10

44 8 0
                                    

#PrettyHandsome

Hindi na mapigilan ang mga luha ko,kanina pa ako sumisinghot dahil sa kakaiyak habang pababa ng hagdan ng BA department.Nakatakip pa rin ang mga kamay ni Bryce sa tenga ko para hindi ko marinig ang kahit na anumang sasabihin ng mga tao sa paligid ko.

Dumaan kami kung saan nakalagay ang bisikleta ko kaya tiningala ko pa si Bryce na nakangiti namang nakatunghay sa akin.

"Uuwi na ako,sa-salamat ah"

Tinanggal naman nito ang mga kamay sa tenga ko at hinayaan akong maglakad patungo sa bisikleta ko.Pagkatapos kong matanggal ang padlock ay nagulat pa ako ng pagtayo ko ay nakahawak na si Bryce sa manibela ng bisikleta ko.

"Joyride?"nakaangat ang isang kilay nito at nakangiti.

Hindi na niya ako hinintay pang tumango,dahil hinila na niya ako at pinaupo sa harapan saka kinalabit pa ako para matakpan nito ng panyo ang ilong ko pababa sa labi ko.

"Para hindi ka mahiya."anito,hindi pa rin nawala ang ngiti nito sa labi.Nagpatianod nalang ako sa gustong mangyari ni Bryce at tama nga ito,sigurado ngang mahihiya ako dahil pinagtitinginan nga kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin palabas ng gate.

Hindi ko alam kong saan kami pupunta at wala rin akong pakialam kahit pumunta man kami ng ibang planeta dahil ang gusto ko lang mangyari ngayon ay makalayo sa unibersidad at sa mga mata ng mga estudyanteng mabilis na maghusga sa kapwa kahit hindi naman nila alam ang buong istorya.

Malayo-layo na rin ang narating namin ni Bryce ng lumiko ito sa isang botanical garden.

Napasinghap ako dahil kahit alam kong parte pa rin ito ng San Salvador ay hindi ko naman alam na may magandang lugar pa palang maaring pasyalan sa munisipalidad namin.

Napangiti ako sa napakaganda at klase-klaseng bulaklak na nasa paligid,tanaw ko pa ang isang malinis na lake sa unahan at ang mangilan-ngilang taong nakasakay sa mga maliit na bangkang naroon.

Lumiko kami sa isang cottage at pagkababa ay isinandal naman ni Bryce ang bisikleta ko sa gilid.

"Senyorito!nako!hello!nako matutuwa si Mam pag nakita niya kayo"magiliw na bati ng isang matandang babaeng tuwangtuwa na makita si Bryce.

"Manang Cecil!"nakangiti namang wika ni Bryce at nagmano pa sa matanda.

Napangiti naman ako dahil sa pagiging magalang nito. Tumingin sa akin ang matanda kaya nagmano na rin ako dito.

"Mam Dafne?ay este,hindi,dahil patay na si Mam ah..."

Ngumiti naman ako.

"Donna po ang pangalan ko."sagot ko para hindi na ito malito.

"Ahh oo,nako nako halika kayo sa opisina ni Mam Lanie,sigurado akong matutuwa yun pag nakita niya kayo." Humawak ito sa braso ni Bryce at nagitla pa ako ng hawakan ni Bryce ang kamay ko.

"Lets go?ipapakilala kita sa Mom ko."nakangiting saad nito.

Nahihiya naman akong napasunod dito, isa na rin sa dahilan ay dahil hawakhawak niya ang kamay ko,kaya wala akong choice. Napasinghap na naman ako ng makapasok sa napakagandang may apat na palapag na gusali.

Umakyat kami sa ikatlong palapag na hindi pa rin binibitawan ni Bryce ang kamay ko at pumasok sa isang napakagarang opisina kong saan nakita ko ang isang babaeng maiksi ang buhok at umiinom ng wine na nakatanaw sa transparent window glass kung saan nakikita ang kabuuan ng botanical garden. Naramdaman siguro ng babae ang pagdating namin kaya pumihit ito paharap sa amin at agad namang ngumiti ng makita si Bryce.

 Naramdaman siguro ng babae ang pagdating namin kaya pumihit ito paharap sa amin at agad namang ngumiti ng makita si Bryce

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Rain on your ParadeWhere stories live. Discover now