Chapter Twenty Eight

24.2K 1K 336
                                    

Keoni's pov




"Ayos ka lang ba iha? Bakit mukhang matamlay ka?" Tanong ni Tita Steph sa akin and Mommy nila Mon.

"I'm fine po Tita, napagod lang po ata sa byahe." Sagot ko nalang at nginitian siya.

"Are you sure? Kasi kung hindi ka okay I'll tell Dionne to take you to your room." Paninigurado niya. Napatingin naman ako kay Ate Didi na nakikipag usap kila Margaux.

"I'm really fine po Tita. Thank you po." I respond. She smile at me. "Okay. Pero kapag hindi ka okay or may nararamdaman ka don't hesitate to tell us ha."

Tumango tango ako sa kaniya at nag lakad na siya papalayo.

"Keoni! Come here!" Sigaw ni Margaux sa akin.

Nag dadalawang isip naman ako kung lalapit ba ako sa kanila or hindi.

Ang sama kasi ng tingin ni Ate Didi sa akin eh. Siguro kung nakakamatay ang titig kanina pa akong patay.

Haish, mag iisang linggo niya nanaman akong hindi pinapansin. Para akong hangin lang sa kaniya dahil kapag nag sasalita ako para mag paliwanag ay parang wala siyang naririnig. Nakakayamot na siya, ang sarap niya ng itali para hindi siya makaalis at mapilitan siyang kausapin ako.

Piste kasi si Xariah at Margaux. Kasalanan talaga nila kung bakit hanggang ngayon ay hindi padin ako pinapansin si Ate Didi. Mga piste.

"Did you finally do it?" I heard someone ask beside me. It was Monique, she was looking at me with those cold eyes.

Masama nanaman ba ang gising niya kaya para siyang si Elsa?

"Do what?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Let go of my sister and move on." She said and glanced to where her sister and Margaux are standing.

"Oh...ahm..No." Alanganin kong sagot.

"Hmm...I see, nag babakasakali ka padin na pipiliin ka niya. Okay, suit yourself." She respond and shrugged.

Irita ko naman siyang nilingon. "Why are you so against the idea of me loving your sister? Do you know something that I don't?"

"I'm not against the idea of you loving her Keoni. I just don't want you to get hurt."

I scoffed. "You don't want me to get hurt pero sayo mismo nanggagaling yung mga masasakit na salita. Why can't you just be happy for me and support me?"

Napabuntong hininga naman siya bago hawakan ang kamay ko. "I'm sorry kung nakakasakit na ako pero I'm just saying those things para matauhan kana and we both know na yun ang katotohanan. Hanggang kailan ka ba mag papakamartir? Hanggang sa mamanhid na yang puso mo at wala ka ng maramdaman? Loving someone too much is okay Keoni, but hurting yourself in process isn't. I've been there before, I just don't want you to feel what I felt."

Natigilan naman ako sa isinagot niya.

Yes. She's right, alam ko naman din sa sarili kong hindi niya ako pipiliin. Pero bakit nga ba umaasa pa ako? Bakit nga ba hindi ko kayang bumitaw? I guess I just love her too much and I forgot to left some for my myself.

"Are you both okay?" I heard Margaux asked. Hindi ko alam na nakalapit na pala sila sa amin.

Walang imik lang naman kaming napatango ni Mon.

"Is something wrong?" The woman beside Margaux asked. Medyo nagulat pa nga ako sa bigla niyang pag kausap sa akin dahil alam kong galit nga siya sa akin at hindi niya ako pinapansin.

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now