Chapter 14

3.3K 84 4
                                    

"X-Xander..." Halos hindi iyon lumabas sa bibig ko.

Para akong itinulos sa kinatatayuan ko. Pinaghalong takot at pag aalala ang nararamdaman ko.

Dahan-dahan siyang nag angat ng tingin. His eyes are a bit red.

Nanghihina itong umupo sa sahig at sumandal sa kama. Nakatalikod sa akin.

What happened? Bakit naging ganun ang reaksyon niya matapos niyang sagutin ang tawag? Sino yung nasa kabilang linya?

May takot man ay naglakas loob akong humakbang palapit sa kanya. Nang makarating ako sa tapat niya ay lumuhod ako. Nanginginig na sinapo ang pisngi nito.

"X-xander..."

"S-sorry..." Bulong ni Xander na halos walang boses. Hinigit niya ako at sumubsob siya sa leeg ko. Niyapos nitya ako. Like his life is depended on it.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko muna siyang kumalma.

Hindi rin ako nagtanong kahit na napakaraming katanungan ang naglalaro sa utak ko.

Ginantihan ko na lang ng mahigpit ang yakap niya habang hinahaplos ang buhok niya.

"It's okay... Nandito ako" bulong ko sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.

----------
Nagsimula na ang kasiyahan sa tahanan nina Xander para sa 17th birthday ng kapatid niyangbsi Jared.

Maraming kabataan ang mga bisita. Mga kaklase at kaibigan ni Jared ang nga ito. May ilan ding kaedaran nila na karamihan ay mga pinsan nina Xander.

Matapos ang nangyari kanina sa loob ng kwarto niya, pinili naming wag munang pag usapan. Ayokong sirain ang mood niya kung sakaling magtanong ako. May tamang panahon at oras para doon. Sa ngayon ay hinayaan ko muna na maging maayos ang lahat para sa kaarawan ng kapatid niya.

Xander seems... Okay. Parang walang nangyari. Balik sa dating chill at tahimik na Xander. Nakikipagbiruan din sa mga pinsang nangangantyaw sa amin. Pinagmamasdan ko lang siya. Pinakikiramdaman.

I smiled at him after he held my hand.

"Gutom ka na? Kaen na tayo?" Tanong niya sa akin habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Sige. Halika na" sabay na kaming pumunta sa nakahilerang mga pagkain na buffet style.

Nauna na naming binati kanina si Jared. Binigay ko na din sa kanya ang regalo ko. Medyo nahirapan nga akong mamili ng ireregalo sa kanya. Mabuti at sinamahan ako ni Xander sa Farmers Cubao. Binilihan ko siya ng T-shirt sa H&M.

Nang makakuha ng pagkain ay pumuwesto kami sa sulok na lamesa.

Tahimik lang kaming kumakain. Hindi ko man maiwasan ay nagpa-flashback sa utak ko yung mga nangyari kanina. I'm still a bit shaken.

"Love.." bulong ni Xander. Kinukuhanang atensyon ko.

"Hmm" tugon ko. Kinuha ko ang juice at uminom.

"Y-yung kanina..." Tila kinakabahan na usal nito. "I-I'm sorry..."

I just looked at him. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"I'm sorry kung natakot kita. It's just that..." Anitong tila hirap naituloy kung ano man ang nais sabihin.

Ginagap ko ang kamay niya at bahagya itong pinisil. "Pag-usapan natin mamaya, okay?" I said while giving him an assuring smile.

Ayoko naman kasing pilitin niya ang sarili niyang magkwento kung mukhang hindi pa siya kumportableng pag usapan.

Tingin ko ang kailangan niya ngayon ay ang pang unawa ko sa sitwasyon niya.

Ipinagpatuloy namin ang tahimik na pagkain. Nang patapos na kami ay biglang lumapit ang tatlong lalaking pinsan ni Xander. Sumalo ang mga ito sa table namin.

Before YouWhere stories live. Discover now