22

24 7 0
                                    

23-DONAT

Nathan POV:

"Anong nangyari Nathan? kaano-ano mo ba talaga ang babaeng yun ha?!"

Nakasunod pa rin sa akin si Dad,at alam kong hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo.

"Ano ba?!huwag kang bastos!humarap ka sa akin pag kinakausap kita!"He grabbed my arm at halos magyakapan ang kilay kong pumihit paharap sa kanya sabay waksi ng aking braso.

"Just go on with your stupid engagement Dad,at sinasabi ko sayong mapapahiya ka talaga!"hamon ko sa kanya.

He clenched his fist at halatang nagpipigil na sapakin ako,but I don't care, wala na akong pakialam kahit na basagin niya ang mukha ko. Nakakapagod ng sumunod sa control freak na kagaya niya. Sa halip na sapakin ay kinuwelyuhan niya ako sabay tulak sa pader katabi ng pintuan ng silid ni Lolo.

"Try me Nathan! don't you dare at hindi ako magdadalawang isip na guluhin ang buhay ng babaeng yun!tandaan mo yan!"dinuro pa ako ni Dad bago ito tuluyang umalis sa harapan ko.

Nagpupuyos din ako sa galit at nasuntok ang pader. Wala na siyang ginawa kundi kontrolin ang buhay ko,hindi ko na alam kong anak pa ba ang turing niya sa akin o puppet.'Nakakainis na!'

Sharp inhales bago ako bumalik sa silid ni Lolo at patagilid na umupo sa tabi nito. Matapos irevive si Lolo kanina ay naging stable na rin ang kalagayan nito. Kinalma ko ang sarili bago nagtungo sa couch at pabagsak na umupo.

Sumagi sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa ni Donna kanina sa elevator. While Dad and Mr.Buencamino talks about our engagement with Danica ay gusto kong takpan ang tenga ni Donnang nakatayo sa aking likuran,gusto ko siyang hilahin palabas ng elevator ng sa ganun ay hindi niya marinig ang mga walang kwentang kasunduan na yun.Kahit na sabihing wala siyang gusto sa akin ay ayoko pa ring malaman o makita man lang niyang halos wala akong boses sa harapan ng Daddy ko.

Matapos naming makalabas ng elevator nina Dad kasama sina Mr.Buencamino at Danica ay dumiretso na kami sa silid ni Lolo. Ngunit binalikan ko si Donna at hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin. I kissed her at hindi ko pinagsisihan iyon, because I knew I was able to tell her what I really feel sa pamamagitan ng halik na iyon at sana sapat na yon para malaman niyang siya at tanging siya lang ang babaeng nagpapagulo ng utak ko.

Nag-angat ako ng tingin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Dad na dire-diretso lang sa kama ni Lolo at hinalikan ito sa noo.Saka tinapunan pa ako ng masamang tingin bago ito tuluyang lumabas ulit sa pinto.

Naiwan ako sa silid at iwinaglit na sa isipan ang naging pakikitungo na naman ni Dad sa akin.Nakakapagod ang makipag-away sa tulad niyang ma pride at walang ibang inisip kundi ang posisyon niya sa politika. Kung tutuusin ay mas naging ama pa si Lolo sa akin kaysa sa kanya.Mabait naman si Dad noong nabubuhay pa si Mom but he changed a lot ng mawala si Mom,sinubsob niya ang sarili sa pagtatrabaho at dahil sa taas ng expectations niya at takot siyang magkamali ay nadamay na ako. Hindi ako maaaring magkamali at dapat sumunod lang ako sa yapak niya,but I can't live like that,sino bang tao ang gustong mabuhay na sinasakal ng taong dapat sana ay sinusuportahan lang siya sa gusto niya. Gusto ko siyang maintindihan ngunit sa ginagawa niya sa akin ay mas lalong lumalayo ang loob ko sa kanya. Hindi ko mababago ang katotohanang ama ko siya pero sana man lang makita niya ako bilang anak niya at hindi bilang trophy na ipagmamayabang lang niya kung makagawa ako ng ikakarangal niya.Nakakapagod,nakakasawa,all I wanted is to have a simple life,taliwas sa napaka kumplikadong buhay na meron si Dad.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at humiga sa couch,nakatingin sa kisame at tuluyang bumagsak ang kanina pang nangingilid kong luha.

'If only Mom is alive,sana hindi ganito ang buhay ko,at si Donna,ayoko siyang madamay sa gulo namin ni Dad, she's been through a lot. But how?Paano ko siya maiiwas sa gulo ng pamilya ko kung nagiging parte na siya ng buhay ko.'

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now