4

64 11 7
                                    

#Heartbeat


Tatlong upuan sa kanan, nakaupo ang magpipinsang Dela Verde at sa kaliwa naman ay ang magpipinsang Mendoza ang nakakainis ay nasa gitna nila ako at nakaharap mismo sa galit na galit ng mukha ni Dean Batista Ninjano Arevalo. Nakatayo na ito, ngunit dahil nga matatangkad ang mga Mendoza at Dela Verde kaya nagmukha na naman itong bonsai. Talagang umabot ng anim na pulgada o 6 feet ang mga height ng mga lalaking nakapaligid sa akin,hirap na hirap na nga akong tumingala sa kanila,kaya mas pinili ko nalang yumuko. 

"Now!I want to know kung sinong nag-umpisa ng gulo!sagot!"napaigtad pa ako sa biglang pagpukpok nito sa mesa ng hawakhawak nitong payong.

Lumingon ako sa kanan at napangiwi ng makitang ang yayabang pa talaga ng pagkakaupo ng mga Dela Verde,nakasandal sila sa kanya-kanyang plastic na upuan at nakadekwatrong nakakaloko ang ngiting nakatingin sa mga Mendoza. Ng lingunin ko naman ang mga Mendoza ay kitang-kita ko ang pagkabagot ng mga itong nakatuon lang ang atensyon sa pagtitipa ng kani-kanilang cellphone. Walang mga pakialam dahil nga mga anak mayaman. "Pano naman ako?haisstt!"hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo.

"Makati Ms.Dimagiba?!"

"Po?"nagtaka ako sa tanong na iyon ni Dean ngunit nakuha agad ang pinupunto nito kaya napahinto ako sa pagkakamot sa aking ulo.

"Walang aamin?sige!palalampasin ko ang nangyari ngayong araw na ito pero sa susunod ayoko ng makita ang mga pagmumukha niyo dito sa opisina ko!intendi?!"

"YES DEAN!"mag-isa lang akong sumagot.

Inirapan ko sila at dali-daling lumabas ng idismiss na kami ni Dean.Lakad takbo ang ginawa ko patungong gate kung saan nakita kong naghihintay na si Joana sa akin.

"Donna,san ka ba nanggaling?kanina pa ako dito," nag-alalang wika nito.

Naawa ako kay Joana kaya hinila ko na siya at agad na pumara ng traysikel para maihatid kami sa sakayan ng jyip pauwing village.Nagtext naman sa akin si Aning at sinabi nitong napirmahan na niya ang kopya ng subjects ko,buti nalang at pumayag ang registrars office kundi babalik na naman ako bukas,sayang ang pamasahe pag nagkataon.

Nasa traysikel na kami ng biglang tawagin ng mga kaibigan nito si Joana.

"Donna,mauna ka na sa bahay susunod ako,bibili kasi kami nina Coleen ng damit para sa acquiantance!eto ang susi at padlock sa attic,sige na Donna!"anitong dalidaling bumaba ng traysikel.

"Joana!sandali!"tawag ko dito,ngunit hindi na niya ako narinig dahil tuluyan ng umusad ang traysikel.Panay ang dasal ko na sana hindi pa nakakauwi si Nanay dahil sigurado akong bugbog sarado ako pag nalaman niyang tumakas ako.

Pagdating sa paradahan ng jyip ay hindi agad ako nakasakay dahil sa dami ng tao,kaya sa pangatlong jyip na ako sumampa para lang talaga makauwi. Sa sobrang laki ng village ay kailangan ko pang sumakay ng traysikel para madali akong makarating sa bahay.

Pumara agad ako ng traysikel, hindi na ako mapakali at dinadaga na talaga ang puso ko sa sobrang kaba.Pigil ko ang hininga sa tuwing may dumadaang taxi papasok ng village,dahil baka lulan sa isa sa mga yun si Nanay Magda, isang liko nalang at bahay na namin, ngunit sa kasamaang palad ay nahagip ng mata ko ang taxing nakasabayan ng traysikel na sinasakyan ko at nakita ko si Nanay Magda na nakasakay doon.

"Manong bilisan niyo po!"sobrang bilis na ng tahip ng aking dibdib,buti at may dumaang matanda kaya nahinto saglit ang taxi ni Nanay Magda at nakapag overtake kami. Ngunit talagang nakabuntot na ang taxi sa amin, ilang dipa nalang at bahay na namin at sigurado akong maabutan ako ni Nanay Magda.Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at tinanggap ang katotohanang bugbog sarado na naman ako ngayong araw na ito ngunit sa pagpikit ko ay ang bigla nalang preno ng sasakyan sa likuran ng traysikel na sinasakyan ko.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now