Chapter 6

3.7K 118 19
                                    

"Oo"

Walang kaabog-abog na sagot nito.

Pagak akong natawa. "Naku Xander, if ever na magiging more than friends tayo, baka one week lang makipaghiwalay ka na sakin" sabi kong muling napainom ng pine apple juice.

Kumunot ang noo nito. "Bakit mo nasabi?"

Nagkibit balikat ako. "Mahirap akong pakisamahan. May sarili akong mundo. Masyado na kong nasanay na mag isa kaya malamang ilang araw lang makakalimutan kong may boyfriend pala ako. Hay naku bakit ba yan ang pinag uusapan natin. Tama na nga ang biruan. Umuwi na tayo baka kailanganin na yung mga pinamili natin" akmang tatayo na sana ako nang magsalita siya.

"Sino ba nagsabi na nagbibiro ako? Do I look like I'm joking?" Seryosong turan nito.

Hindi ako sumagot. Sa halip kasi na kiligin sa sinabi niya ay napikon ako.

Anong tingin niya sa akin? Easy girl? Sinong maniniwala sa kanya? Eh wala pa ngang 24 oras kaming magkasama.

Kung kanina ay nasasakyan at nagagawa ko pang tawanan ang biro niya, ngayon naman ay napipikon na ako. Naiinis ako dahil para bang ang dali lang sa kanya na sabihin yun. At isa pa sa kinaiinisan ko ay ang sarili ko. Dahil deep inside, nandun yung katotohanan na umaasa din akong hindi siya nagbibiro.

Pero malabo kasing mangyari eh. Sino ba ako? Sino ba ako para magustuhan niya?

Hanggang sa pagbyahe namin pauwi ay hindi ko ma siya kinibo. Mas okay na din siguro. Habang maaga ay idistansya ko na ang sarili ko sa kanya. Uuwi na ko bukas kaya hindi naman na kami magkikita uli.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagmamasid sa tanawing nadadaanan namin.

Halos mapamura ako nang bigla niyang inihinto ang sasakyan.

May nabangga ba kami? Nasiraan ba kami ng sasakyan?

"A-anong nangyari?" Tanong kong bumaling sa kanya.

"Let's talk"

Napipi ako. Ano bang pag uusapan namin. Dito talaga sa gitna ng kawalan? Dahil oras ng siyesta ay walang taong makikitang palakad lakad.

"I'll explain. And I want you to listen to me" tinanggal niya ang suot niyang seatbelt at humarap sa akin.

"Iniisip mo bamg hindi ako seryoso dahil kakakilala pa lang natin?"

Dahan-dahan akong tumango. Wala namang rason para magsinungaling pa ako.

Frustrated na napabuga ito ng hangin. "I don't know if you remember, pero hindi ito ang unang beses na nagkita tayo"

"Huh?" Halos magsalubong ang mga kilay ko sa gulat. Biglang napaisip kung saan at kailan kami posibleng nagkita.

"Hindi mo matandaan di ba? Just like I thought"

"T-teka, nagkita na tayo? Saan? Kailan?"

"Three months ago. Sa kasal ng pinsan mo. Inutusan ako ng ina na sunduin ang ama dahil naparami na ng inom. Ipinakilala tayo ng Tiya Elma mo"

Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong natatandaan na nakita o ipinakilala siya sa akin! Para namang imposibleng makalimutan ko siya, sa mukha niyang yan!

"See? Hindi mo talaga naaalala" anitong halatang nagtatampo.

"Wait lang, wala talaga akong maalala! Niloloko mo ba ako?"

"Offended na ng ako na hindi mo ako naaalala, aakusahan mo pa akong manloloko"

Napapikit ako at pilit inalala ang sinasabi niya. Sa pagkakatanda ko, gabi ng reception ng kasal, maaga akong nagpaalam na magpapahinga na dahil umatake ang migraine ko. Nakaligo at nakabihis na ako ng pantulog nang madaanan ko sina Tiya Elma sa kusina. May kasama itong isang lalaki. Mukhang ipinagbabalot ito ng handa.

Before YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon