9

41 9 1
                                    

#Rage

Pagmulat ko ng mata ay nabigla pa ako ng makita si Lee Dela Verde na masyadong malapit ang mukha nitong nakatitig sa akin,kaya mabilis naman akong umatras at salubong ang kilay na tumingin dito.

Umiling ito at nakakalokong ngumisi."So,dito ka pala tumatambay tuwing umaga"anitong sabay kuha ng box ng donut sa paanan ko kung saan laman nun ang perang kinita ni Hero.

Pilit ko iyong inaabot ngunit nahirapan ako dahil matangkad si Lee kaya sa inis ay hindi na ako nakapagpigil na sipain ang maselang bahagi ng katawan nito, kaya namimilipit sa sakit itong napaluhod sa harapan ko.

Mabilis ko namang pinulot ang perang nagkalat sa damuhan saka dali-daling sumakay sa bisikleta ko,ngunit mabilis na nahawakan ni Lee ang pedal ng bisikleta ko sabay hila nun,kaya natumba ako at tumama ang kanang braso ko sa gilid ng upuang gawa sa semento.Napangiwi ako sa sakit at hindi agad nakabangon.

"Oops!"nakakaloko pa itong ngumiti saka dumukot ng lighter sa bulsa nito at sinilaban ang kahon kasama ang mga perang kinita ni Hero sa pagbebenta ng donut.

Malademonyo itong nakangisi at nakatingin sa akin saka lumapit at hinawakan pa ako sa baba.Galit ko namang iniwas ang aking mukha at pailalim itong tiningnan.

"Anong problema dito?Ineng okay ka lang ba?"nag-aalalang wika ng matandang babaeng binigyan ni Hero ng Donut kanina.Umiling ako,gusto kong makuha niya ang nais kong ipaabot sa kanya,na huwag siyang lumapit at baka madamay pa siya.

Wala akong nagawa ng tuluyan makalapit sa akin ang matandang babae at tinulungan pa akong makatayo.Iniwan naman kami ni lee at sinipa ang nag-aapoy na box ng donut bago tuluyang sumakay sa bisikleta nito at umalis.

Masama ang loob kong walang nagawa kundi ang tingnan nalang ang nag-aapoy na box sa harapan ko.Masamang masama ang loob ko, bakit ba naman naglilipana ang mga masasamang loob sa mundo.Bakit hindi nalang sila kunin ng Diyos para magkaroon naman ng pagkakataong mabuhay ng matiwasay ang mga matitino dito sa mundo.

Pinahid ko ang luha ko at nagpasalamat sa matanda bago tuluyang umalis.Dumaan ako saglit sa panaderya at ipinalista nalang kay Manang Lolita ang total ng lahat ng kikitain sana sa donut na inilako ko.Ilang labi pa naman ang dumikit sa pisngi ni Hero para mabenta lang ang lahat ng yun."Haiiisttt!kainis talaga!"

Nakauwi ako ng bahay ngunit hindi ko na naabutan si Nanay dahil nakaalis na ito. Nakita ko namang nagsusuot na ng sapatos si Joana sa sofa at bihis na bihis na para magtungo ng university.

Mabilis naman akong pumanhik sa kwarto ko at naligo para hindi mahuli sa subject kong business law ngayong umaga.


Unibersidad de San Salvador

Halos mauntog pa ako sa pintuan ng classroom namin dahil sa pagmamadali,ngunit hindi naman pala makakapasok si Prof.Han dahil may pinuntahan umano itong seminar sa San Vicente.Napakamot na naman ako sa ulong nagtungo sa upuan ko kung saan nakita kong naghihintay at nakapangalumbabang nakatuon ang atensyon ni Aning sa nagbabasang si Lance na nasa tabi nito.

"Hoy!ang aga-aga!"sita ko dito ngunit hindi ako pinansin ni Aning sa halip ay nag-abot lang ito ng squish heart pen na kulay pink.

Napanguso naman akong tinanggap iyon at nagtatakang tinanong si Aning.

"Kanino naman galing 'to?"

Kumikislap pa rin ang mata ni Aning na nakatingin pa rin kay Lance sabay abot na naman ng isang maliit na pirasong papel na may nakasulat na pangalan ko.

"Tss,sino na naman kayang loko-loko ang nagbigay nito?pero infairness ang cute ng kulay."wika ko sabay upo sa upuan ni Aning at nakangiting pinagmamasdan ang ballpeng nakaipit sa mga daliri ko ng biglang......

Rain on your ParadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon