11

42 9 0
                                    

#TheMusic

Pagsapit ng alas sais ng hapon ay nagpaalam na ako kay Bryce na uuwi na, sinubukan pa akong pigilan ng Mom nito ngunit hindi na ako nagpaawat. Nais ni Bryce na ihatid ako pauwi ngunit nagdahilan na ako na dadaan pa ako ng panaderya at magtatrabaho pa doon,pero ang totoo ay gusto ko lang siyang manatili muna sa garden dahil kitang-kita ko ang pananabik sa mata ng Mommy niyang makasama siya.

Iniisip ko pa rin ang ginawa nitong paghalik sa aking pisngi. "May ibig ba talagang sabihin yun?gusto niya ba ako?paano kong nagugustuhan lang niya ako dahil kamukha ko ang babaeng minahal nila noon.Ayokong mag assume ng kung ano-ano,dahil unang-una sino ba naman ako para pagtuonan nila ng pansin.Isang hamak na simpleng babae lang naman akong nakatira sa isang malaking bahay na hindi ko naman pag-aari. Kung sakali mang totoong magkagusto siya sa akin,abay dadaigin ko pa si Cinderella pag nagkataon at baka ,baka lang hindi ko na kamuhian ang fairytale.Oo tama ang nabasa niyo,namumuhi ako sa mga fairytale sa mga kdrama sa mga walang katuturang lovestory. Dahil siguro hindi ako naniniwala na may infinity sa pagmamahal ,na may forever sa pag-ibig?dahil kong may forever?sana hindi na naghanap pa si Papa ng ipapalit kay Mama ,sana hinintay nalang niya ang pagkakataong magkita sila ulit ni Mama sa langit. "

Ang damidaming tumatakbo sa isipan ko at hindi ko na nga namamalayang nakarating na pala ako ng village namin.

Pagdating ng bahay ay pinagbuksan pa ako ng pinto ng walang imik na si Nanay Magda.Napapansin kong mula noong kalabanin ko siya ay ilang araw na rin siyang tahimik,minsan napapansin kong mataman lang itong nakatingin sa akin.Ang totoo ay mas kinakabahan ako sa inaasal ni Nanay Magda dahil buti pa noong nagsasalita siya malalaman ko pang galit siya,pero ngayong hindi na ,nagiging palaisipan tuloy sa akin kong anong tumatakbo sa utak niya.

"Donna!"sinalubong ako ng yakap ng pababang sa hagdang si Joana,malapad ang ngiti nito at ngayon ay nakaangkla pa ang kamay sa aking braso.Nagdududa na rin ako dito,dahil alam ko pag naglalambing si Joana,may kailangan na naman ito.Dumiretso ako sa kusina para makakain ng hapunan at parang buntot pa ring sunod ng sunod sa akin si Joana.

"Donna,hmm,yung anak ni Ms.Katahimikan?single ba yun?"tanong nitong tinabihan pa ako ng upo sa upuan.

"Hmm,si Lance?"

Tumango naman itong nangingislap ang mga mata.

"Siguro, bakit mo natanong?"

Ngumiti ito at humilig sa aking balikat."Hingan mo ako ng number niya o!"

Napanguso ako."Akala ko ba mga Mendoza ang gusto mo?"

Humalukipkip ito."Hmf,hindi na!kasi malabo namang pansinin nila ako e,ayaw nila sa ganda ko,gusto nila ng ganda mo!"

Natawa ako."Baliw!alam mo ba kung bakit nila ako pinapansin?dahil kamukha ko ang babaeng minahal nila nuon,na namatay na rin"

Namilog ang mata nito."Ganun?ayst mas lalong ayoko sa kanila,ang hirap naman nun,karibal mo patay na?paano ka mananalo dun?hindi mo na masasabunutan yun!"napangiwi ito.

Ibinaba ko ang kubyertos at inakbayan ito.

"Yun na nga di ba?kaya tigilan mo na ang kakapantasya sa kanila,at kung ano man yung nakikita mong ginagawa nila sa akin,wala lang yun,sadyang nagkataon lang na nakikita nila sa akin ang babaeng yun"nakangiting wika ko.

"Ah basta number ni Lance ha?nakita ko kayo sa field kahapon mukhang close kayo ,kaya sige na Donna ha?love you sis!"anitong kinikilig pang tumayo.

Napangiti naman akong sinundan siya ng tingin.Pagkatapos makakain ay dumiretso na ako sa kwarto at tumihaya sa kama ko.

Sumagi sa alaala ko ang larawang pinakita ni Ms.K sa akin sa faculty room,larawan ni Papa na naglalaro nuon ng baseball,naalala ko tuloy ang sinabi ni Ms.K na nawala bigla si Papa at pagbalik nito ay injured na ang kanang braso nito."Ano kayang nangyari?"

Bumangon ako at dahil pinuputakte na naman ng kuryosidad ang utak ko ay nagtungo na ako sa attic kung saan nakalagay ang mga lumang gamit ni Mama at Papa nuon na dinala ko ng lumipat kami dito sa San Salvador.

Pagdating sa attic ay nagsimula na akong maghalughog sa mga kahon na nandoon.Napapangiti naman ako sa tuwing naalala ang bawat gamit na nandoon gaya ng mga damit na nagpapaalala sa akin kay Mama.

