PROLOGUE

9K 137 17
                                    

"Kailan ka mag aasawa?"

"Bakit wala ka pang anak?"

"Di ba kaklase ka ng anak ko nung Elementary? Ilan na anak mo? Si Junjun naka-tatlo na eh"

Nakakapikon man, medyo sanay na akong makarinig ng mga katanungan patungkol sa pag aasawa o pagkakaron ng anak.

Simula nang mag asawa ang halos lahat ng kababata ko sa street namin, para bang naging past time na ng mga marites sa amin ang pagpiyetahan ang pagiging single ko sa edad na 29.

Hindi pa naman ako ganun katanda di ba? I'm still in my twenties kaya hindi ko din maintindihan kung bakit mas atat pa sila sa akin sa paglagay sa tahimik. Pero I doubt kung magiging tahimik ba ang buhay ko once na sumagot na ako ng "I do" sa simbahan o sa munisipyo kaharap si Mayor.

Bilang isang introvert, importante sa akin ang oras sa sarili ko. Yung tahimik at walang ibang taong nang-iinvade sa privacy ko.

Para sa akin, hindi naman din ako ganun ka-eager na humanap ng makakatuwang ko sa buhay. Kuntento naman ako na may maayos akong trabaho, healthy naman ako at may oras ako sa sarili ko at sa pamilya ko.

Wala pa naman akong pressure na nararamdaman na halos lahat ng kababata ko ay may mga sariling bata na rin na inaalagaan.

Kung bata lang rin naman kasi ang pag uusapan, may dalawa na rin naman akong pamangkin na pwedeng laruin. Na kapag nagsawa na ako ay pwedeng ibalik na sa kani-kanilang magulang. Unlike pag sarili mo ng anak, kahit sawa ka nang mag alaga, ay wala ka namang ibang choice kundi alagaan sila hanggat sa kaya na nilang tumayong mag isa.

Don't get me wrong. I'm nothing against sa pagkakaroon ng anak. Alam ko na masaya kapag may mga bata na sa bahay. Na kahit nakakainis kapag nag iiyakan na, ibang saya pa rin ang dulot nila sa pamilya. Ang akin lang, kung ako ang papipiliin, hindi ito kasama sa priority ko. Tulad na lang ng pag aasawa.

Sa ngayon kasi, hidni ko maimagine ang sarili ko na ishe-share ko yung oras at atnesyon ko sa ibang tao maliban sa pamilya ko. Ang selfish mang pakinggan, yun yung reality para sa akin.

Hindi ko din matandaan kung kailan nagsimula ang ganitong mindset ko. Masyado siguro akkong naging busy sa trabaho kaya medyo nakalimutan ko din ang ibang aspeto ng buhay ko kaya nakasanayan ko na din yung ganitong lifestyle. Bahay-trabaho, trabaho-bahay. Kulong sa kwarto, tulog at magcellphone maghapon. Basa ng mga romantic novels, nuod ng movies.

Kung para sa iba, napaka routinary at nakakaboring ang buhay ko, well, hindi para sa akin. Ang pagkakaroon ng routine ay nagbibigay ng kakaibang comfort sa akin. At for sure mga kapwa introvert ko ay makakarelate sa akin.

May mga kaibigan naman ako na nag aaya na lumabas. Sumasama din naman ako pero sobrang madalang lang. Iniisip ko pa lang kasi yung byahe, lakaran at dami ng tao sa labas, napapagod na ako. Kaya naman sa loob ng isang taon, mabibilang mo lang ang paglabas ko kasama ng mga kaibigan ko.

Kung tatanungin ako kung masaya ba ako sa ganitong klaseng lifestyle, masasabi ko naman na sakto lang. Hindi sobrang saya, pero hindi din naman ako malungkot. As in sakto lang.

Actually, tulad ng sabi ko kanina, masaya naman ako sa buhay ko. Kuntento.

Not until...

He came into my life.

Before YouWhere stories live. Discover now