23

20 7 1
                                    

24- KING PRINCE KNIGHT

Donna POV:

Gumaan ang aking pakiramdam ng biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para malaglag ang mga bulaklak ng fire tree sa aking kinauupuan. A magical moment indeed.

Nakatabingi ang ulo ko at humalukipkip ng mapansing hindi pa rin umaalis ang kotse ni Nathan at dahil tinted ang bintana ng kotse nito kaya hindi ko alam kong anong ginagawa nito sa loob.

'Pakialam ko ba' angil ko saka pinagmasdan ang nakabendang paa,ang lakaslakas ng loob ko kaninang sundan si Nathan,tuloy ngayon ay para akong tangang nag-iisip kong paano babalik sa clinic o sa quarters para kunin ang mga gamit ko. Tinatamad na kasi akong maglakad.

Ngumuso akong nakapangalumbabang iniisip kong anong dapat kung gawin ng bigla ay mapaayos ako ng upo ng makitang lumabas ng sasakyan nito si Nathan,napansin kong may hawakhawak ito sa kanang kamay at daig pa ang walang buhay na painting sa blangkong ekspresyon ng mukha. Gayunpaman, ay inaamin kong iba ang epekto ng mga blangkong ekspresyon ng mga mata nito, kinakabahan ako lalo na pag ganitong naglalakad siya palapit sa akin,kung ano-ano kasi ang naiisip ko na baka halikan na naman niya ako o 'ahhh ewan,' daig niya pang problem sa calculus na hindi ko makuha-kuha.

Kung kelan halos ilang hakbang nalang ang pagitan naming dalawa ay saka namang pagdaan ng pulang mercedez benz sa gitna namin at huminto sa unahan,mula doon ay lumabas ang isang babaeng nakita ko sa elevator nong araw na hinalikan ako ni Nathan. Mas lalong gumanda ang babae sa paningin ko dahil sa mestisahin nitong kutis, kulot at chestnut brown na kulay ng buhok at mas nakita ang kurba ng katawan sa suot nitong white offshoulder paired with high waisted jeans and stilleto. Hindi man siya katangkaran ngunit ang katulad nito ay hindi ko maikakailang mas nababagay sa mukha at sa estado ng buhay ni Nathan. Nakaramdam ako ng panliliit pero sa halip na iiwas ko ang aking paningin ay napako ang mga mata ko sa babaeng naglakad patungo sa direksyon ni Nathan at ng makalapit ay bigla nalang tumingkayad at siniil ng halik ang labi ni Nathan na halata namang nabigla kaya pasimpleng naitulak pa ang babae.

Umarko ang kilay ko at napakagat labi, tama lang din sa reaksyon ni Nathan na nakatingin lang din sa akin na parang may gustong sabihin.

Napangiwi ako,lalo na ng inilingkis na naman ni Danica ang mga kamay sa leeg ni Nathan at sinubukan na naman itong halikan.

'Pinaglihi ba sa sawa at lakas ng loob 'tong babaeng 'to?!' naiinis na saisip ko.

Humakbang si Nathan palapit sa akin ngunit napahinto naman ito at sabaysabay kaming napalingon sa kaliwa ng may bigla nalang tumawag sa pangalan ko.

Nakita namin si Herong dala-dala na ang packbag ko. Napadaan kasi si Hero kanina sa clinic at nakita niya nga ako sa loob kaya nagkaroon na naman ito ng pagkakataong kulitin ako na wrong timing naman dahil bigla nalang dumating si Nathan na ewan ko rin kong bakit bigla nalang nagalit. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko na para bang kung anong may nag udyok sa aking magpaliwanag kay Nathan na hindi ko naman nagawa dahil sa nerbiyos ko, tuloy ang nangyari ay naging tanong ang paliwanag ko at yung tungkol pa talaga sa halik nito sa akin ang natanong ko,'o di ba engot?' ang mas malala pa ay etong sitwasyon ko ngayon kung saan nagpang-abot na kaming apat sa ilalim ng umuulan ng bulaklak ng firetree kung saan din ang magical moment ko ay tuluyang naudlot at naging bangungot.

"Donna!!!!darling!!!" si Herong naglitawan pa ang dimples sa pisngi, at ng makalapit... "Hero???oh my god,long time no......"sinalubong agad ito ni Danica at akmang hahalikan sa pisngi ng hilahin ko si Hero dahilan para mapaupo ito sa tabi ko. Hindi naman nakaligtas sa akin ang biglang paniningkit ng mata ni Nathan sabay hawak din sa braso ni Danica at kabig din nito palapit sa dibdib nito.

Saglit kaming natahimik apat. Si Herong nakatingin sa akin na nabigla sa ginawa kong paghila sa kanya habang nakatingin naman ako kay Nathan na nakapako naman ang mga mata sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Hero. Samantalang nakatingin naman si Danica kay Nathan na halatang naiirita na sa nakikitang inis sa mukha ng isang Nathan Mendoza.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now