Chapter 17

3.7K 88 3
                                    

"What?! Engage ka na?"

"Holy moly!"

Nakangiti lang ako habang tumatango. Nandito kami ngayon sa Palm Grill. After office ay inaya ko silang kumain muna. Gusto ko kasing i-share sa kanila ang balita.

Yes. Me and Xander are now officially engaged!

After niyang magpropose nung Sunday, I said yes immediately. Bakit pa ba ako magpapatumpik-tumpik pa? Si Xander na yan eh! Ang lalaking walang ibang ginawa kundi iparamdam sa akin na kamahal-mahal ako. Na espesyal ako. Aarte pa ba ako?

Kasi kung nung una ay may nararamdaman pa akong alinlangan dahil nga sa bago pa lang kami, nawala na lahat yun.

Dahil nakita ko na kahit konti, walang anumang pagdududa si Xander sa relasyon namin. At yun yung pinagkukunan ko ng confidence na everything will be okay as long as I give my full trust to Xander.

Kasi kung sa feelings lang din naman ang pag-uusapan, nag uumapaw na din yung nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.

Mahal niya ako.

Mahal ko siya.

Ganun lang kasimple. At isa pa, hindi na rin naman kami bumabata nitong si Xander. Lalo na ako. Magtitrenta na ako!

"Congrats Belle" nakangiting usal ni Lorraine. Gumanti naman ako ng ngiti dito. Kahit na may mabigat na pinagdadaan siya, hindi mo na kakikitaan ng kalungkutan maliban na lang kung titingnan mo yung mga mata niya.

"Hanep talaga sa bilis yang jowa mo! Itatali ka na agad?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Quincy. "Pero friend hindi ba masyadong nagmamadali yang jowa mo? Ito ngang si Marco ni mabanggit ang salitang kasal, wala. Tatlong taon na kami pero mukhang walang planong pakasalan ako"

Pumangalumbaba naman si Lorraine.
"Friend alam mo, based on experience, narealize ko na wala na sa tagal ng relasyon  ang tibay nito. Kita mo naman ako, eight years pero nagawang magloko"

"Sabagay. May point ka naman. Kung talagang manloloko, kahit anong tagal eh magloloko pa rin. Kaya swerte na 'tong si Belle at nakatagpo siya ng matinong lalaki na ihaharap na talaga siya sa altar. Nakakainggit ka friend" sabi naman no Quincy na nilagok ang beer.

"Tama kayo. Sinuwerte lang talaga ako kay Xander. Sabi ko naman sa inyo di ba, wala na sa isip ko ang pag aasawa. Kuntento na ako sa buhay ko kahit mag isa lang ako. Pero nung nakilala ko siya, parang hindi ko ma maimagine yung buhay ko na hindi siya kasama. Sabi nga niya, kahit na tatlong buwan pa lang kaming magboyfriend-girlfriend, we do have a lifetime as husband and wife" kinikilig na turan ko.

Hinampas naman ako ni Quincy sa braso. "Oo na girl ikaw na! Apakahaba ng buhok nito! Basta sa kasal mo girl ha, abay kami"

"Oo naman"

"Eh teka, kelan nga ba ang kasal?" Tanong ni Lorraine.

"Wala pa kaming definite date. Pero gusto ni Xander na bago mag end of the year, maikasal na kami"

"Wait, that's 6 to 7 months from now? Kaya ba sa preparation ng ganun kabilis?" Mulagat na tanong ni Quincy.

"Simple lang naman yung kasal na gusto ko. Ayoko ng masyadong magarbo. Sapat na sa akin yung kaunting bisita. Family and friends lang"

"Naku friend I doubt na masunod yang simpleng kasal mo. Alam mo naman mga taga probinsya, ang bobongga ng mga kasal! Yung pinsan ko nakapangasawa mg taga Quezon, nagpakatay pa daw ng sampung baboy at limang baka. Imbitado ang buong barangay"

Napangiwi ako. Actually naisip ko na yun. Pero ang sabi naman ni Xander, ako ang masusunod pagdating sa kasal namin.

"Medyo malayo pa naman. Mapag-uusapan pa naman namin yan ni Xander. Sa ngayon medyo hindi pa nagsi-sink in sa akin na ikakasal na ako. Ieenjoy ko muna siguro yung moment"

Before YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz