18

23 7 1
                                    

18 Piggyback Ride

Donna POV:

Ang bawat patak ng kamay ng segundo ng orasan ay sumasabay sa bawat pintig ng puso ko.Kakaiba ang hatid ng paglapat ng labi ni Nathan sa aking labi,para akong binuhusan ng yelo dahil naninigas ako,ngunit parang umaapoy naman ang kaloob-looban ko.Hindi ko maipaliwanag,hindi ko kayang buksan ang mga labi ko dahil unang-una ay hindi ko rin alam kong paano tugunin ang mga halik nito.

Nakapikit ang kanyang mga mata."Bakit ba kasi kailangang pumikit pag humahalik?ahh bahala na,pipikit na rin ako."Naramdaman ko ang ngiti sa labi ni Nathan,naramdaman niya siguro ang pagkataranta ko at nabatid na wala akong karanasan sa ganitong bagay, dahil kong naalala ko ang sinasagot ko lang dati sa autograph ng mga kaibigan ko sa tanong na WHO IS YOUR FIRST KISS ay LAMOK.Oo lamok ang sinasagot ko,kung bakit,hindi ko na rin alam.Hindi ko alam paano humalik,dahil nong manood ako ng meteor garden hindi naman bumubuka ang bibig ni Shan Cai."Okay sige,ako si Shan cai,gagayahin ko nalang si Shan Cai..ahhhh Donna!"ang ingay ng tutubi sa utak ko."Jusko!"

"Tsk,tsk,tsk,get a room lovebirds."Mabilis na lumayo si Nathan sa akin at namimilog din ang mga mata ko ng makita si Herong nakahalukipkip at nakasandal sa nakabukas ng pintuan ng elevator.Napatayo si Nathan habang napako naman ako sa sahig.

"What the hell is happening here?"boses iyon ni Vice Mayor at nabigla nalang ako ng mabilis na pumasok si Hero sabay hila sa akin,sapilitan akong napatayo kaya sumubsob pa ang mukha ko sa dibdib nito.Umayos ako ng tayo at kinakabahang humarap sa nagdududang mukha ni Vice Mayor.

"Hi Tito! meet Donna,ma-my girlfriend"wika ni Hero saka inakbayan ako.

Sabay kaming napatingin ni Nathan dito.

Halatang hindi kumbinsido si Vice Mayor kaya walang nagawa si Hero kundi ang halikan ako sa pisngi.Kitang-kita kong kumuyom ang kamao ni Nathan at tinapunan ng masamang tingin si Hero bago tuluyang lumabas ng elevator.Pinasadahan ako ng tingin ng Daddy ni Nathan at tuluyan na ring umalis sa harapan naming dalawa ni Hero.

Napabuga ako ng hangin at napahawak sa aking dibdib."Muntik na yun ah"

Umiling at napapangiti naman si Herong hindi pa rin inaalis ang pagkakaakbay sa akin."First base"

Umarko ang kilay ko."Anong ibig mong sabihin?"

Ngumuso ito."First kiss mo?"halatang nanunukso dahil ininguso pa ang labi ko.

"TSE!"

"Mahal mo na?"

"Hinalikan lang mahal na agad?hindi ba pwedeng nagulat lang ako"

"Sige gugulatin kita tapos hahalikan din kita!"

Inambaan ko siya ng suntok. Tawangtawa naman itong umiwas.

"Itong elevator kasi ang may kasalanan e!"nahihiyang wika kong pinalis ang kamay nito at nagmamadaling lumabas ng elevator.

Napaigtad ako ng maabutan niya ako at inakbayan ulit.

"Halika na nga,ang dami dami mo pang sinasabi ang importante may first kiss ka na!so pwede ka na ring uminom!may basbas ka na!"

"Huh?anong inom?anong basbas?"

Kinindatan niya ako at bigla nalang hinila.

Sumakay na naman kami ng traysikel at nagtungo sa tabing dagat. Konti lang ang taong nandoon kaya naging panatag ang kalooban ko.Baka na naman kasi sumulpot ang mga Dela Verde at mapaaway na naman kami ni Hero.Lapitin pa naman ng gulo ang kumag nato.

Hinubad nito ang suot na puting jacket at inilatag sa buhangin.

"Upo ka."

Umangat ang isang kilay ko at nakangusong umupo.Tumabi naman siya ng upo sa akin at hinalungkat ang daladalang supot sa harapin namin.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now