Landi, aral, trabaho, bahay lang ang mga inaatupag ko noon at hindi pinoproblema ang bukas at hirap ng buhay.

Ngayon . . . Ina na'ko ng limang bata. Nagtatrabaho para sa kanila. Nagsisikap para sa kinabukasan ng lima na gusto maging hype-beast. Slash fraternity leader. Jejemon. At sabungero.

Inay, saklap!


E Z R U S
Na anak ni Mama ko
P.O.V


TWO joints muna tayo bago niyo malaman ang tsimis. Ngayong magsisimbang gabi kami. Siyempre good boi lang dapat. 'Di puwede ang batang pasaway, 'di puwedeng lumikot---

"Hoy Ezrus, ano kaya ang regalo sa'tin ni Mama?" Bulong ng katabi kong si Uranus. Kumibit balikat lang ako. Gusto ko sanang ratratan ng sermon 'to kaso nasa simbahan pa kami.

Bawal iyon.

Pinaglalaruan ko ang ilong at napapa-isip. Sabi ng mga tao sa baranggay . . . Masama raw na laging pasmado ang Ina kapag buntis kaya nagiging pasmado din ang bibig ng anak. Lalo na kapag sa mambabarang ang nagpa-anak sa buntis. Magiging kampon ng masama ang anak nila.

Hindi naman kami gan'on, diba?

Napakamot naman ako ngayon ng ulo. 'Eto talagang si Uranus. 'Di nag-iisip. Alam ko ba ang regalo n'on sa'min? Kung tinatanong niyo si Mama kung nasaan siya. Heto't kausap si Father. Habang hawak hawak ang pitsel.

Todo iling ang Padre kahit mukhang natatawa sa sinasabi ni Mama. Sabi na sainyo at mukhang komedyante si Mama e!

Nagbubulangan din ang mga kapatid kong apat at 'di ako sinali. Napasimangot tuloy ako.

Bagsak ang balikat ni Mama ng lalapit sa'min pero huminto 'din dahil may kakilala siyang ma-tsi-tsmisan. Hindi din sa'kin nakaiwas ang pag lungkot ng mukha niya tuwing napapatingin sa mga kumpletong pamilya.

Naiinis ako at ginulo ang buhok.

Ba't siya nalulungkot? Hindi pa ba kami sapat Mama? Kailangan mo pa ba si Papa? Hindi namin siya kailangan Mama . . .

Kaming lima, kahit pasaway. 'Di kami naiingit kapag may pinagmamalaki silang Papa. Kadalasan ganoon mga kaklase namin. Puro bukambibig mga magulang nila, e kesyo raw nagtitinda ng mga snatch na cellphone . . . lasenggero at sabungero--- Mga kadalasan na trabaho at gawain ng kanilang Papa.

Hindi kami gan'on.

Ano naman kung may satcher silang Papa? Mamatay tao naman si Mama!

Anong pake namin sa lasenggero? E 'di namin ipapatalo si Mama na bangag lagi at kahit 'di naka-inom ng alak e, parang takas sa mental! Anong nakaka-inggit r'on?

At sabungero?

Kami! Marunong kami magsabong! Bakit kailangan namin ng Papa?

Kailangan ba, kasi walang mag-aayos ng bubong tuwing bagyo? Ganoon?

Si Mama! Puwede namin gawing bubong😔. Siya ang ipapalit namin.

Puwede naman iyon diba?

Walang araw na hindi kami nakakaramdam ng kulang sa buhay. Kasi sa lahat lahat ba namang ginawa ni Mama sa'min . . . magrereklamo pa ba kami?

Dapat tinatayuan si Mama ng monumento sa gitna ng bukid para panakot sa mga ibon e. Sa ganoon makilala na may Inang katulad niya- na hahamakin ang lahat, mapasakaniya ka lang!

Joki-joki!

Napakamot ulit ako ng buhok. Ba't 'di ko kaya ihiling 'yon kay Mayor? Pagawan din si Aleng Tabelbel. Siya mismo ipako sa harap ng Baranggay namin. Panakot sa mga aswang.

