Inabot ko lang ang phone ko sa desk ko at lumabas na ng office ko. Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang malalagkit na tingin ng mga empleyado sa paligid. Sanay na sanay na ako sa mga ganyan dahil hindi naman nila tinatago sa akin na ilan sa kanila ay may gusto sa akin. Hindi ko na lang pinapansin dahil alam naman nilang off limits ako. Iniisip din nila ay may nobya na ako dahil suot ko pa rin ang engagement ring ko.
Kada may nakakasalubong akong empleyado ay binabati nila ako kaya ganon din ako sa kanila. Nasa baba lang ng building ang Starbucks kaya naman doon ako nagpunta. Sakto namang walang pila kaya lumapit na ako agad sa cashier. "Hi, Ma'am! What's your order po?"
"One Venti Iced Coffee please, with 2 pumps of Caramel Syrup, 4 pumps of White Mocha. Also with heavy cream and extra caramel drizzle." Ito ang lagi kong inoorder dito, pampagising ko lalo na pag inaantok ako. Nakita ko namang tinype niya ito saka siya kumuha ng baso.
"Name po, Ma'am?" Tanong niya.
Ngumiti naman ako. "K E I T H. Keith." Tumango naman siya at sinulat na ang pangalan ko. I payed my order using my card at naghanap ng pwesto pagbigay niya ng resibo.
Maya maya lang ay nagawa na nga ang order ko kaya kinuha ko ito at bumalik sa pwesto ko kanina. This place has been my tambayan simula nung magka office ako. Favorite ko kasi talaga mag kape, alam niyo naman na yon.
"Ate Ganda? Is that you?" Agad akong napalingon nang marinig ko ang pamilyar na boses. Biglang lumawak ang ngiti ko nang makita ko si Cadean. "It's youuuu!"
Masaya siyang yumakap sa akin at sinuklian ko naman ito. "Hi, Baby! Sinong kasama mo?"
"Si Dada po." Nakangiti niyang sagot. Agad namang gumapang ang kaba sa dibdib ko. What the heck, lalong nakapagpakaba yung kape na iniinom ko jusko. "She's just ordering her usual coffee here. Do you live near here po?"
Umiling naman ako at pinaupo siya. Four seater kasi itong pwesto ko. "No, Baby. I work near here. Ikaw? Do you live near here?"
"No po, Ate. Mommy and Dada are just here to look for someone." Nakangiting sagot niya. Napakabibo talaga ng batang ito. Parang si Deanna sa kakulitan, mana talaga sa kaniya itong anak niya.
Bigla naman akong nalungkot. Ako dapat Mama niya eh kung di lang.. hayst.
"Cadean, I told you not to go far away from-- oh, hey Ivy! Ikaw pala nilapitan nitong batang to." Nakangiting sambit ni Deanna sa akin.
Hay, Deanna. Wag mo kong nginingitian nang ganyan, baka agawin kita sa nanay ng anak mo.
Chariz.
Ngumiti din ako sa kaniya. Be casual, Ivy. "Ah yes. Gulat nga ako nandito pala kayo."
"Oo, may imimeet kasi kami ni Carly malapit dito kaya lang may dinaanan kasi siya kaya nauna kami ni Cadean." Tumango tango lang naman ako. Wala naman akong pake sa asawa niya, gusto ko lang siya matitigan. Chariz.
Ibang iba na kasi ang hitsura niya ngayon. Medyo nanaba siya na bagay naman sa kaniya. Pumuti siya lalo, pero yung kilay niya makapal pa rin katulad dati. Hanggang balikat pa rin ang buhok niya, mapungay pa rin ang mga mata niya, mapula pa rin ang mga labi niya. Yung ilong niya, ganun pa rin na paborito kong kagatin noon. Napakacute kasi ng ilong niya eh. Tapos yung pormahan niya, halatang mayama--
"Ivy? Ivy? Yuhoo? You're spacing out." Natauhan naman ako nang mag snap siya ng daliri sa harap ko. Nahiya naman ako, natulala pala ako sa kaniya nakakahiya. "Are you okay?"
"Ah yes, sorry. May iniisip lang about work." Nahihiyang sagot ko at uminom na lang sa coffee ko. "What are you saying again ba?"
Natawa naman siya. Jusko! Yung tawa, yung tawa niya na musika sa tenga ko mula noon.. hanggang ngayon. "Sabi ko, kumusta ka na? Parang big time ka na ah?"
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red String 1
Start from the beginning
