Chapter 11

3.7K 89 4
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. It's been a week since naging kami ni Xander. Everything went smoothly after nang pag iinarte ko nung ikalawang araw naming mag-on.

Akala ko talaga hanggang dun na lang kami ni Xander. Kung hindi siya naging patient sa kabaliwan ko, kung hindi siya naging mahinahon sa pag settle ng concern ko, wala na sana kami ngayon.

Ang dami ko ding natutunan sa nangyari.
Ang dami kong realizations.

Dati kasi, para sa akin, ang pakikipag relasyon ay kinakailangan ng mahabang proseso. Kailangang kilalanin munang mabuti bago pumasok sa committment. Kailangan munang magpa impress ng lalaki sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak, chocolates, o anupamang regalo bago mo ibigay ang iyong matamis na "oo".

Which is in a way tama din naman. Iba pa din kapag kinilala mo ang isang tao bago ka pumasok sa relasyon. But, that is not always the case. Tulad ng sa amin ni Xander, it seems... rush. It's so sudden na kahit ako ay nanibago din. Pero pinatuyan ni Xander na hindi basehan ang tagal. Hindi basehan ang matagal at magarbong ligawan. He just presented himself with his sincerity is his only weapon. Yun din siguro yung nakita ko kaya agad din akong nag-commit sa kanya.

At ngayon, mas napatunayan kong tama ang naging desiyon ko. Xander has been the best decision that I ever made.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Tanong ni Xander sa akin habang nagdadrive ito.

"H-ha?" Medyo nagulat pa ako nang bigla siyang magsalita.

Nandito kami ni Xander sa sasakyan niya. Papunta kami sa Art in Island na located sa Cubao. Less than 30 minutes away mula sa apartment ko.

Nang dumating siya kagabi sa apartment ko, ipinakita ko sa kanya yung dalawang ticket na binigay sa akin ng HR Supervisor namin. Binigay daw ng isa sa client namin. At dahil hindi naman niya magagamit ay ibinigay na lang niya sa akin. Naging usap-usapan kasi sa opisina ang pagkakaron ko ng boyfriend matapos akong sunduin ni Xander.

Dapat ay ngayong sabado ng umaga palang siya babyahe pero nagulat ako nang Biyernes pa lang ng gabi ay dumating na siya sa apartment. Kaya hindi ko man hilig ang paggala, inaya ko na lang si Xander para hindi masayang ang ticket.

"Why are you quiet?" Seryosong tanong nito.

"Wala. Excited lang ako" sagot ko at nginitian siya.

Kahit na ilang beses ko naman na siyang nakakasama, parang until now hindi pa din ako makapaniwala. Jusko ilang beses na kami natulog magkatabi pero nai-starstruck pa din ako sa kanya.

"Nakapunta ka ba dun dati?" He asked while driving in one hand.

Umiling ako. "Hindi pa. Actually marami pa akong hindi napupuntahan dito sa Manila kahit na three years na din akong nagtatrabaho dito. Hindi kasi ako mahilig lumabas. Mas gusto ko mag stay sa bahay"

"Doing what?"

"Matulog. Maglinis ng bahay. Manood ng kdrama"

Tumango-tanong ito. "Atleast now, may kasama ka ng matulog, may katulong maglinis ng bahay at mag binge watch ng kahit anong gusto mong panuorin"

"Weh? Samahan mo ko manuod ng kdrama?" Napapangiting tudyo ko sa kanya.

Tumango lang ito.

"Sabi mo yan ha. Ikaw ba anong ginagawa mo kapag wala kang trabaho?" Curious na tanong ko.

"Hmm... Matulog. Kumain. Tapos matulog uli"

Natawa ako. Akala ko pinakaboring na ang routine ko. Talo pa pala niya ako.

"Hindi ka rin mahilig gumala?"

Umiling ito. "Nakakapagod"

Tuluyan na akong napahalakhak. "Pareho tayo! Di ba, iniisip mo pa lang, nakakapagod na?"

Before YouWhere stories live. Discover now