Sinulyapan ko ulit si Mama. Kahit hindi siya mabait at laman minsan ng tsimis dahil may amoy lagi ang kilikili niya😫. Mahar namin 'yarn😈. Mahar . . . na mahar namin siya. Hashtag # Mahar with the R.

May putok si Mama kaya araw-araw amoy new year.

Alam namin na kay Mama kami nag mana, kasi hindi kami magiging suwail kung wala kaming pinagmanahan.

Si M@m@ lung$ $@kh@Lám.

Wala talagang titibag sa kaniya.

"Oy Pare!"

Umayos kami ng aking mga kapatid sa pagkakatayo at nginisihan sina Kuya Topper, Kuya Jackson, Kuya Bambam at Kuya Chicago.

Nakipag-apiran kami sa kanila. Mababait 'yan! Sila ang nag-aalaga sa'min kapag busy si Mama sa paglalaba noong mga baby pa kami. Sabi iyon sa'min nina Kuya.

Nag-sign muna kami ng two-joints.

"Lupetan ng ayos ah? Mukhang kakandidato kayo ng pagka-mayor sa susunod na eleksyon!" Lait ni Kuya Jackson. Ginawa niyang bandena sa leeg ang lampin ni Baby Bugoy na bunso nilang kapatid. Uso iyon sa'ming lugar. Minsan nga 'di tsupon mga tambay 'dito e. Asta silang baby.

Idol na idol talaga namin ang apat na 'yan. Mapa-pormahan at galawan. Hype beast! Lupet talaga!

Tad-tad sila ng hikaw sa tenga. May mga tattoo din . . . Ang cool nila diba?

Nagsitawanan lang kami. Magsasalita sana si Kuya Bam ng piningot siya ni Mama. Huwaw naman! Kailan pa si Mama naging kabute?

"Kayong apat, magsi-uwi nga kayo," inis nitong singhal kay nila Kuya. Hininaan pa nito ang boses para 'di marinig ng mga dumadaan.

Kamot-kamot ang ulo ni Kuya Topper at nag-siyukuan naman ang tatlo. "'Eto naman si Ate Ganda! Oh! Tig-lilimang daan kayong mga ina-anak namin. Bukas na nga lang mga tropa." Sabay takbo papalayo. Napangisi kaming magkakapatid. Ang galing! Meron na agad kaming 500.

"Ito talaga si Topper with the gang. Tsk," umiling-iling pa si Mama, ipinatago na muna namin kay Mama ang pera. Hawak-hawak pa rin nito ang pitsel at naka-simangot na ipinasok sa eco bag.

Hindi na napigilan ni Odanuz na itanong kung para saan ang pitsel na dala ni Mama. Kung nauuhaw si Mama puwede naman siyang uminom d'on sa mapaklang fountain ng simbahan e. Kahit may kiti-kiti at langaw okay naman yata iyon. Hindi naman siya magkakasakit!

"Ahh . . . 'eto ba? Hihingi sana ako ng holly water,"

Kunot noo kaming magkakapatid nagkatinginan. Sabay-sabay din kaming nagtanong kung para saan niya iyon gagamitin. Wala naman multo sa bahay. Tiktik meron. (Si Mama 'yon). Nameywang siya sa'min.

"Luh! Ipapa-inom ko sana sainyo . . . Lalaklakin niyo dapat ang pag-inom n'on. Baka kasi magsitino kayong lima."

Napanganga kami. Malungkot pa siyang nagpunas ng pekeng luha sa mata.

"E ang kaso, bawal raw! Kaya no choice, kay doctor quack quack ko na lang kayo ipapatingin."

Tukoy ni Mama doon sa kilalang albularyo na nakatira sa itaas ng bundok. Sabi sa tsimis, lagi iyon kumakain ng palaka at ang ipinapainom sa mga pasiyente niya ay galing sa wiwi ng tikbalang. Napatampal kami ng mukha. Kaderder kaya iyon.

Masama talaga si Mama.

Masama!

Hiding Vowels Where stories live. Discover now