Chapter Twenty Three

23K 1K 318
                                    

Keoni's pov



Nakapikit ako habang hinihilot ko ang aking sintido. Kanina pang masakit ang ulo ko simula ng umalis ako sa bahay. Sa pag kakatanda ko ay hindi naman ako uminom kagabi kaya imposibleng hang over ako.

"Are you okay Keoni?" Tanong sa akin ng katabi kong si Gorge.

"Yup, ayos lang. Medyo masakit lang ulo ko pero keri lang." Sagot ko sa kaniya at nginitian siya.

"Sigurado ka ba? Ayaw mo bang mag pahatid nalang sa clinic para makapag pahinga ka din dun?"

I shook my head at him. "Nah, no need. Hindi naman din gaanong masakit ang ulo ko. Mawawala din 'to mamaya maya."

He nods at me and told me na sabihan ko lang siya kapag gusto ko ng mag pahatid sa clinic.

"Good morning everyone. Today we will have a quiz. I don't want to see anything else on your desk except your ballpens." Agad na turan ng professor namin pag kapasok niya.

Nag tataka kong pinasadahan ang kabuoan niya. Sobrang balot din kasi siya eh, nilalamig din kaya siya?

Iwinaksi ko nalang iyon sa aking isipan at pinakinggan ang sinasabi niya.

Kakadating palang niya pero sasabak na agad kami sa gera, hindi man lang niya kami inintay na batiin siya pabalik. Tsk, may sumpong nanaman po siya.

Baka nag away sila ni Kuya Kiero dahil hindi siya umuwi dun kagabi kaya mainit ang ulo niya.

Teka...bakit ba gustong gusto kong saktan ang sarili ko? Kahapon marupok lang ako ngayon parang nagiging masokista na, aba nadaig ko pa si Yves.

"Get one and pass." Rinig kong utos ni Ate Didi kaya nabalik ako sa reyalidad. Shit, hindi pa naman ako nag aral.

"Ma'am wala pong naka sulat na question sa binigay niyo sa akin. Plain bond paper lang po." I heard one of my classmate said.

"Akin din po Ma'am." Another one said.

Tiningnan ko ang papel ko para tingnan kung meron ba ang akin. "Ahm...akin din."

"I did that on purpose. Para maiwas ang pag kokopyahan, iba ang tanong na sasagutan niyo. I will write the equations on the board." Sagot nito.

Napasimangot naman ako. Akala ko pa naman yung mga walang tanong na natanggap exempted. Haish buhay, bakit naimbento pa ang math?

Bored akong nakatingin sa isinulat niyang equations sa board na need naming sagutan. Naduduling lalo ako ag sumasakit ang ulo ko sa mga numbers at letters na nakita ko.

Bakit kasi yung alphabet hinalo sa numbers? Haish, pakening hell.

"Start answering now." Utos nito at sumandal sa table niya bago igala ang mata sa paligid.

Kinopya ko muna ang equation sa board bago ko ito pinagmasdan. Yes, pinagmasdan ko lang dahil nakalutang ang utak ko at hindi ko alam kung paano ito sasagutan.

Pag katapos kong makipag titigan sa equation sa papel ko ay nag pasya na akong sagutan yun. Baka maubos na ang time tapos hindi ko matapos lahat.

Five equations yung binigay niya kaya need kong bilisan dahil mahahaba yung solution kada isang equation.

Natapos ko na yung dalawang equation at nastuck ako dito sa patatlo. Nalilito kasi ako kung tama ba pag solve ko.

Napatingin ako kay Gorge na busy sa pag sosolve. Pasimple kong sinilip kung parehas ba kami ng sinasagutan. Nang makita kong parehas nga ay hindi na ako nahiya at marahan ko na siyang kinalabit.

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now