3

83 11 0
                                    

#Feud


Nakatulog ako ulit at ngayon ay hindi na nakigulo pa sa panaginip ko si Nathan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog,hindi na nga ako nakakain ng hapunan kung tutuusin at hindi ko na rin naramdaman ang pagdating nina Papa.

Nagising nalang ako ng halikan ako sa noo ni Papa. Napangiti akong kinusot ang aking mga mata at nakangiting bumangon para yakapin ito.

Nahagip ng mata ko ang dala-dala nitong malaking itim na duffle bag.

"Anak, mag-iingat ka dito, pagbutihin mo ang pag-aaral mo at magpapadala ako ng pera para hindi ka mamroblema sa mga babayaran mo sa school "

Pinigilan ko ang mapaiyak. Ayokong makita ako ni Papa na umiiyak,gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang totoong ugali ng asawa niya alam kong hindi niya ako pakikinggan, kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya manipulahin ni Nanay kaya keysa masaktan si Papa mas maigi nalang sigurong tiisin ko ang lahat.

Tumingin ako sa bilog at puting orasan na nakasabit sa taas ng flatscreen Tv at nawari kong mag-aalas singko na pala ng umaga. Nakakalungkot na aalis na talaga si Papa at hindi ko na siya mapipigilan.

Dumako ang atensyon ko sa may hagdan kung saan nakita kong pababa si Nanay Magda at ang umiiyak na si Joana. Malapit si Joana kay Papa kaya alam kong mamimiss niya ito ng sobra.

Tumayo si Papa mula sa pagkakaupo sa sofa at niyakap ang umiiyak na si Joana.

"Huwag na kasing umiyak anak,pumapangit ka tuloy, babalik naman si Papa nextmonth. "nakangiting wika ni Papa habang yakapyakap si Joana.

Hindi ako nakakaramdam ng inggit sa kanilang dalawa, dahil mabait naman sa akin si Joana, kaya hindi ako umayaw ng sinabi ni Papa noong magpapakasal siya ulit simula ng mamatay si Mama dahil hindi naman naging kontrabida sa buhay ko si Joana, maliban nalang kay Nanay Magda na palihim akong sinasaktan pag wala si Papa.

"Oh Magda Mahal, ikaw ng bahala sa mga anak natin ha at hahayo na ako baka maiwan pa ako ng eroplano." Si Papa na hinalikan pa sa noo ni Nanay Magda, bago humarap sa akin.

"Magpakabait ka dito, mahal na mahal kita anak." anito saka tuluyan ng lumabas ng pinto, hinatid naman siya ni Nanay Magda at Joana sa labas at nagkasya nalang akong panoorin ang paglayo ng sinasakyang taxi ni Papa.

Ng mawala ito sa aking paningin ay nagpunta na rin ako ng kusina para magluto ng agahan namin nina Nanay. Isang linggo nalang ang natitira sa bakasyon namin at babalik na ako sa university at kailangan ko ng magpa enroll sana ngayon para hindi magclose ang subjects na kailangan kong kunin, ngunit ang problema ay alam kong hindi na naman ibibigay ni Nanay ang pera ko para pang matrikula. "Hahay buhay"

Pagkatapos makapagluto ng bacon na paborito ni Joana at porkchop na paborito naman ni Nanay ay nagpunta na ako sa mga damit naming hindi ko natupi kahapon. Ayaw kasi ni Nanay na sumasabay ako ng kain sa kanila dahil nakakawalang gana umano ang mukha ko, kaya minsan palihim akong nagtatabi ng ulam para sa akin, dahil kong hindi ko gagawin yun ay wala akong makakain.

Sinimulan ko ng plantsahin ang mga damit ni Joana at mga bestida ni Nanay Magda, ng bigla ay tumunog ang cellphone ko at nawaring si Aning ang tumatawag.

"O saan ka na? mag aalas otso na wala ka pa dito, baka magclose yong ibang subjects ,mapag-iwanan ka pa." 

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at idinikit ang cellphone sa aking kanang tenga, habang patuloy pa rin sa pamamalantsa.

"Wala pa akong pera e.."

"Ay nako,ako ng bahala sa tuition mo, utangin mo nalang muna, alam ko namang pinansugal na naman ng hilaw mong Nanay ang perang nakalaan para sayo e,"

Rain on your ParadeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα