12

46 9 3
                                    

#LastSong

(Foundation day-1)

1 o clock in the afternoon-Unibersidad de San Salvador.

"Donna!!"nasa classroom na ako at inaayos na ang sintas ng sapatos ko ng humahangos na dumating si Aning na nakasuot na rin ng cheerleading uniform.

"Ning,kita na kaluluwa mo sa suot mo ah!ano ba yan!"nainis ako sa ikli ng pulang palda nito,ayoko ko kasi siyang bastusin at maging tampulan ng tukso ng mga estudyante sa field.

"Ayyst hindi lang naman ako ang nagsuot ng ganito e,pati na din sina Anica kaya keri na fren!halika na! first game kayo!pero fren,kalaban niyo ang Engineering department at narinig ko na yung mga balasubas na 2nd year college daw ang maglalaro,siguradong mandadaya na naman ang mga yun,kaya mag-ingat ka ah!"anitong nakanguso pang humilig sa aking balikat.

"Oo na,kalma ka lang akong bahala!"nakangiting wika ko.

Nasa hallway na ang mga kasamahan ko ng lumabas kami ng classroom ni Aning.Mag-isa lang akong first year college at ang mga kateammates ko ay mga 2nd year BA students na,kinuha ko sa team ang mga naglaro na last year sa foundation day para hindi na ako mahirapan.

Malaki ang field ng Unibersidad de San Salvador at malimit na nghohost na rin ang school namin ng Palarong pambansa dahil nga halos kumpleto na ang kagamitan pagdating sa sports. Unang beses palang akong makakapaglaro sa napakalaking unibersidad dahil naglalaro lang naman ako nuon sa maliit at pampublikong paaralan ng Mweble National High School sa Bicol.

Nalula ako ng makita kong punong-puno na ang grandstand ng mga manonood,katatapos lang maglaro ng Mens baseball at panalo ang department namin,magaling din kasi talaga si Lance dahil kasali na ito sa national team.Nasa may entrance na kami papasok ng field kasama ang mga kasamahan ko ng makita ko si Lance na tumatakbo patungo sa akin.

"Hey!"salubong nito sa akin,nagitla pa ako ng bigla nalang niya akong yakapin,yun pala ginawa niya lang iyon para hindi tumama sa akin ang binatong itlog ni Lee dela Verde mula sa kinauupuan nito

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

"Hey!"salubong nito sa akin,nagitla pa ako ng bigla nalang niya akong yakapin,yun pala ginawa niya lang iyon para hindi tumama sa akin ang binatong itlog ni Lee dela Verde mula sa kinauupuan nito.Tuloy ay tumama sa likod ni Lance ang tatlong itlog na sunodsunod na ibinato ng magpipinsang Dela Verde.

"Prosti!maglalaro ka pala?!goodluck prosti!"sinasadya pa ni Tyron Dela Verde na lakasan ang boses para matuon sa akin ang atensyon ng lahat at mapahiya ako.Narinig ko nga ang nakakalokong tawanan ng ibang mga estudyante sa paligid.

"Okay ka lang?sige na,pumunta ka na don para hindi ka na nila makutya pa."si Lance na tinapik pa ako sa balikat.Malungkot naman akong tumalima at nakayukong nagtungo sa bench kung saan naghihintay ang aking mga kateammates.

Pagdating sa bench ay nabigla pa ako ng paglingon ko ay nakaupo na sa likuran ko ang magkatabing sina Bryce at Hero.

Ang lapadlapad na naman ng ngiti ni Hero at panay kindat na naman nito.Samantalang namumula na naman ang pisngi ni Bryce at nakangiti na ring nakatingin sa akin.

Rain on your ParadeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora