nanghingi ng basbas kay Lord. I want this relationship to work out. Kahit mabilisan ang pagsisimula namin, hiniling ko na sana, tumagal kami. Na sana kami na hanggang huli.

Nang makabalik si Xander, dala na niya ang ointment. Hinila niya ang isang upuan at inilagay sa tapat ko. Umupo siya doon. Mukhang hindi pa siya kuntento sa distansya namin na halos magkadikit na ang mga tuhod namin.

"Medyo namumula na yung paso mo. Mabuti at hindi malala" marahan niyang ipinahid ang ointment sa parteng napaso. Maya't maya din niya itong hinihipan.

He's so gentle. He's so warm.

Nakatingin lang ako sa kanya habang inaasikaso niya ang paso ko.

Until now, napapasip ako. What did I do to deserve a man like him? Hindi ko man siya ganun pa kakilala, nararamdaman kong mabuting tao siya.

Before YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz