"Hanggang sa pinaka nagalit ako sa kaniya nung nakitulog siya sa bahay nung babae. Galit na galit ako, halos sugurin ko siya doon kasi.. bakit makikitulog ka don? Paano din masisira motor niya eh halos dalhin niya araw araw sa pagawaan yon. Sobrang gigil na gigil ako sa kaniya non. Gusto ko siyang suntukin at bugbugin pero di ko nagawa kasi.. mahal ko eh." Malungkot na kwento ni Van sa amin. "Hanggang sa yun na nga.. naging okay kami kasi hindi na niya pinapansin yung babae. Hindi na din naman sya ginugulo nung babae. I though we were fine.. kaya nga nag decide akong pagawan siya ng resto kasi ganon ko siya kamahal.. not until he called me earlier telling me he's getting married with her. Anong laban ko don, mga te? Babae yon, lalaki ako. Ang ending talaga babae pa rin ang hanap niya. Nakakapanliit."
"Minsan alam mo iniisip ko.. ang hirap hirap maging parte ng komunidad natin no?" Sambit ni Van. "Hindi tayo tanggap ng lahat. Lagi tayong inaalipusta, hindi binibigyan ng karapatan dahil lang sa ito ang sexuality natin. Parang wala tayong karapatang bumoses eh, nakakalungkot."
Napatango tango naman ako. "Wala eh. Hindi rin kasi natin masisisi yung mga tao kung hindi nila tayo matanggap. Iba kasi yung nakagisnan nila kaya ganon."
"Sabagay. Oh tama naman na tungkol sa akin, kwento naman kayo ng tungkol sa inyo." Saad ni Van habang nilalantakan ang pulutan naming chips.
"Uhm.. ako, still moving on." Panimula ni Jazen habang pinaglalaruan ang bote sa kaniyang kamay. "1 year na din nakalipas mula nung.. mula nung naghiwalay kami ng ex ko."
Napansin kong nangingilid ang mga luha niya pero hindi naman ito bumabagsak. "Naalala mo yon, Keith? Nung time na pumasok akong para akong sabog. Yun yung time na yon. Sobra akong windang talaga non. Imagine? Yung girlfriend mo for 13 years, 13 damn years, nabuntis ng kuya ko. Sobrang sama ng loob ko non pero wala akong magawa. Nandon na eh, nasa tiyan na nya yung bunga ng kasalanan nila sa akin. Alangan humarang pa ko. Binugbog ko yung kuya ko non, hindi pumalag. Alam niyang kasalanan niya eh."
"After non, lumayas ako sa amin. Keith helped me na makahanap ng bagong tirahan at ang sabi ko lang sa'yo diba need ko ng bahay malapit sa firm." Tumango naman ako. Naalala ko yon kasi sinamahan ko siya non sa compound ni Tita Amy eh. Doon siya sa naging unit ni Deanna nakatira ngayon. "Pero yon.. hanggang ngayon di pa rin ako nakakamove on sa sakit. Nakikita ko sila sa facebook, masayang masaya silang dalawa kasama yung anak nila.. na pamangkin ko. Sakit, sobra. Di ko alam kung kelan ako makakausad eh. Hinahayaan ko na lang."
"Nakakakungkot naman yon, parang pareho pala tayo." Komento naman ni Van sa kaniya kaya napatango kami ni Jazen. "Eh ikaw naman, Keith? Ano namang kwentong pag-ibig mo? O baka naman happy ang pechay mo?"
Natawa naman ako at hinampas siya sa braso. "Gaga, pare pareho lang tayong walang dilig. Wala akong jowa.. wala.. na."
"Teka, diba ex mo yung isang client mo?" Tanong ni Jazen sa akin. "Yung.. Deanna ba yon? Yung nagpapagawa ng bahay sa'yo?"
Tumango naman ako. "5 years naman kami. 7 years ago, nagpunta si Deanna sa US para sa treatment ng Papa niya doon. Wala siyang choice kasi yung kapatid niyang lalaki nag-aaral pa, yung ate nyang isa hindi pwedeng iwan gung anak dito. Siya lang talaga yung pwedeng sumama sa Papa niya."
"At first, kinaya naman. We've been LDR for 4 years, kinaya namin. Ang saya namin." Napapangiti pa ako habang inaalala ko kung paano kami mag-usap ni Deanna sa video call nung nasa US siya. "Until one day.. hindi na siya nagparamdam."
