5

59 10 3
                                    

#DoubleTrouble

Pakiramdam ko ay nakalutang pa rin ako sa ere dahil sa naganap kanina. "Pwede naman kasi siyang magsalita na ina-aaply ang social distancing!required ba talagang halos magkadikit ang labi namin?tss!"naiinis na himutok ko sabay talikod.

Patuloy kong binaybay ang hallway hanggang sa makita ang womens comfort room na nasa bandang dulo.Tumakbo na ako patungo doon dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang pantog ko sa kakapigil ng ihi ko.

Ngunit muntik na akong mapasigaw ng pagbukas ko ng pinto ay makita ko si Hero na may kahalikang mestisang babae sa loob ng banyo.Natigil naman sila sa ginagawa at kapwa napatingin sa akin.Kinindatan pa ako ni Hero sabay hawak sa kamay ng babae at mabilis na lumabas ng banyo.

"Ano yun?mahabaging langit pati ba naman dito?"Napailing ako at mabilis na binuksan ang pinto kung saan naroon ang kubeta at umupo doon para makaihi.

"Hayy success!"wika ko pa saka dinukot ang sanitizer sa bulsa ko at lagay sa kamay ko,pagkatapos ay inayos ko pa ang pantalon ko sabay bukas ng pinto ng....."Ay hotdog!!!"napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Hero sa harapan ko sabay tukod ng kanang kamay nito sa gilid ng pintong kinatatayuan ko.

Simpatiko ang ngiti nito sa labi at parang pinag-aaralan ang mukha ko dahil sa paraan ng pagtitig nito.

Sunodsunod na lunok ang ginawa ko habang nakatitig sa mukha nito.

"Tss,may one inch rule ba sa pakikipag-usap 'tong mga gunggong nato?"hindi ko na kasi maiwasang mailang dahil sa lapit ng labi nito sa labi ko,at take note may bahid pa talaga ng lipstick ang labi nito dahil sa ginawang pakikipaghalikan nito kanina sa mestisang babae.

Nakatitig pa rin ito sa labi ko hanggang sa umakyat ang mga tingin nito sa mata ko,saka ngumiti.

"Ang cute mo.."yun lang ang sinabi niya at saka bigla nalang tumalikod at lumabas ng banyo.

Napakamot naman ako sa ulo at nagtatakang humarap sa salamin.Sinipat ko ang mukha ko at nawaring totoo nga pala ang sinabi ni Nathan kanina,ang dami ngang asukal sa labi ko at namumula pa ang pisngi ko.

"Haisst!naman Donna!matakaw ka kasing kumain!"angil ko saka mabilis na naghilamos.

Nag inhale exhale pa ako at tinapik ang mga pisngi bago lumabas ng banyo at binaybay ang daan pabalik ng canteen kung saan ay nasalubong ko namang palabas ng canteen sina Lance at Aning.

"Balik na tayo sa classroom natin,baka naghihintay na yung bagong professor natin sa Business Law."Si Aning sabay angkla ng kamay nito sa braso ko.Panay pa rin ang pacute nito sa katabing si Lance na nahuhuli ko namang sumusulyap sa akin.

Nasa ikalawang palapag ang classroom namin kaya kailangan pa naming dumaan ng hagdan papunta doon.Panay pa kwento at tawanan namin ni Aning ng bigla akong matapilok at muntik ng masubsob,buti nalang at mabilis akong nahawakan ni Lance sa braso kaya hindi ako tuluyang humalik sa sahig.

Pagtingala ko ay nakita ko ng nakatayo sa harapan ko si Nathan na nakapamulsa at salubong ang kilay na nakapako ang tingin sa kamay ni Lance na nakahawak sa aking kanang braso,umangat naman ang dalawang kilay ko at umayos ng tayo saka nilampasan ito.

Makahulugan naman kaming nagkatinginan ni Aning."Galit ba yun?"si Aning na nilingon pa ang nakasunod sa aming si Nathan. Nilingon ko naman si Nathan at nakasimangot na itinuon ang atensyon sa harapan.

"Girl nakasunod siya sa atin at mukhang galit."si Aning na siko pa ng siko sa akin.

"Tss,malamang?magkatabi ang classroom natin di ba?at kelan ba hindi mukhang galit yan?baka nga noong ipinanganak na yan normal ng salubong ang kilay niyan."natatawang wika ko.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now