HIDING VOWELS

44 2 0
                                    

S I M U L A


"Mama bakit ang pangit mo?"

"Mama one plus one nga!"

"Yiii si Mama bu-budots na yarn!"

"Ayiiii budots na 'yarn!"

"Mama I want chicken nuggets!"

HALOS umusok ang ilong ko at pumutok ang mga ugat sa'king bunbunan. Nasa harapan ko ang lima kong mga anak na walang ibang ginagawa kung hindi magpapansin sa'kin. Stress na stress na ako sa kanila. Pero mahal na mahal ko naman 'tong mga kutong lupang 'to. Kahit walang araw na hindi nila ako tinatantanan sa pambubuset sa'kin.

"A! E! I! O? U!" Sumimangot silang lumapit sa'kin. Ganoon ko sila kung tawagin. Ako naman 'tong tawa ng tawa habang nakaturo ang isang daliri sa kanila.

"Baliw na 'to si Mama."

"Sinabi mo pa Ikarus, nakakaiyak!"

"Ano? Pa-tulfo na natin 'to?"

"Uyy huwag naman Odanus. Sa mental na lang. Ano masasabi mo? Arkus?"

"Kung ano sainyo Ikarus, 'dun din ako. Ikaw? Erkus?"

"Tulfo na lang. Tama si Odanus."

"Uranus in the house! Sa mental! Tapos ang usapan. Period. Tuldok! With padlock na din."

Ang kaninang kong tawa ay nauwi sa ngiwi at pagluha. Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan at napaluhod. Nakataas din ang dalawa kong kamay. At sumigaw ng: "Walang himala! Huhuhuhu! Sasama ng ugali ng mga anak ko! Ba't sa'kin pa nagmana!"

Nakataas din sa ere ang mga kamay nila at pinalilibutan ako habang nagsasayaw ng--- budots at twerking. Aba peste!

"Ahu ahu! Blulu lulu!🎶"

"To the moon. Road trip!🎶"

"Skrt skrt!🎶"

"Hindi ko alam lyrics🎶
Pero to the moon🎶"

"Bahay... kubo. Road trip. Broom broom----🎶

Na-agaw lang atensyon sa pagda-drama ko at ang pambubuset ng mga bata ng marinig ang sigaw ni Aleng Tebelbel. "Hoy! Magsibayad na kayo ng upa!"

"Bukas ka na mag-ingay T'ya Bilbil!" Sigaw ng anak kong si Ikarus. Natigil na ito sa pagtu-twerk. Patawad-tuwad naman ang ginagawa neto.

"Kaya nga . . . Pinang pupusta mo lang naman ang mga pera na sinisingil niyo e. Christmas naman ngayon Tabel. Huwag ng singil."

Sa sinabi ni Odanus. Nakarinig kami ng paglagabog sa labas. Napatayo ako sa pagkakaluhod at nagkatinginan kaming mag-iina. Sabay-sabay kaming lumapit sa pangit na pintuan. Tinulak pa nila ako kaya inis ko silang liningon. Na-iiling na lang ako ng magsingiti sila sa'kin. Plastic. Parang ako lang.

Anyways. Pagkabukas ko ng pintuan. Sabay-sabay kaming napasinghap. Sisigaw na sana ako ng naunahan na ako ng mga anak ko.

"O my gosh! Tulong mga kapitbahay! May patay sa labas ng bahay namin!"

"Ahuhuhu! Atulungan neyo kame."

"Tabelbel! Masamang damo ka! Alam namin 'yon. Kaya magka-count daw kami. Dapat gising kana!"

"1000!"

"999!"

"998!"

"997!"

"996"

Napatampal na lang ako sa'king noo dahil pinagagawa nila. Baka ma-agnas na 'to si Aleng Tebelbel kung hindi pa namin 'to maidadala sa hospital. Napahawak ako sa ulo at mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ang mga anak ko.

Masama naman talaga ako pero bakit naging lima naman ang karma? Grabe. Mamatay ako nito ng maaga sa sama ng loob e.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now