Chapter 1

5.6K 107 25
                                    


"Naalala mo ba yung si Ka Tonyo? Yung nakilala natin nung kasalan ng pinsan mo sa Quezon?" tanong sa akin ni Mama habang nag aalmusal ako.

Pilit kong inalala yung huling uwi namin sa Quezon. Nag abay ako sa kasal ng pinsan ko sa mother side na si Rona. Mas bata sa akin ng 10 taon. Nabuntis ng boyfriend kaya ayun hindi pumayag ang mga tiya at tiyo na hindi panagutan.

Tubong Batangas ang napangasawa kaya naman magarbo ang naging handaan. Kilala kasi ang mga taga-Batangas na tila-fiesta ang selebrasyon ng kasalan. Madaming bisita na kahit hindi naman talaga kakilala ng mga ikakasal ay talagang dadalo upang makisaya at syempre makikain na rin.

Ayoko mang umattend kasonahiya na din ako dahil personal akong minessage ng pinsan ko at kinuhang abay. Ayun kasama sina Mama at Ate, umuwi kami sa Quezon.

"Sinong Ka Tonyo?" napakamot sa noo kong usal. Sa totoo lang, hindi talaga ako matandain sa mga pangalan o kahit mukha ng mga taong unang beses ko pa lang nakikilala.

"Yung nakainuman ng mga Tiyo mo pagkatapos ng kasalan. Yung matabang mamá na malakas ang boses"paalala pa nito sa akin.

"Yun bang kumanta ng My Way?"

"Oo yun nga" anitong tumabi pa sa akin habang bitbit ang tasa ng kape at inilapag sa harapan ko.

"Ano hong meron sa kanya?"

"Nakausap ko ang Tiya Elma mo kanina. Kapitbahay pala nila yun sa San Francisco. Kabilang barangay lang mula kina Rona. Hinihingi daw ang number mo"

Muntik ko nang maibuga ang kapeng iniinom ko dahil sa narinig.

Bakit naman hihingiin ni Ka Tonyo ang number ko? Natipuhan ba ako? Natawa ako sa isip ko. Eh mukang may mga apo na rin siya. Bakit ko ba yun naisip?

"Bakit daw hinihingi ang number ko? Aanhin daw?" kunwaring hindi apektadong usal ko.

"Eh mukhang irereto ka ata sa binata niya. 30 na daw pero wala pa ring asawa" nakangiting anito.

"Ayan na naman kayo sa reto-reto ninyo ha. Sabi ko ayaw ko ng mga ganyan. Tsaka baka masama ugali nun kaya single pa din kahit 30 na"

"Kita mo 'to. Makapanghusga ka kala mo naman may boyfriend ka na. Eh magti-trenta ka na rin sa susunod na taon pero single ka pa din. Likas na mahiyain lang daw yung tao kaya hindi pa nag aasawa"

Napanguso ako. "Baka naman Ma hindi babae ang hanap" medyo pinipigil ko ang tawa ko.

Kinurot ako ni Mama sa tagiliran. "Matabil talaga yang dila mo. Kaya hindi ka nagkakaboyfriend masyadong taklesa yang bibig mo"

"Nagbibiro lang ho. Eh kung sakaling hingiin ang number ko, sa tingin nyo baý itetext ako nun eh sabi nyo nga mahiyain" pangangatwiran ko.

"Hindi naman siguro. Subukan mo lang muna. Sinasabi ko sayo Ysabella. Mahirap tumandang dalaga. Walang mag aalaga sayo"

Hindi na ako nagatwiran dahil hahaba lang ang usapan. Ilang taon na rin naming topic yan ni mama kaya naman kabisado ko na ang sasabihin niya.

Na kesyo wala akong makakasama sa apgtanda. Walang magbibigay ng mga anak sa akin at hindi ako magiging ganap na babae kung hindi ako magkakaroon ng sariling mga anak.

Well, naiintindihan ko naman yung worry ni Mama. Ayaw lang niyang mag isa ako. Tumandanda na rin kasi sila ni Papa. Yung ate ko, magdadalawa na ang anak. Yung bunso naming lalaki, may isang anak na din. At dahil may kanya-kanya na silang pamilya, nakabukod na sila ng tirahan. Sa Bulacan pa rin naman pero sa kabilang munisipalidad.

"Bahala kayo Ma. Pero sinasabi ko na. Hindi ako ang mag aapproach sa kanya. Kung magtetext siya, magrereply ako. Pero hindi ko maipapangako na magiging maganda ang kalalabasan ng pagrereto ninyo"

Before YouOnde histórias criam vida. Descubra agora