Chapter 19

3.7K 81 1
                                    

Napakabilis lumipas ng panahon.

Three days na lang at araw na ng kasal namin.

Sa mga buwan na nagdaan, naging abala kami ni Xander sa pag aasikaso ng kasal. At para matutukan ang preparasyon, nagresign na rin ako sa trabaho two months ago. Ayoko na rin kasing bumyahe ng malayo si Xander dahil halos tatlong beses isang linggo na siya pabalik-balik from Quezon to Manila.

Dito na rin ako tumutuloy sa Quezon. Pansamantala ay sa bahay muna ng mga magulang ni Xander kami tumutuloy. Hindi pa kasi tapos ang pag aayos namin sa sarili naming bahay. Marami pang kulang na kagamitan nung lumipat na ako dito. Wala namang problema sa mga magulang namin. Ang lagi lang nilang sinasabi, matatanda na kayo.

Sa loob ng dalawang buwan na yun, hindi lang ang kasal ang inaasikaso namin. Maging ang pamimili ng mga appliances, furnitures at iba pang gamit sa bahay ay tinapos na din namin. Ang balak kasi namin ay matapos ang kasal, doon na kami uuwi.

Sa preparasyon naman namin sa kasal, halos pulido na rin. Mula sa isusuot namin, sa simbahan kung saan kami ikakasal, mga damit ng abay, hanggang sa reception at mga pagkain ay okay na rin lahat. Medyo nakaka proud nga dahil wala naman kaming kinuhang wedding planner. Mas kumportable kasi kami ni Xander na kaming dalawa lang ang magpapalitan ng ideas.

Siguro kaya naging madali ang lahat ay dahil talagang pinagtulungan namin ni Xander. Advantage din na very organize siya kaya kapag may mga nakakalimutan akong detalye ay siya ang nagreremind sa akin.

Napagdesisyunan naming ikasal sa December 8 at sa simbahan kung saan kami unang nagsimba nang maging magkasintahan kami. Sa Saint John Baptist Parish Church. Sabay naming kinausap ang kura sa simbahan para humingi ng permisong gawin ang seremonya sa kanilang simbahan.

Akala ko dati ay basta-basta lang ang pagpapakasal. Basta may simbahan, may groom at bride, may mga bisita, tapos na ang seremonya. Nakapahaba din pala ng proseso.

Matapos naming kumuha ng marriage license, CENOMAR, umattend ng canonical interview o yung pag iinterview ng mga taga simbahan kung saan namin napiling ikasal, maging ang marriage seminar na tumagal din ng halos dalawang oras. Kumbaga sa seminar na yun, ipinaliwanag sa mga ikakasal ang importansya ng kasal sa mag-asawa. Kung desidido na ba kaming pasukin ang panibagong yugto ng buhay namin na magkasama. Sa totoo lang, very eye opening sa aming dalawa yung seminar na yun. Kasi parang.. doon unti-unting nagsink in sa amin na, eto na yun. Panghabang buhay na committment sa isa't isa.

Maging ang listahan ng mga sponsor ay inayos na rin namin. Mabuti na lamang at pumayag naman ang simbahan na dalawang pares ng ninong at ninang ang kukunin namin. May ibang simbahan kasi na isang pares lang ang pinapayagan.

Magkasama naming sinadya sa kanilang mga bahay ang kinuha naming ninong at ninang. Nagdala din kami ng kaunting regalo bilang pasadalamat sa pagpayag nilang maging pangalawang magulang namin bilang mag-asawa.

Sa mga abay naman, syempre hindi ko nakalimutang kunin si Lorraine at Quincy. Maging ang nag iisang kapatid ni Lorraine ay kinuha kong abay dahil nakaclose ko na din naman siya. Pareho kasi kaming kdrama fan. Meron ding tatlong college friend ko at dalawang pinsang babae ni Xander ang kinuha naming abay.

Sa mga lalaki naman ay hindi nawala sa listahan namin ang kapatid ni Xander na si Jared, mga pinsan na sina Leon at Lucian, si Gerard, at pinsan kong si Micco at Jolo.

Sunod naming inayos ang reception. Yung venue na kinuha namin ay pagmamay-ari ng ninong ni Xander sa binyag. Malawak ang lugar at maganda ang view. Bagay sa outdoor reception na napili namin. At dahil sa challenging ang pag aayos sa venue,  doon na kami kumuha ng team na mag-aasikaso sa pagdidisenyo. Same team na mag aayos din ng disenyo sa simbahan.

Before YouWhere stories live. Discover now