Chapter Sixty Nine

20.6K 912 557
                                    

Dionne's pov





"Aahhh!!!"

"Tangina naman Naomi!"

"What the fucking hell!?"

Kaniya kaniya naming sigaw nila Devon nung biglang lumapit sa amin yung pisteng alaga ni Naomi.

"Chipper! Come here boy, come to Mama." Pag tawag naman ni Naomi dito na akala mo'y aso yung alaga niya.

"Chipper? Cute ng pangalan pero ang panget ng alaga." Margaux said while hiding behind me and Devon.

Ginawa niya kaming human shield punyeta.

"Hey! My baby is not panget. He's gorgeous." Naomi said and smile while petting the hissing cobra on her lap.

Sabay sabay kaming napangiwi ng bumaling ito sa amin at inilabas ang dila nito.

"Waaahhhh!!" Agad na sigaw ni Margaux.

Napasimangot naman ako at marahan siyang siniko. "Wag kang sumigaw! Nagugulat ako eh ang layo naman sayo."

"Sorry, feel ko kasi sa akin nakatingin eh." Bulong niyang sagot sa akin bago sumiksik kay Devon.

Tsk, tsk.

"Can you please put that away? Geez, parang kami ang gusto niyang kainin." Turan ni Devon at bahagyang lumayo kay Naomi at mahigpit na pinisil ang kamay ko.

Oh diba, kunyare hindi din siya takot. Pero piste, sino ba naman kasing hindi matatakot diyan eh kasing laki na ata yan ng braso ko eh.

Bakit ba kasi niya nilabas yan? Punyetang babae 'to.

Napailing iling nalang ako. "Put that away Naomi! Andito tayo para ifinalize ang plano hindi para tingnan kung paano mag laway ang cobra mo na parang anyminute ay tutuklawin na kami."

Rinig ko ang pag buntong hininga niya bago nag pout at hinalikan sa ulo yung cobra niya.

Fuck. Hindi ba siya natatakot na tuklawin siya nun?

"Damian! Pakilagay si Chipper sa room niya, thank you." Utos nito kay Damian.

Agad naman itong sinunod ng isa at kinuha si Chipp--ayy piste. Yung cobra kasi! Napapatawag na tuloy ako sa pangalan ng bwiset na cobra.

"May room yung cobra?" Hindi makapaniwalang tanong ni Devon sa kaibigan naming mas lala pa sa asawa ko ang tama sa utak.

"Duh, of course. Saan siya matutulog kung wala siyang room diba?" Sagot ni Naomi kay Devon.

"Ahm....sa cage?"

Rinig ko naman ang pag tawa ni Naomi. "Sa cage? Sa cage mo gustong patulogin ang alaga kong si Chipper? No! Lalamigin siya doon at hindi makakagalaw ng ayos. Kaya mas mabuti na may sarili siyang room para madali din siyang lumaki."

"Hindi ko kapatid yan." Bulong ni Margaux sa likod namin ni Devon.

Napailing iling nalang ako.

"Buti nalang at hindi natatakot si Yuan at Yves noh?"

"Hindi pa naman sila nakakapunta dito eh." She said and shrugged. Tumayo siya ng may dalawang yaya na lumapit sa kaniya at inabutan suya ng plato na parang may lamang karne.

"What's that? Pahinge! Gutom na ak--what the fuck? Ewww!" Bigla nitong turan ng makita naming inilagay ni Naomi yung laman ng plato sa malaki niyang aquarium na agad na pinag pyestahan ng mga alaga niyang piranhas.

"Sorry sis, that's for my babies. Favorite nila yun, Japanese wagyu." Turan nito kaya hindi makapaniwala kaming napatingin sa kaniya.

Gosh, Japanese wagyu is so expensive tapos ipapakain niya lang sa piranhas niya? May sapak talaga 'to sa utak.

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now