"Hindi... May kasalanan naman talaga ako tsaka kung tutuusin eh mas maraming beses pa akong nakipaghalikan sa ibang babae kesa sa ginawa mo kay Tristan."

Agad na nagkasalubong ang kilay ko.
"Walanghiya ka! So may iba ka talagang babae?!" inis na sigaw ko at tinulak siya.

Muntik pa siyang mahulog sa kama kaya lang ay nakakapit pa siya sa akin. Sayang!

"Hey that's not what I meant! Wala akong ibang babae aside sayo!" pagliliwanag niya.

"Eh ano yung sinabi mong may iba kang kahalikan!"

"Just some random girls I met in the bar, tsaka ginawa ko lang yun kasi nagseselos ako! Andami mo kasing lalaki! Nakakasakit ka ng damdamin." sagot niya.

"Ahh so sa tuwing magseselos ka eh makikipaghalikan ka sa kung sinu-sinong babae?! Eh walanghiya ka naman pala talaga eh!" pinaghahampas ko na siya ngayon. Nakakabwesit talaga! Matapos niyang sabihin kanina na mahal niya ako tapos ngayon eh aamin siyang he's kissing other girls aside from me? Sino bang matutuwa niyan?!

Niyakap niya ako bigla.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako." pagpupumiglas ko.

"Sabi ni Luke na kapag umamin daw yung tao sa kasalanan niya eh ibig sabihin gusto niyang magkaayos na kayo at pag-usapan yung problem, and that's what I'm doing right now pero bakit galit na galit ka sakin? Ayaw mo ba na nagiging honest ako sayo?" mahinahong sabi niya sakin.

"Baliw ka ba? Alangan namang matuwa ako sa sinabi mo? And what? You're just being honest? Ang pucha naman ng pagiging honest mo! Pinapainit mo ulo ko." talak ko sa kanya.

He chuckled.
"I'm sorry okay? Tsaka hindi ko na rin naman ginagawa yun, matagal na akong tumigil."

"Matagal na? Kelan naman?" usisa ko.

"One month ago? Or 2 weeks ago?"

"Hayop ka talaga!" tinulak ko siya ng sobrang lakas kaya nahulog tuloy siya sa kama pero dahil yakap yakap niya ako ay nahila rin niya ako pababa.

He groaned.
"Ouch! Fvck ang sakit ng likod ko! Shit."

"Tama lang yan sayo!" bulyaw ko dito at tumayo na, bumalik ako sa kama at umupo.

Dahan dahan naman siyang umupo sa sahig.
"Shit ang sakit talaga" sabi niya ulit habang himas himas yung likod niya.

Tinignan ko siya, naaawa ako! Paano kung nasaktan talaga siya?

Lumapit ako sa kanya.
"San ba banda masakit?" nag-aalalang tanong ko.

Ngumuso siya bigla. "Dito."

"Bwesit ka talaga!" sigaw ko at tinulak ulit siya.

Kahit kailan talaga napakamanloloko niya! Padabog akong bumalik sa kama at humiga na.

Narinig ko pang tumawa siya.

"Bwesit ka bwesit!!!" inis na sabi ko. Matapos ko siyang hintayin ng ganito ka talaga eh bwebwesitin niya lang ako?

Sumampa naman siya bigla sa kama. Naman talaga! Sana pala di ko na lang ibinigay kay Luke yung kabilang kwarto! Wala tuloy akong matutulugan ngayon.

"Xy.." tawag niya sakin. Di ko siya pinansin at tumalikod na lang ako.

"Asawa ko." tawag niya ulit tapos bigla ko na lang naramdaman yung pagyakap niya sa akin.

Di ako pumalag, pinikit ko na lang yung mata ko.

Play With Me If You Dare {COMPLETED}Where stories live. Discover now