"OMG, she ghosted you?" Gulat na tanong ni Van na ikinatango ko naman.
Tinitigan ko ang boteng hawak ko habang nagkukwento ako. "Daming nangyari after she left me. 3 years after she left, nag decide akong mag unwind sa Baguio. Gusto ko na kasi i-let go lahat ng sakit, patawarin siya kahit hindi siya humihingi ng tawad at tanggapin na hindi na siya babalik. There I met a cute guy.. his name is Cadean, a 3 year old kid."
"Huy, Keith. Ano yan? Pedo ka?" Binato ko naman siya ng plastic ng chips kaya nagtawanan kami.
"Gaga. So ayun nga, Cadean was lost non. Umiiyak siya sa likod ng isang bahay so I accompanied him and told him na hahanapin namin yung Dada na sinasabi niya." Kwento ko pa. "Little did I know na yung Dada pala na tinutukoy niya is yung ex kong ghoster."
"What the heck.." Bulalas nilang dalawa.
Tumango tango naman ako. "Hindi pa yan. Nung nakita ko siya ulit, she was with Cadean's mother, si Carly. Which happens to be the first girl na naging dahilan kung bakit hindi ko dapat siya sasagutin nung nanliligaw pa lang siya sa akin."
"What the hell?!" Gulat nilang bulalas at napatango nanaman ako. Mas magugulat pa kayo dyan.
"Lastly, weeks after that unexpected encounter. They all showed up sa office, hired me as their Wedding organizer and Archi sa bahay na ipapagawa nila." At this point, both their jaws dropped. Hindi ko masisisi, maski sinong nakakarinig ng nangyari sa amin nawiwindang din. "Isa pa pala.. I forgot to mention."
"May mas malala pa?" Ngawang tanong ni Van kaya natawa ako at tumango.
Uminom muna ako bago sumagot, "I became her mistress until last Wednesday."
"WHAT THE ACTUAL FUCK, KEITH." Gulat pa nila ulit na bulalas kaya natawa ako. "Bakit ka pumayag?"
Nagkibit balikat naman ako, "Tanga ako eh." at tinungga na ang boteng hawak ko.
"Wait-- why until last wednesday? Anong nangyari?" Takang tanong ni Jazen.
Napayuko naman ako at pinaglaruan na lang ang buhanging inuupuan namin. "Cake tasting nung Wednesday. Kami lang ni Carly at Kath magkakasama since may lakad si Deanna non. Doon ko nalaman na alam pala ni Carly yung secret relationship namin."
"You're fucked." at sumang-ayon naman ako.
"Kaya itinigil ko na. I don't wanna hurt myself more, and I don't want the kid to be hurt too." Sagot ko saka ako uminom ulit. "Tama na yung limang taon na naging kami ni Deanna. Hindi na para ipilit pa yung bagay na hinahadlangan na ng mundo noon pa."
Nakita ko namang nalungkot sila para sa akin. Maya maya nama'y inangat ni Van ang bote niya. "Para sa mga pusong sawi?"
"Para sa mga pusong sawi!!" Sabay sabay naming sigaw at nagcheers. Nagtawanan kami at nag inuman na ulit.
Natapos ang inuman nila at hinatid na ni Jazen si Van sa room nito. Nagpaiwan naman ako sa gilid ng dalampasigan at pinagmasdan ito. Yakap yakap ko lang ang tuhod ko dahil medyo malamig na ang simoy ng hangin.
"Para di ka lamigin." Nagulat ako nang may magpatong ng jacket sa akin at magsalita. Napalingon ako dito na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. "Sabi ko na susunod ka eh."
Napatitig ako sa kaniya. Yung taong ang tagal kong minahal at minamahal ko pa rin hanggang ngayon. Nakaramdam ako ng matinding kirot sa dibdib ko nang makita ang ngiti niyang naging paborito ko mula nang makilala ko siya.
"Deanna." Mahinang sambit ko at lumingon naman siya sa akin saka ngumiti.
Ano bang gusto ng mundo? Bakit lagi kaming pinagtatagpo?
______________________________________________________________________________________
Hi, darlings! Sorry at ngayon lang nakapag update. Super busy lang po sa reviewers ko dahil malapit na College Admission Exam ng ferson kaya medyo magiging madalang po ang updates ko dahil importante po itong exam sa akin. Sana maintindihan niyo po. Love ko kayong lahat 🥺💖
Love, Seven ☁️
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red String 7
Start from the beginning
