2-#TheGreen/yellow Flag

98 14 1
                                    

Nasa sala na ako ng mansyon. Grabe ang ganda,ang laki ng chandelier,ang gara,ang mahal,nakakalula.Ang mga paintings sa wall na galing pang ibang bansa, ang mga naglalakihang sofa,ang malaking piano,wow talaga!ramdam na ramdam ko ang pagiging hampaslupa gurl!

Pati hagdan kumikinang, para bang pag aakyat ka,si God na ang sasalubong sayo sa taas.

Kiniling ko ang ulo. Grabe!like grabeee!

Huminga ako ng malalim at nagtungo sa hagdan,nakakahiyang tumapak gamit ang aking spartan na tsinelas sa sobrang linis na may pa red carpet pa.

Nakarating ako sa taas,ang haba din ng pasilyo at mahigit pito ang kwarto.

Natampal ko ang noo.

Tama!alin ba dito ang kwarto ni Hero?!
Hay nako naman!hindi kasi ako nagtanong eh,pano na 'to baka maling kwarto ang mabuksan ko.

Nauna akong nagtungo sa pinakadulo, kumatok ako ng tatlong beses.

Sa huli ay nakapagdesisyon akong buksan ang nasa gitnang pinto at ......

"Jusko.lord!." natulala ako ng makita ang nakatopless na si Bryce na nakaupo sa dulong bahagi ng kama nito. Mukhang kakagising nga lang dahil sabog pa ang buhok.

Santa bebe ng lahat ng bebe!ang gwapo!

Me pagkachestnut brown ang kulay ng buhok ni Bryce,yung kulay prinsipeng buhok sa mga fairytale,webtoon,named it! basta un,mestiso,medyo makapal ang kanyang kilay, mapupungay ang bilugan at hazel brown na mga mata, matangos ang ilong at manipis ang mapupula niyang labi. Medyo maputi siya ng kunti kay Hero,pero yung klase ng puting hindi naman parang labanos,sakto lang.Hmm,isipin niyo nalang si Bright Vachirawit na thai actor,yun may resemblance sila,pareho silang bebe ko!charrr!!!

Una ay seryoso itong lumingon sa akin ngunit kalaunan ay agad namang nagpakawala ng ngiti. Sa tatlo, si Bryce ang tipong parang prinsipeng nabuhay sa mundo ng mga tao. At si Hero naman ay tila ba sundalong babaerong nabuhay sa panahon ng hukbalahap!nakakainis!

"Sorry Sir,akala ko kasi, kwarto ni Sir Hero" nahihiyang wika ko, at isasarado na sana ang pinto ng tawagin niya ako.

"Ahmm.. wait, ikaw yung maglalaba ng mga gamit namin right?"

Kinakabahan akong tumango.

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin at huminto sa aking harapan.

Naglakbay ang mga mata ko,mula sa abs papunta sa kanyang mukha kung saan ko napagtantong nakangiti na siyang nakatitig sa akin.

He smiled, 'jusko mahabaging langit ang gwapo lord!'saisip ko.

"Hmm,isali mo nalang sa labada 'tong suot kong pajama ngayon," aniya saka bigla nalang naghubad sa aking harapan. Napalunok ako ng pagbaba ko ng tingin ay boxer nalang ang natira sa kanyang katawan.

Xl!

Erase Donna!pikit mo isa mata mo!

Literal na pinagpawisan ako at nanuyo ang lalamunan ko.

'Grabe naman, normal lang ba talaga sa kanila ang maghubad sa harapan ng babae?' saisip ko.

Ngumiti si Bryce,iyong ngiting hindi ko mabigyan ng ibang definition kundi gwapo lang.

Yumuko siya at sinilip ang aking mukha. "May kailangan ka pa?"

"Ha?wa-wala na!thank you!!bye!"Para akong lumipad palabas ng pintuan sa bilis kong nakalabas. Nakakatulala talaga ang isang yun!

Ngayon ay namomroblema na naman ako kung anong pinto ang bubuksan ko. Dahil ang totoo ay iniiwasan kong mabuksan ang pinto ng isang supladong Mendoza.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang napakaayos na kwarto.Baka ito na ang silid ni Hero,sana lang!

Biglang sumagi sa aking isipan ang ibinilin ng kapatid kong si Joana, kailangan kong makakuha ng nakatopless na larawan ng tatlo.

Bwisit naman to oh, kung di ko lang talaga kailangan ng pera!

Nag-umpisa na akong maghalughog sa tokador ng biglang...

"What are you doing here?Miss?"

Boses iyon ng lalaki mula sa aking likuran. Namilog ang mga mata,sabay takip ko ng bibig ko. Hindi ko kayang humarap,dahil natatakot ako,sa boses palang kasi alam kong ang supladong Mendoza na ang nasa likuran ko.

"Ahh..ahh..ano ano--nag---"

"Nag?"

Mabilis akong umiwas ng halos dumikit ang labi niya sa kanang tenga ko.Pati amoy ng shampoo niya at bodywash naaamoy ko na. Kaliligo lang ba niya?

"Nag a-"

"Ahhh?"

Uminit na ang pisngi ko. Bakit ba tila sinasadya niya pang babaan ang boses at magsalita ng pabulong.

"Pakihubad ng damit niyo Sir!maglalaba ako!"Nilakasan ko ang boses para itago ang kaba ko.

"Wala akong damit e,ano pa lalabhan mo?"aniya.

"Anong wa------"humarap ako sa kanya para lang mamilog ang aking mga mata.

Mamasa masa pa ang kanyang medyo mahabang buhok,at ang makapal at salubong niyang kilay ay mas nagsalubong pa ng makita ako. Hindi lang iyon,pati labi niyang nang-aanya ng halik ay nakaangat pa ang gilid na para bang may iniisip na kapilyuhan sa utak habang nakatingin sa akin.

''Jusko Inay!''bulalas ko ng mawaring wala nga siyang damit.

Mabilis akong tumalikod at tumakbo patungo sa pinto.

Pinihit ko ang doorknob at muntik na akong mapasigaw ng pagbukas ko ay lumapat sa pinto ang palad ni Nathan dahilan para masarado ito ulit.

Sobrang bilis na ng tahip ng dibdib ko.

"The next time you invade my privacy, hahalikan na kita hanggang sa malagutan ka ng hininga! Now get out."Bulong nya sa aking tenga.

"Yes Sir!Yes Sir!"di magkadaugaga kong sagot bago tuloy-tuloy na lumabas ng pinto.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now