Binuksan ko ang isang kahon na nasa gilid,napangiti ako ng makita ang isang pares ng sapatos na pambaby. Bago kami nagpunta sa maternity clinic nong araw na manganganak si Mama ay dumaan pa kami ng department store para makapamili ng susuotin sana ng aking kapatid,pagdating namin sa cashier ay sinabi nalang nitong may nagpapabigay ng kahon na iyon sa amin na naglalaman ng gustong-gustong sapatos ni Mama para kay baby,sa sobrang saya nga ni Mama nung araw na iyon ay nahalikan niya pa ang sapatos.

Nakangiti kong tinakpan ang kahon at binuksan ang isang maliit na namang kahon na nasa gilid,laman nun ay tuyong rose petals.Naalala ko ang rosas na iyon,dahil nakita ko iyon sa gilid ko ng nakapangalumbaba akong nakatulog sa gilid ng kalsada sa labas ng clinic habang hinihintay na maayos ni Papa ang death certificate ni Mama ng araw na iyon.Hindi ko kilala ang nagbigay pero gumaan ng konti ang pakiramdam ko nun ng makita ko ang rosas na iyon.

Binuksan ko na naman ang isang kahon at nakita ko ang isang cd na iniwan ng isa umanong lalaki sa receptionist ng maternity clinic ng araw ding mabawian ng buhay si Mama,at ang cd na iyon ay para umano sa akin.Hindi nagpakilala ang nagbigay at dahil sa saklap ng pinagdaanan namin ng araw na iyon ni Papa dahil sa pagkawala ni Mama at ng kapatid ko ay hindi ko na naitanong pa sa attendant na nandoon kung ano ang itsura ng lalaking nagbigay nun.

Napabuntong hininga ako at isinilid ang cd sa bulsa ng jacket ko ng biglang maisip ko na ang laman ng tatlong kahon na iyon ay binigay sa akin ng araw kung saan din binawian ng buhay si Mama. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako o malulungkot. Sa huli ay pinagtabi ko ang tatlong kahon at naghalughog na naman ng mga laman ng natitirang kahon na nandoon.

Nabuksan ko ang isang kahong naglalaman ng lumang baseball gloves ni Papa at lumang larawan at dokumento nina Papa at Mama.Hinawakan ko ang isang lumang larawan nina Papa at Mama kung saan nakasandal si Mama sa balikat ni Papa na may hawakhawak na isang bouquet ng yellow roses,nakasuot naman ng puting baseball uniform si Papa nuon at base sa nakikita ko ay napakasaya nila ng panahon na iyon.Napansin kong nakaumbok na ang tiyan ni Mama sa picture,ibig sabihin ay pinagbubuntis na niya ako ng panahon na iyon.

Napangiti akong kinuha ang larawan at humiga sa kama.Naglandas na naman ang mga luha ko sa pisngi ng maalala kong gaano kami kasaya nuon.Ng biglang marinig ko ang isang napakagandang musika na hindi ko mawari kong saan nanggaling.

Napatayo ako at tumanaw sa bintana,may ilaw sa attic ng mga Mendoza ngunit nakasarado naman ang bintana kaya hindi ko rin masasabing doon nanggagaling ang napakagandang musika iyon.

Itinukod ko ang mga kamay sa pasimano ng bintana at tumingala sa napakagandang kislap ng mga bituin sa kalangitan.Pumikit ako at isinasapuso ang bawat liriko ng musikang sumasabay sa malamig na panahon at tahimik na gabi.

I think that I'll go now

I don't even know why
I've been holding on to you all this time
You have made it clear that
What I feel is one way
You will never open your heart for me

I'm the one staying
As you walk away
You were always fading
You're fading away

Hindi pamilyar sa akin ang kanta ngunit hatid nito ay parang dinuduyan ako at dinadala sa napakagandang hardin.Gumagaan ang pakiramdam ko at napapangiti ako.

I want to feel your heartbeat
With my hand on your chest
When I look into those eyes
I will know what is next
I am lost in something
That has no way out
It hurts but this is the last song that I write

Pagmulat ko ng mata ay nakita kong namatay na ang ilaw sa attic ng mga Mendoza at nahinto na rin ang musika kaya tuluyan na rin akong bumalik sa kama.Ngayong gabing ito ay dito ako matutulog sa attic katabi ang mga gamit na nagpapaalala ng masasayang alaala nong buo pa ang pamilya namin at masayang naninirahan sa Mweble Bicol.Alam kong hindi ko na maibabalik pa ang kahapon at mananatiling parte na ng nakalipas ang magagandang alaala na iyon.

Tumagilid ako ng higa at idinikit ang larawan sa aking dibdib at tuluyang nakatulog na may mga butil ng luhang pumapatak sa aking mga mata.

Weekend at nanatili lang ako sa bahay.Pagsapit ng linggo ay nagsimba pa kami ni Joana at naging matiwasay naman ang weekends ko dahil wala ni isa sa mga Mendoza ang nakita ko.Tahimik din ang mansion ng mga ito at ayun kay ate Kakai ay nagpunta daw umano ang mga magpinsan sa isang Isla sa Palawan kasama si Mayor para magbakasyon.

Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now