13

54 9 1
                                    

#EskimoKiss

Gusto kong maniwala,gusto kong bigyan ng kahulugan ang salitang lumabas sa labi ni Nathan,gusto kong marinig ulit,gusto kong kumbinsihin ulit ang puso ko na totoo ang lahat ng sinabi nito,pero hindi,hindi....

"Hindi!"wika ko sabay tulak kay Nathan.

Nagtatanong ang reaksyon ng mga mata nito,nagtatanong kung bakit nagmistulang biglang lumamig ang maalab na damdaming namumukod tangi sa aming mga puso sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.

Umiling ako at umatras ng magsimula siyang humakbang palapit sa akin.

"Huwag kang lalapit,"

"Hey I don't understand, why are you pushing me away?"

"Huwag ka sabing lalapit!"umatras na naman ako ng humakbang na naman ito at hahawakan sana ang kamay ko.

Tumingala ako ng biglang kumulog at kumidlat at mas lumakas pa ang buhos ng ulan.

Natatakot ako sa nararamdaman ko,natatakot ako sa bawat pintig ng puso ko,natatakot ako sa kabang hatid ng magpipinsan na kailan lang naman naging mabait sa isang tulad ko.Patuloy ang pagbuhos ng luha kong inaanod ng bawat patak ng ulang tumatama sa mukha ko.

"Please,huwag kang lumapit,huwag kang magsalita,ayokong marinig lahat ng sasabihin mo.Ayoko!"

Sinabayan ko iyon ng pagtalikod at tuluyang tumakbo para makalayo dito.Dumiretso ako sa banyo ng Ba department at naghilamos.Namumugto at namumula ang mga mata ko dahil sa hindi ko mapigilang pagbuhos ng aking luha kanina habang kaharap si Nathan.Napatitig ako sa regalong binigay nito at mabilis na isinilid iyon sa bag ko.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago kinalma ang sarili.Hindi ako maaring maapektuhan,ginugulo na ng mga Mendoza ang utak ko at ayokong pati puso ko ay magulo na rin ng mga ito.

"bantayan mo ang puso mo Donna,huwag na huwag kang magpapadala!kaya mo yan!"para akong timang na nagsasalitang mag-isa ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang limang babaeng estudyanteng ang samasama ng tingin sa akin at ng makalapit ay malakas pa akong tinulak ng isa sa kanila kaya bumangga ang likod ko sa pader.

"Hindi ka naman pala kagandahan,ano bang meron sayo at nababaliw ang mga Mendoza sayo ha?!"kinuwelyuhan pa ako ng pinakamatangkad sa kanila.

Naguguluhan naman akong napatingin sa kanilang lahat.Wala akong kilala ni isa man sa kanila.

"Ano?!tss,wala ka pala eh"sabay hila ng buhok ko at binuksan pa ng isang kasama nito ang basurahan at iniharap doon ang mukha ko.

"Kita mo yan?!ang baho di ba?ang dumi?wala kang pinagkaiba sa mga basurang yan at sa susunod na makita ka pa naming dumikit sa mga Mendoza,ipapakain na namin sayo ang laman niyan!"sabay tulak sa akin dahilan para matumba ako kasama ang nagkalat na ring laman ng nabangga kong trashcan.

"Garbage!"narinig ko pang sabi ng isa bago tuluyang lumabas.

Napabuntong hiningang akong inayos ang nagusot kong damit at isa-isang isinilid sa natumbang trashcan ang mga kalat sa sahig saka hinugasan ang kamay. Gusto ko silang labanan ngunit nanghihina pa ako dahil sa nangyari sa amin ni Nathan sa field.Nakita ko ng mangyayari sa akin 'to,ang mainvolve sa kahit na isa sa mga Mendoza ay may kapalit at hindi magandang kapalit.Gaya nalang ng nangyari sa akin ngayon.

Nanatili ako sa banyo at hindi na muna lumabas.Nakapagbihis na rin ako ng tuyong damit,panay ang tawag sa akin ni Aning sa cellphone ko ngunit hindi ko na siya sinagot.Sa loob na ako ng banyo kumain ng baonbaon kong sandwich at zesto juice.Nilagyan ko ng out of order na signage sa labas ng pinto para hindi ako maistorbo sa loob.Ayoko na munang may makitang tao,gusto kong mapag-isa,gusto kong mag-isip at gusto kong makapaghinga ang utak ko.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now