"Ano pong ibig niyong sabihin, Tita?" Tanong ko at nakunot na ang noo ko.

Tumikhim naman siya. "Isa din akong kabit, tulad mo. Kaya nga hindi niyo nakikita ang asawa ko ay dahil hindi naman ako nag-asawa. Matagal na kaming hiwalay ng asawa ng bestfriend ko."

"Colleg ako noong nakilala ko ang bestfriend kong si Mavis. Hindi kami mapag hiwalay na dalawa. Nangako kami sa isa't isa na hindi kami mag-aaway dahil sa isang lalaki." Kwento niya. "Kaya lang nung makilala niya si Javris, nawala na siya sa akin. Sila na ang madalas magkasama. Nalungkot ako dahil sa dalawang dahilan. Una ay nawala ang bestfriend ko sa akin dahil hindi na kami nagkikita at pangalawa.. si Javris ay dati kong nobyo." Napasinghap naman ako sa sinabi ni Tita. So.. parang kami din pala ni Deanna? Hindi nga lang kami mag bestfriend ni Carly. "Ikinasal sila noong tatlong taon ang nakalipas matapos kaming magtapos sa kolehiyo. Biglang nagparamdam si Javris sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil alam ko naman sa sarili kong mahal ko pa rin siya. Hanggang sa may nangyari sa aming dalawa at nasundan pa ng ilang beses na pagkikita at pagtatalik. Tinanggap ko sa sarili ko na isa na lang akong kerida non. Hanggang sa nabuntis ako at nakikipaghiwalay na ako sa kanya. Ayaw nyang pumayag, tapos nalaman pa ni Mavis ang tungkol sa amin. Galit na galit siya, kinaladkad niya ako palabas ng apartment kong ito at pinag sigawan sa mga kapitbahah ko na isa akong kerida. Ang sakit sakit para sa akin non.. kaya nakunan ako."

Napatakip na ako sa bibig ko sa mga naririnig ko. Grabe pala nangyari kay tita. "Kaya tuluyan ko nang hiniwalayan si Javris at lumayo sa kanila. Hindi na ako nag-asawa mula non. Tinaguyod ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan nang pagbili nitong compound at gawing paupahan. Hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako na pumayah akong maging kerida ng dati kong nobyo. Kung hindi ako pumayag, hanggang ngayon siguro ay magkaibigan pa kami ni Mavis."

"Kaya hangga't maaga pa, anak. Itigil mo na. Ayokong magsisi ka habang buhay katulad ko." Sambit ni Tita Amy habang hinahaplos ang kamay ko.

Nagpaalam na din ako sa kanya matapos nya akong pakainin sa bahay niya. Umuwi ako sa bahay, nag taxi na lang ako. Buti pala bitbit ko ang wallet ko. Pagdating ko ay umakyat agad ako sa kwarto at naligo. Paglabas ko ng cr ay nakita ko si Deanna na nakaupo sa kama ko. "Adi, san ka ba ga--"

"Bakit nandito ka?" Walang ganang sagot ko.

"Kanina ka pa namin hinahanap nila Kath, Adi. Ang sabi nila ni Carly bigla ka na lang umalis sa cake shop, ni hindi mo pa dala ang sasakyan at phone mo." Nag-aalalang sagot niya. "Ano bang nangyari? Hindi naman daw kayo nag-away ni Carly. Bakit bigla kang umali--"

"Alam na ni Carly." Sagot ko. "Deanna, ayoko na. Ayoko na ituloy tong meron ta--"

"Magbihis ka muna." Kumunot naman ang noo ko. "Magbihis ka muna dahil wala akong maintindihan sa sinasabi mo ngayong naka tapis ka lang sa harap ko. Nadidistract ako, Adi. Magbihis ka muna para makapag usap tayo nang maayos."

Umirap naman ako at nagbihis na nga. "Ayan, sige na. Magsalita ka na."

"Ayoko na." Sagot ko. "Tama na to, Deanna. Pagod na ako. Hindi na maganda para sa atin tong relasyon natin. Madami tayong nasasaktan--"

"Ano bang sinasabi mo?" Gulung gulo na tanong niya.

Napahilamos naman ako sa mukha mo. "Ano bang hindi mo maintindihan don, Deanna? Ayoko na. Ayoko na maging kabit mo. Ayoko nang maging ganito lang tayo. Hindi na tayo pwede, hindi na tayo tulad ng dati, Deanna."

"Anong kabit pinagsasabi mo? Hindi naman kita ginagawang kabit--"

"Eh ano? Mistress? Kerida? Pareho lang yon, Deanna. Kumakabit pa rin ako sa'yo dahil ikakasal ka na." Hindi naman siya nakasagot at parang manghang mangha at gulat pa sa sinabi ko. "Umuwi ka na sa inyo dahil tapos na tayo, Deanna."

"T-Teka! Hindi mo pa ako hinahayaang magpaliwanag, Ivy. I can explain!" Taranta nyang sagot pero di ako nagpatinag dahil hinila ko na siya palabas. "Adi-- wait! Kausapin mo muna ako, wag mo kong paalisin!"

"Anong nangyayari?" Tanong ni Bea na kakalabas lang ng gate. Great! Pati si Bea malalaman na din. "Nag-aaway ba kayo?"

"Adi, please! Let me explain myself first!" Nagmamakaawang sambit ni Deanna. Umiling lang ako at sinara na ang gate.

"Wait-- kayo na pala ulit?" Sabat ni Bea pero hindi parin namin siya pinansin.

"Save you explanation, Deanna. I don't wanna hear anything from you again." Matigas kong sagot sa kaniya. "You can just ghost me again gaya ng ginawa mo noon. Doon ka naman magaling, just please.. ayoko na. Pagod na akong maging ganito. I am ruining myself again just because I love you at ayoko nang makitang unti unti akong nauubos dahil sa'yo."

Nakita kong bumagsak ang mga luha ni Deanna na ngayon ko na lang ulit nakita. May kirot sa puso ko na parang gusto ko na lang bawiin ang mga sinabi ko at papasukin ulit siya sa bahay.

Tumalikod na ako bago pa magbago ang isip ko pero may sinabi siya na talagang napahinto ako.

"Hindi kami ikakasal ni Carly, Adi.." Sigaw niya na nakapag patigil sa akin sa paglalakad. Anong ibig niyang sabihin?
______________________________________________________________________________________

Love, Seven ☁️

Red StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon