"We were ex lovers. Are you going to deny it? Alam mo ng lumalapit ako sayo dahil gusto kong makipagbalikan" Nakangisi niyang sabi.

Nanggagalaiti na ako sa inis. Anong pinagsasabi ng lintik na ito? Bago pa man ako makapag salita ay nasuntok na siya ni Hilton. Napahiyaw ako at lumabas na din kina manang sabel at Teddy.

"Stay away from my wife if you still love your pointless life!"

Takot na sila pareho lalo pa ng umamba din ng suntok si Ricci. Hindi ko na kinaya na manatili lang dito at walang ginagawa. Pinagsusuntok ni Hilton si Ricci hanggang sa wala na itong kalaban laban. Hindi pa siya nakontento ay sinipa niya pa iyon sa inis.

"Hilton ano ka ba. Tama na." Inilayo ko siya Kay Ricci para tumigil na ito. Mabuti na lang at sumunod din naman siya. My God he can't control his temper. Lagi na lang ako ang dahilan ng pakikipag away niya.

"R-rhein. M-mag usap tayo. Sa-saglit lang" lumuhod ako para alalayan si Ricci. Halos mawalan na ito ng malay sa panghihina. Putok ang kaniyang mukha at may bahid ng dugo sa kaniyang damit. Galit ako sa ginawa niya kanina pero hindi ako ganun ka walang puso na iwan na lang siya basta dito kahit na ganito ang lagay niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Nakakaawa ang itsura niya. Kanina inis na inis ako sa lalaking ito but even so, he doesn't deserve this.

"Wife. Let's get inside" kalmadong sabi ni Hilton. Gusto ko siyang samaan ng tingin sa ginawa niya. Nilingon ko siya at nakatiim ang bagang niyang pinagmamasdan kami. Inayos niya ang sunglasses sa ulo niya na parang walang nangyari.

"Hilton hindi natin pwedeng iwan dito si Ricci. Gusto mo bang makasuhan sa ginawa mo?"

"Oh. So I am to blame now? Just leave him there. That's what he gets from pushing my buttons" matigas niyang sabi. He's unbelievable.

"Wala ka bang awa? Hilton pano pag namatay to?" Naiiyak ko ng sabi. Unti unti ng pumipikit ang mga mata ni Ricci. Marahan ko itong niyuyugyog para hindi tuluyang mawalan ng malay. Nanghihina ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Kung may awa ako sana hindi ko siya binugbog. Pumasok ka na" his authorative voice never shake me. Hindi lang naman ako mapapanatag sa loob habang iniisip na may binugbog siya dito sa labas.

"Ricci. Hoy. Gumising ka nga diyan. Kasalanan mo naman kasi eh" niyugyog ko ulit siya pero hindi na ito gumagalaw. Lalo lang akong natatakot. Nanginginig ang kamay ko habang hindi malaman kung ano ang pwedeng gawin. We should call the ambulance. Nilingon ko ulit si Hilton and he's talking to someone on the phone.

"Rodolfo. Where are you?... Can you come here? There's a body in front of my house.. bring him to the nearest hospital. Yeah. Just get this for me"

Tinry kong damahin ang pulso ni Ricci. Nakahinga ako ng maluwag nang makapa ko iyon. Gulat akong napatayo nang kunin ni Hilton ang kamay ko at hinila ako patayo at papasok sa loob.

"I told you to get inside. Why are you so stubborn? Umaarte lang yun. I didn't hit him that hard" hila hila niya ako papasok ng bahay.

"Anong didn't hit hard? Eh halos mawalan na ng pulso yung tao. Teka nga—huwag mo nga akong kakaladkarin" binawi ko ang kamay ko at tumigil kami sa may tapat ng hagdan paakyat sa kuwarto.  Inis ang mukha niya sa ginawa ko. Tiningnan ko din siya ng masama at inilayo ang aking kamay ng akmang kukunin niya ulit iyon.

"What's with your bullshit concerns towards that boy? Huh. Why are you so worried about him? Is he your ex boyfriend?" His voice is calm and low but I could see the annoyance in his eyes.

"Ano bang klaseng tanong yan? Syempre mag aalala ako dun kasi binugbog mo yun." Lumakas na ang boses ko. Natanaw ko kina teddy na nag aalala ng nakamasid samin dito.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon