24

31 7 1
                                    

25-DRUNK IN LOVE

Donna POV:

Pagkarating namin ni Papa ng bahay ay napansin ko ang pananahimik nito. Nakunsensiya tuloy ako na baka sumama ang loob nito sa akin dahil sa nasaksihan nito kanina. Pagkapasok ay dumiretso na si Papa sa silid nila ni Nanay Magda at kagatkagat ko ang aking labing napaupo sa sofa,katabi si Joanang nagtataka din sa reaksiyon ni Papa.

"Donna?anyare?"

Bumuntong hininga ako at nilingon ang katabing si Joana.

"Nagalit ata si Papa e,nakita kasi niya akong kasama ng mga Mendoza,akala niya tuloy nililigawan ako ng mga iyon. "wika kong sumandal sa sofa saka pinagkrus ang braso.

"E talaga namang nanliligaw yung isa sa kanila e,si Bryce, di ba?at tsaka a...."

Napaayos ako ng upo at tinakpan ang bibig nito.

"Ssshh,huwag kang maingay,baka marinig tayo ni Papa,nako...."

Tumango si Joana at kinuha ang kamay kong nakatakip sa bibig nito.

"Pero Donna, kung sakali bang manligaw na talaga ng pormal si Bryce sayo,sasagutin mo ba?"

Natahimik ako at nagkibit-balikat. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko.

"E paano kung si Nathan?"

Nilingon ko siya.

"Imposibleng magustuhan ako non,mainit nga ang dugo sa akin di ba?"

Napaisip naman ito saka tumango.

"Eh.. si Hero?"

Napangiti ako.

"Hindi seryoso sa buhay yun, at tsaka baka manganib pa ang buhay ko sa mga babaeng naghahabol dun nuh"nakangiting sagot ko saka yumuko at pinagmasdan ang namamaga kong paa.

"Masakit pa ba ang paa mo?"

"Hmmm.. hindi naman,tingin ko nga gagaling na'to bukas at makakapaglaro na ako ulit, championship game namin di ba?hindi pwedeng wala ako"

Ngumiti lang si Joana saka kinuha ang remote at sabay na kaming nanood ng palabas,ng bigla nalang kaming makarinig ng kalabog mula sa itaas.

Mabilis kaming tumayo ni Joana at inalalayan niya pa akong makaakyat sa hagdan at dinikit ang mga tenga namin sa pintuan ng silid nina Nanay Magda at Papa.

"Kelan mo ba kasi sasabihin ang totoo Daniel ha?!ano ba?!"kahit hindi ko sila nakikita ay alam kong umiiyak na si Nanay Magda.

"Tumahimik ka Magda,hayaan mo akong makapag-isip!hindi pa ito ang tamang panahon!"

"Yun na nga e,kelan ba ang tamang panahong sinasabi mo ha?!natunton na nila tayo!ano ba!"

Nagkatinginan kami ni Joana. 'Ano ba kasing pinag-aawayan nila.'pinutakte tuloy ng kuryosidad ang utak ko.

Biglang pumihit ang doorknob nila Nanay Magda kaya mabilis kaming pumasok ni Joana sa katabing silid na sapo ang mga dibdib namin dahil sa sobrang kaba.

Muntik pa kaming mapatalon sa gulat ng biglang may kumatok sa pinto.

"Donna,Joana!kakain na tayo sabi ng Papa niyo."

Nakahinga kami ng maluwag at dali-daling binuksan ang pinto.

Napansin ko ang pamumugto ng mga mata ni Nanay Magda ngunit hindi na ako nagtanong dahil baka kung ano pang sabihin nito. Sumunod kami sa kanya pababa ng hagdan kung saan ay naabutan na namin si Papa na naglalagay ng pancit sa isang malapad na pinggan.

Napalunok ako at nadamay na rin si Joana sa kabang nararamdaman ko.

"Upo."sabay turo ni Papa sa dalawang upuang nasa kanan nito.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now