"Ngayon pa lang ako bumabawi, Deanna. Ngayon pa lang ako gumagaling sa sakit ng pang-iiwan mo sa akin. Tapos.. bigla kang lilitaw sa harap ko, kasama mo yung anak at mapapangasawa mo na alam nating lahat na hindi ko kasundo dahil sa ginawa niya sa akin noon?" Napayuko na lang siya dahil tuloy tuloy ang sa pagsasalita. "Kung si Ate Margarette pa binalikan mo, baka naintindihan pa kita. Pero hindi eh."
"Pagod na kong maiwan.." Napaupo na ako sa lapag kaya agad akong sinalo ni Caitlyn. "Sirang sira na ko dahil sa'yo.."
"Yan ba talaga tingin mo sa'kin, Adi?" Lumuluhang tanong niya. "Yan na lang ba talaga yung dahilan kung bakit natatakot kang bigyan ako ng pagkakataon na itama lahat ng mali ko?"
Umiling naman ako. "Hindi. Natatakot ako.. na sisirain ko nanaman yung sarili ko, para lang hindi mo ko iwan. Kasi ang sakit sakit eh. Ang sakit sakit na kahit ilang taon na nakalipas, nararamdaman ko pa rin yung kirot dito.." Sagot ko at tinuro ang puso ko.
"Ano nanamang mangyayari kapag pinagbigyan kita? Iiwan mo nanaman ako?" Tanong ko at ilang segundo kaming napatitig sa isa't isa. Pinunasan ko na ang mga luha ko. "Yung organizing, tuloy pa rin. Just.. talk to Kath if Carly needs something. You can talk to me if it's just about the wedding or your house. Kung hindi kayo ikakasal, ipacancel niyo na lang kay Kath lahat ng inasikaso natin." Huling sambit ko bago ako tumayo at pumasok sa bahay.
Tumakbo ako papunta sa kwarto at nagkulong doon. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at namnamin ang sakit. Hindi ko sila pinagbuksan kahit kanina pa katok nang katok si Caitlyn sa kwarto ko. I just want to be alone right now.
Dalawang araw akong nagmukmok sa bahay. Alam ko ngayon ang alis namin dapat papunta sa Subic pero di na ako sumama. Ayaw sana nila Bea sumama pero pinilit ko sila. Gusto ko kakong mapag-isa kaya wala silang nagawa kundi sumama. Sumunod din naman ako sa Subic pero di ako sumama sa kanila. Nandito ako sa restaurant ni Van na ginagawa na namin.
"Jazen, sabihin mo na lang ako pag may kailangan ka pa dyan ha?" Nag thumbs up naman siya sa akin habang nakangiti. Jazen is my friend at ang engineer namin. Siya talaga ang mas hands on dito sa resto dahil.. sya yung engineer eh.
Pumasok ako sa tent at nakita doon si Van na nakatulala. "Van? You okay?"
"Wala na kami, Keith." Napasinghap naman ako. "Nakipag hiwalay siya sa akin.. pinagpalit niya ako doon sa babaeng katrabaho niya. Ikakasal na sila agad sa susunod na araw dito."
"What the heck.." Bulong ko at at tumabi sa kaniya saka niyakap siya. "I'm here, Van. Iiyak mo lang yan, we're here to help you."
Hinayaan ko lang umiyak si Van sa balikat ko habang nakaakbay ako sakanya. Naalala ko tuloy si Deanna. Yung mukha niya nung umiiyak siya sa harap ko, nagmamakaawang bigyan ko siya ng chance. Iwinaksi ko ang isipin kong yon at inalo na lang si Van.
Kinahapunan ay inaya namin si Van na magpunta sa resort at uminom. Doon kasi kami nagsestay ni Jazen since yun ang malapit na hotel sa area ng resto. Gusto naming i comfort si Van sa pamamagitan ng pagliliwaliw.
"Ilang taon na naming pinag-aawayan yung babaeng yon." Kwento ni Van habang nakaupo kami sa harap bonfire. Nandito kami malapit sa dalampasigan, nagtayo lang kami ng bonfire at dito kami nag iinom. We are wearing our swimwear since balak naming mag swim tatlo. I am wearing a turquoise one piece swimwear na pinatungan ko lang ng see through cardigan. Si Jazen naman, she's wearing a black two piece na sinuotan niya ng maong shorts sa bottom at flannel polo sa taas. Si Van naman ay naka sando at board shorts. "Lagi akong nagagalit sa kaniya kasi hinahatid niya sa bahay. Sabi ko.. anong purpose? Bakit kailangan ihatid? Alam niyo sagot sa akin? Kasi babae daw yon, hindi daw magandang hinahayaang mag-isang bumyahe yung babae. Syempre nasaktan ako.. kasi ako hindi naman niya ako hinahatid sa work ko eh. Kaya ko naman na daw kasi ang sarili ko."
KAMU SEDANG MEMBACA
Red Strings
Fiksi PenggemarAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red String 7
Mulai dari awal
