Sunod sunod akong napalunok. "W-What do you mean Deanna will take care of me? Hindi ko alam yung sinasa--"
"Ano ba akala mo, Ivy? Na I don't know that Deanna and you are back together?" Natatawang tanong niya na hindi ko alam kung genuine na natatawa or sarkastiko. I'm fucking doomed. "You're in her condo last week, right? I saw your clothes on her room. Nagtataka lang ako why I didn't see you."
Ramdam ko na ang panginginig sa katawan ko. I'm fucked-- I'm fucked!! Alam na niya. Of all people na pwedeng makaalam, bakit siya pa?!
"You know, Ivy. If Cadean will know about you and Deanna being together again, I'm sure he will be--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil tumayo na ako. Nangingilid na ang mga luha ko at nanginginig na ang kalamnan ko.
"I-I'm sorry but I have to go.." Bulalas ko at hinawakan na ang bag ko.
"Ivy-- wait!" Rinig kong sabi niya bago ako lumabas ng store. Nasaan si Kath? Hindi ko siya makita. Oh shit, she's there!
"Miss Keith, ano pong nangya--" Inabot ko na sa kaniya ang bag at susi ko dahil lumalabo na ang paningin ko sa sunod sunod kong pagluha.
"Ikaw na muna bahala sa sasakyan ko, Kath. I just need some air." Humihikbi kong sambit sa kaniya bago tumakbo palayo. Naririnig ko pa ang pagtawag niya sa akin bago ako tuluyang makalayo.
Hindi ko na alam kung nasaan ako. My phone was in my bag at wala akong dalang kahit ano. Nandito ako sa harap ng isang tulay.. pamilyar na tulay.
Nandito ako sa tulay kung saan nakita ko si Deanna noon, ang tulay malapit sa dati naming apartment.
Bumaba ako sa may ilalim ng tulay at doon sumigaw habang umiiyak. Wala akong pake kung may makakita sa akin, I just wanna let this out.
"Ayoko na-- ayoko na!!" Sigaw ko sa hangin. "Pagod na kong mahalin ka.. ayoko na.."
Napaupo na lang ako sa damuhan at napayakap sa sarili habang humahagulgol. Ayoko na. Pagod na akong masaktan kada minamahal ko si Deanna. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang ganito, kung bakit nasasaktan ako tuwing minamahal ko siya.
Karma ko na ba 'to? Dahil sa ginawa ko sa kaniya noon? Ganti ba niya ito sa akin? Ang sakit sakit na. Ayoko na.
Nagpunas ako ng luha ko at saka umalis sa lugar na yon. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng dati naming apartment, kung saan nabuo ang pagmamahalan namin ni Deanna. Naiiyak nanaman ako.
"Ivy anak?" Natauhan ako nang makita ko si Tita Amy sa harap ko, yung landlady namin. "Ivy, ikaw nga! Teka-- umiiyak ka ba? Anong problema?"
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at bumagsak nanaman sila ulit. Hinila niya ang kamay ko upang mayakap niya ako at hinagod niya ang likod ko. "Nandito lang ako, anak. Iiyak mo lang yan."
Dinala niya ako sa unit niya at binigyan ng mainit na kape. Tumahan na din ako dahil magang maga na ang mga mata ko at halos hindi na ako makakita. "May problema ba kayo ni Deanna, anak? Bakit umiiyak ka? Sinaktan ka ba niya?"
Oo nga pala. Hindi niya pala alam na wala na kami ni Deanna. "Matagal na po kaming hiwalay ni Deanna, Tita. Tatlong taon na po."
"Ha?" Gulat na sabi ni Tita Amy at tumango ako. "Panong nangyari yon eh galing dito si Deanna last week at sinabing masaya pa rin kayong dalawa? Sabi niya ay kayo pa rin daw eh."
Umiling naman ako. "Kabit lang ako, Tita."
"Hano? May iba bang nobya si Deanna?" Tumango naman ako sa kaniya at kinwento ang nangyari. "So.. tama nga. Kerida ka nga ni Deanna.. eh papaano naman yon, anak? Ikakasal na sila kamo. Hindi pwedeng hanggang sa ikasal sila ay maging kabit ka lang niya. Ikaw ang mahihirapan diyan, anak. Ang sakit naman malamang dati kayong dalawa ay lubos na nagmamahalan at nasaksihan ko yon. Pero ngayon.. kabit ka na. Tigilan niyo na yan, anak. Hindi maganda ang madudulot niyan sa inyo. Wag kang gagaya sa akin, hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa rin ang mga desisyon ko noon."
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red String 6
Start from the beginning
