"Nako hindi no." Sagot ko sa kaniya at nilapag ang coffee ko sa lamesa. "Tinuloy ko lang yung profession ko. I'm an Architect now."

Kita ko namang ang paghanga sa reaksyon niya. "Oh wow. Tinupad mo talaga yung pangarap mo no?"

"Syempre naman. I promised myself that I would pursue my dream no matter what happens." Nakangiti kong sagot sa kaniya. Hindi naman ako ang nagsabi non eh, siya kaya nung nasa airport kami. Tinitignan ko lang kung maaalala niya. "Ikaw? Kumusta ka naman? Ang cute cute ng anak mo eh no, kamukhang kamukha mo."

"Actually--" Naputol ang sasabihin niya nang mag ring ang phone ko. Sumenyas ako ng saglit sa kaniya bago sagutin ang tawag.

"Yes, Kath? What is it?" Tanong ko.

"Miss Keith, may nagpa sched po now ng meeting with you. Client po from US, umuwi po dito to hire you as their Wedding Organizer." Sunod sunod na saad ni Kath. Atat ata yung client?

Inabot ko yung kape ko. "Sige, Kath. Sa office ba yan or somewhere? Pwede mo ba kong samahan? I think I need your help na mag notes about the meet up eh."

"Dito po sa office niyo, Miss Keith. Bumaba lang po siya saglit kasi may iba pa daw po siyang kasama." Sagot ni Kath. Nakita ko naman si Deanna na nakatingin lang sa akin habang nakangiti.

"Sige, I'll go upstairs na. Thanks, Kath." Sagot ko at binaba na ang tawag. Humarap naman ako kay Deanna. "I'm sorry, that was my secretary. I need to go na, may meeting kasi ako with a client. Is it okay to leave you two here?"

Ngumiti naman siya ulit at tumango. "Yes, papunta na din naman si Carly."

"Nice to meet you again, Deanna." Nakangiti kong bati sa kaniya saka humarap kay Cade. "Baby, mauna na si Ate ha? Mag work work muna ako. You take care okay? Always listen to Dada."

Masaya naman siyang tumango. "I will, Ate Ganda! Ingat po kayo."

Nagwave ako sa kaniya saka ako tumayo at naglakad palabas. Dere deretso akong sumakay ng elevatore at pagpasok ko ay doon ako nanghina. Jusko, Deanna Wong. Ang tindi pa rin ng epekto mo sa akin.

Pagpasok ko ng office ay nandon na si Kath at nakaupo sa couch sa loob. "Nasaan na yung client, Kath?"

"Paakyat na daw po sila ulit, Miss Keith." Sagot ko kaya naupo na ako sa swivel chair ko at inayos ang desk ko para hindi naman magulo tignan sa harap ng client. Dahil wala pa naman sila, inikot ko muna ang swivel chair ko at tumingin sa labas. Transparent na glass kasi ang dingding nitong office ko, gusto ko kasi yung kita ang view ng labas eh. Maganda to lalo na sa gabi. "Miss Keith, the clients are here na po."

Nakangiti kong inikot paharap sa kanila ang swivel chair ko at halos bumagsak ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang clients ko.

"Ivy, nice to see you again!" Masayang bati ni Carly. Wala akong choice kundi ang tumayo at makipag beso sa kaniya.

"Hey again, Baby Cade." Mahinahon kong bati kay Cade at nakipag fist bump sa kaniya kahit na sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Bakit sa dinami rami ng tao sa mundo.. sila Carly at Deanna pa ang magiging kliyente ko sa isang kasal?

Lord, ano nanaman ba to..

"Please, have a seat." Pormal kong sambit sa kanila. I have to be professional here. Yon kasi ang maganda sa akin, I always set aside my personal problems when it comes to my work. Ayokong naapektuhan ng emosyon ko ang trabaho ko. "My secretary told me na you want me as your.. wedding organizer?"

Red StringsWhere stories live. Discover now