19

22 8 2
                                    

19 -FAIRYTALE

Donna POV:

Malapit lang ang beach na pinuntahan namin ni Hero sa village namin kaya mabilis kaming nakarating ng mga bahay namin.Inalalayan niya akong bumaba ng traysikel at hindi na ako nagpaalalay pa dito hanggang sa paanan ng pinto ng bahay namin dahil natatakot akong baka kong ano na naman ang iisipin ni Nanay Magda.

Nakangiti ko pa siyang kinawayan ng tuluyan na rin siyang pumasok sa gate ng mansion nila.

Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay bumukas na iyon bigla at iniluwa ang nakangiting si Joana,kumikislap pa ang mga mata nito na animo'y parang nakakita ng artista.

"Donna....eeeeeee....."

Nauna pa ang kilig niya keysa tanungin ako kong anong nangyari sa paa ko.

Sumilip ako sa loob ng bahay kung saan ay nakita kong nakaupo sa sofa si Bryce at kausap nito si Nanay Magda.Kinabahan ako bigla at baka kong ano na namang sinabi ni Nanay Magda dito.

Paika-ika akong pumasok sa loob ng bahay,nakita kong tumayo agad si Bryce pagkakita sa akin at napako agad ang mga mata sa kanang talampakan kong hindi ko halos maapak sa sahig.Pinasadahan ko siya ng tingin at as usual ang gwapo pa rin nito sa simpleng white shirt at navy blue khaki short na tinernuhan ng puting rubber shoes.

"A-anong ginagawa mo dito?"tanong ko ng tuluyang makalapit dito.

Tumayo si Nanay Magda at hinila ang kanina pang kinikilig na si Joana at sabay na umakyat ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay.

Naiwan naman akong kumukurapkurap ang mata at naghihintay ng sasabihin ni Bryce.Namataan ko ang isang bouquet ng sunflower sa gilid nito at bigla nalang na kung ano-ano ang tumatakbo sa utak ko.Binigay niya sa akin ang bulaklak at inalalayan ako para makaupo. Mas lalo akong kinabahan ng tumabi siya sa akin at nag-aalalang nakatingin sa kanang paa kong may balot pang puting tela.

Kagatkagat ko ang labi ko habang hindi naman mapirmi ang kamay niya na halatang kinakabahan.

"O-okay ka lang?"sa wakas ay natanong ko.

Lumingon siya sa akin na may nahihiyang ngiti sa labi.

"A-anong na-nangyari sa paa mo?"nauutal pero bakas sa tono ang labis na pag-aalala.

Sinipat ko ang paa ko at nakangiting sinalubong ang mga titig nito.

"Natinik ng sea urchin,nagpunta kasi kami sa beach ni Hero at....."Nailang ako bigla ng magsalubong ang kilay nito ng marinig ang pangalan ni Hero.

"Im jealous."biglang wika nitong gumagalaw pa ang pangang tumingin sa kawalan.

Pakiramdam ko ay nalunok ko ang dila ko dahil hindi ako nakapagsalita.

'Bakit siya nagseselos?teka teka, wait,huh!' saisip ko.

Lumingon siya sa akin na nakapinid ang labi at mag-iiwas na naman bigla ng tingin.
Bahagya pa akong nagulat dahil pagkatapos ng ilang minutong pananahimik ay bigla nalang itong nagsalita.

"Donna I...."

Nataranta ako."You want juice?tubig?kape?tea?gatas?mil......"

"YOU."

Natahimik ako.

"Huh?"wika kong kunyari hindi narinig ang sinabi nito.

"I want you and I want you to look at me from now on."

Sunodsunod ang ginawa kong paglunok at pakiramdam ko ay nawala bigla ang sakit sa talampakan ko dahil sa napakaprangkang sagot nito.

Napaigtad pa ako ng bigla nalang tumayo si Bryce.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now