15

57 9 1
                                    

Dedicated to @chelseapepito

#RilakkumaBear

Dire-diretso na akong bumaba ng hagdan at nagpaalam kay Ate Kakai na uuwi na ng bahay namin,ng pagbukas ko ng pinto ay makita ko si Bryce na nabigla din ng makita ako.Nagsalubong ang kilay nito na parang hinihintay niya akong magsalita kung anong ginagawa ko sa mansion.

Napansin ko ang mga mata nitong napako sa aking likuran at paglingon ko ay nakita ko si Nathan na pababa ng hagdan at seryoso ring nakatingin kay Bryce.Kapwa salubong ang kilay ng dalawa ngunit wala man lang ni isang nagsalita.

Nabigla pa ako ng hilahin ako ni Bryce palabas ng mansion nila.Walang namutawing salita sa kanyang labi ng ihatid niya ako sa paanan ng pintuan ng bahay namin.Nanatili lang itong nakapamulsa at nakatingin sa akin.

"Pa-papasok na ako ah"paalam ko ng hindi pa rin ito nagsasalita.Nabigla ako ng pigilan niya ako sa kanang kamay.Mahigpit ang pagkakahawak niya.

Umangat naman ang dalawang kilay kong naghihintay sa sasabihin nito.

"Lolo is stable now,thank you sa tulong mo kanina"anito.

Napatango naman ako at ngumiti,ngunit hindi pa rin siya ngumingiti at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Can I ask you a favor?"

"Uhm?"

"Manood ka bukas sa laro ko"

"A-ah,susubukan ko"naiilang na ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin.Unang beses ko palang siyang nakitang ganito ka seryoso makipag-usap sa akin.

"Hihintayin kita."anitong binitawan ang kamay ko at tuluyang lumabas ng gate namin at bumalik sa kanilang mansion.

Napabuntong hininga akong binuksan ang pinto ng bahay namin at pagod na pagod na umupo sa sofa.Ang damidaming gumugulo sa utak ko,hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita kong pagbaril sa sasakyan ni Mayor dumagdag pa ng sumagi na naman sa alaala ko ang sinabi ni Don Teodoro,imposibleng magkamag anak kami nito dahil wala naman akong naramdamang lukso ng dugo.May paraan sa mga titig nitong nakakaasiwa na para bang may lihim na tinatago at mukhang kayangkayang manakit ng tao.Sa ngayon ay kailangan ko nalang hintayin si Papa na siyang sumagot sa lahat ng tanong na nagpapagulo sa isipan ko.

Humilata na ako sa sofa.Napapagod na akong umakyat sa kwarto ko at bahala na kung dito man ako dalawin ng antok at makatulog.Nakatitig ako sa lumang chandelier habang iniisip ang ginawa ni Nathan kanina sa attic.Hindi ko akalaing sa kabila ng cold personality nito ay masasaksihan ko ang kahinaan nito.Patay na ang Mommy niya at ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito dahil wala na rin ang Mama ko.Mahirap mawalan ng mahal sa buhay pero hindi ka makakamove on kung hindi mo tatanggapin ang katotohanang walang permanente sa mundo.

Pinagmasdan ko ang kamay ko at hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang higpit ng pagkakahawak ni Bryce dito ng hilahin niya ako palabas ng kanilang mansion.Naguguluhan ako sa pinapakita nito at nagkakaroon na ako ng hinalang baka may gusto nga ito sa akin.Nag-aalala ako na maging totoo ang hinala ko,dahil nasisiguro kong mas lalong hindi ako tatantanan ng mga nambubully sa akin sa school kung sakaling malaman nilang may pagtingin ang isang Mendoza sa akin.Nagdadalawang-isip tuloy akong manood sa laro nito bukas.

"Hachoo!"nangangati ang ilong ko at pakiramdam ko ay tatrangkasuhin ako kaya tumayo na ako para maghanap ng maiinom na gamot sa may tokador sa baba ng television namin,ngunit wala na akong makita kaya nagtungo nalang ako sa kusina para uminom nalang ng maligamgam na tubig at bumalik sa sofa para makatulog.

KINABUKASAN.....

(Foundation day-2)

"Donna!!!!!!!!!!!"

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now