7

49 11 1
                                    

#Retreat

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago humakbang at kumatok sa pinto ng bahay namin.Kinakabahan ako,natatakot ako na baka saktan ako ni Nanay ngunit hindi ko na kayang palampasin ang kalapastangang ginawa niya sa akin kaya panahon na para harapin ko ang takot sa kanya ,dahil kong hindi baka ikamamatay ko pa ang sobrang pagtitiis ko sa kamay ng malupit kong madrasta.

Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang nanlalaking mata ni Nanay,hindi niya inaasahang makita ako,kaya kitang kita ko ang panlilisik ng mata nito.

"Walanghiya ka!pinahiya mo ako!halika ka dito!!!"akmang sasabunutan na niya ako ngunit tinulak ko siya kaya napaupo ito sa sahig at bakas ang gulat sa mukhang mapatingin sa akin.Nakita ko namang tumakbo pababa ng hagdan si Joana at agad na nilapitan si Nanay Magda,nagtatanong ang mga tingin nitong ipinukol sa akin.

Nakakuyom ang mga kamao ko at nagtaas baba ang balikat ko sa pagpipigil ng emosyon kong gusto ng kumawala sa puso ko.

"Walanghiya ka!wala kang utang na loob!"akmang babangon si Nanay ngunit dinuro ko siya.

"Huwag kang tatayo dahil hinding-hindi ako magdadalawang isip na labanan ka!kaya kong tiisin lahat ng pang-aalipusta mo sa akin,yung gutumin mo ako sa attic okay lang,yung kunin mo lahat ng pinaghirapan ko okay lang! dahil mahal ko ang pamilyang 'to!mahal na mahal ko si Papa at ayokong ipagkait sa kanya ang kaligayahang nabibigay mo sa kanya,pero Nay.."pinahid ko ang mga luha ko.

"Paano mo nasikmurang ibenta ako sa mga hayop na yun ha?!tanggap ko namang ayaw mo sa akin e,pero Nay hindi naman porket ayaw mo sa akin,ibubugaw mona ako,hindi na makatao yun!Inubos mo ang natitirang respeto ko sayo kaya isang-isa ka nalang,patatawarin kita ngayon para kay Papa at kay Joana pero isang kanti mo nalang sa akin at sisiguraduhin kong may kalalagyan ka at mabubulok ka sa bilangguan!"mariing wika ko at nakakuyom ang kamaong tinalikuran silang dalawa ni Joana.Pumasok ako sa kwarto ko at dumapa sa kama saka humagulhol.

Nanatili ako sa silid ko at lumalabas lamang pag tulog na si Nanay at Joana.Nagluluto ako ng sarili kong pagkain at nilalabhan ang aking mga damit at kay Joana.Tama na ang pang-aalipusta ni Nanay at kailangang maramdaman niyang may laban ako sa kanya para hindi na niya ako masaktan muli.

Dalawang araw akong hindi pumasok kung saan panay naman ang tawag sa akin ni Aning,ngunit dinadahilan ko nalang na maysakit ako kaya hindi ako makakapasok.Sa pangatlong araw ay nakapagdesisyon na akong pumasok sa University. Hindi na ako nagpaalam kay Nanay na nakaupo lang sa salang hawakhawak ang mga baraha.May sigarilyo ito sa bibig at inirapan lang ako ng tuluyan akong lumabas ng pinto.

Nagpunta ako sa garahe at kinuha ang bisikleta ko,mula ngayon ay gagamitin ko na ang bisikleta ko papuntang unibersidad para makatipid ng pamasahe.Nakalabas na ako ng village at sa pagtawid ko sa kalye ay muntik na akong mabundol ng isang itim na BMW buti nalang at mabilis itong nakapreno,ngunit natumba pa rin ako at nagkasugat ang siko ko.

Mabilis namang bumaba ang isang nakatuxedong driver at inalayayan ako para makatayo. Bumukas ang glass window sa likurang bahagi ng kotse at nakita ko ang isang may edad na lalaking seryosong tumingin sa akin. Pinalapit pa nito ang driver dito at nag-abot ng pera bago tuluyang isinarado ulit ang bintana nito.

"O Hija,ito ang tatlong libo at magpagamot ka,pasensiya ka na ha at hindi na kita mahahatid sa ospital nagmamadali kasi kami e"paumanhin ng driver at mabilis na nilagay sa palad ko ang tatlong libo saka dali-daling bumalik sa loob ng kotse nito at umalis.

Tumayo naman ako at pinagpag ang kanang hita ko,buti nalang at may kakapalan ang pantalong suot ko kung hindi tiyak na hindi lang siko ko ang magkakasugat kundi pati na rin ang hita ko.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now