"Thanks, Kath." Sagot ko habang nakangiti. Umalis na din ako at bumaba sa parking para sumakay na sa sasakyan ko. Ilang minutong drive lang naman mula sa boutique na napili nila. Actually, hindi ko na trabaho to pero gusto ni Carly na tulungan ko siyang mamili ng gown and suit nila. Wala akong choice, I'm just being nice.
Pagdating ko doon ay bumaba na ako at pumasok sa boutique. Sinalubong ako ng isang babae. "Hi, Ma'am. Are you Miss Keith Lacsina?"
"Uh, yes." Sagot ko.
"Wala pa po sila Miss Carly at Miss Deanna, pero ibinilin po nila kayo sa akin. I am Kianna by the way." Pakilala niya. "Do you want to see the gowns po muna? Para may idea na po kayo bago dumating si Miss Carly."
Ngumiti naman ako at tumango. Sumama ako sa kaniya at dinala niya ako sa mga gowns. Hinayaan niya akong magtingin tingin dito. Ang daming magaganda, hirap naman pumili nito. Nagtingin tingin din ako sa mga tux na babagay kay Deanna.
"Ivy! I'm sorry na late kami ni Deanna. Hinatid ko pa kasi si Cadean sa school." Bungad ni Carly at nakipag beso sa akin. "You look great! Gumaganda ka lalo ah?"
Natawa naman ako na nahiya. "Binobola mo nanaman ako. Mas maganda ka pa rin sa akin, Carly. Wag kang ano diyan. Hi, Deanna."
"Hi, Ivy. Carly's right, you look gorgeous." Sagot ni Deanna bago bumeso sa akin kaya ngumiti lang ako sa kaniya pag hiwalay niya.
"Anyways, may idea ka na ba for my gown?" Tanong ni Carly sa akin. "Nagbabrowse ako sa website nila kagabi, hirap na hirap akong maghanap talaga ng bagay sa akin."
Hinawakan ko ang kamay ni Carly. "Nakakita ako ng few gowns kanina na I'm sure bagay sa'yo, and a suit for Deanna also. Halikayo, I'll show you."
Ngumiti naman ako at sumama sila sa akin. Pinakita ko ang limang gown sa kaniya at limang tux din kay Deanna. "Go, sukat niyo na yan."
Pumasok naman sila sa magkaibang fitting room at sinukat na ang mga napili ko. Nakailang palit kami dahil halos hindi nag match sa isa't isa ang mga suot nila. Hay, ang hirap pala mag hanap ng gown for wedding no? Kala ko ang dali lang.
Naghahanap pa ulit ako at may nakita na ako na tingin ko ay bagay sa kanilang dalawa. Nang maisukat nila ito ay sabay silang lumabas at nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
Bagay na bagay talaga sila.
"Thank you, Ivyyyy!" Masayang bulalas ni Carly paglabas niya. "Ang ganda nitong gown and suit, bagay talaga! Hindi talaga ako nagkamaling isama ka dito. Ang galing galing mo! Yung suit ni Deanna medyo adjust lang natin ng one size."
"No problem, Carly. I told you, I will make your wedding the best wedding." Kumindat ako sa kaniya at yumakap naman siya sa akin. Busy siya sa pag feel sa gown niya. Tatawagan niya daw ang parents niya para ipakita ang gown kaya naman nag excuse ako na pupunta lang saglit sa restroom. Magreretouch ako dahil may meeting ako after nito. Dumeretso na ako sa restroom at humarap sa salamin. "You can't be jealous, Keith. You are not allowed. You're just a mistress, soon to be wife yon. Come on."
Sinampal sampal ko pa nang bahagya ang sarili ko dahil hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko. Umayos na lang ako ng tayo at inayos ang damit ko. Napalingon ako sa pinto nang bumukas yon at pumasok si Deanna na nilock ang pinto after. Bakit nilalock pa? "Bakit mo nilo--"
"Kanina pa ko nanggigigil sa suot mo." Bulong niya nang makalapit siya sa akin. "I can't take my eyes off of your.. damn chest. Sinadya mo bang isuot yan in front of me?"
"No?" Takang sagot ko. Napasinghap ako nang bigla niyang halikan ang gitna ng dibdib ko na exposed. "W-What are you doing..?"
"Shhh, if you don't want us to get caught, lower down your voice." Sagot niya.
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red String 4
Start from the beginning
