Chapter Thirty Seven

24K 997 631
                                    

Keoni's pov



"Mukha nanaman siyang nasapian oh. Hindi ka padin maka move on dun sa kanina?" Pag irap ni Xariah sa akin.

Andito na kami sa lugar kung saan gaganapin yung race.

Nakabihis na kami at iniintay nalang na matapos yung mga lalaki na nag rarace. By gender kasi yung race ngayon kaya hindi mag kakasama.

"Pake mo ba? Inggit ka lang kasi wala kang bebe eh." Pang aasar ko sa kaniya at marahan siyang siniko.

"Porket umamin sayo na mahal ka niyang talaga nang gaganyan kana? Banggain kaya kita?" Irita nitong turan kaya napatawa ako.

Masyado nanaman kasing mainit ang ulo niya. Ewan ko ba diyan kanina pa yang ganyan eh.

Hindi nalang ako umimik at itinuong muli sa cellphone ko ang atensyon ko. Napangiti nanaman ako ng makita ko yung relationship status ko sa facebook.

Sheyt, kasal na ako gagieks.

"Oh tamo si abnormal parang tanga! Ano ba kasi yan!?" Irita ng saad ni Xariah at inagaw ang cellphone ko.

"Keoni Santiago is married to Dionne Laurel. Edi wow, sana all deputang ina talagang buhay 'to. Sayo na cellphone mo oh kainin mo, saksak mo sa baga mo. Kayo na may lablayp giatay!" Sigaw nito at nag walk out.

Napahagalpak naman ako ng tawa dahil sa pag kairita niya. Kawawa naman kasi eh, bakit wala siyang bebe?

"What happened to that girl?" Biglang tanong ng kabuteng si Miss Devon.

Hindi ko kasi nakita na lumapit siya sa akin bigla nalang siyang nag salita sa tabi ko.

"She's pissed po kasi wala daw siyang lovelife." Sagot ko at napailing iling bago tumawa.

"Yun lang? Tsk, kahit kailan napaka babaw." She said and rolled her eyes.

Napakunot naman ang noo ko. "Ano pong ginagawa niyo dito?"

"Oh, ahm...Supporting the...uh, Philippines team?" Tila taranta nitong sagot.

"Philippines team? Eh lahat naman po yan talaga pilipinas ah." Taka kong tanong.

Mali bang tournament ang napuntahan ni Miss Devon?

"Yah...so you know, I'm supporting all of the players. Go team!" She said before blushing.

Napataas naman ang kilay ko. "Go team Xariah?"

"Yeah, go team Xaria--what? Tsk, of course not." Agad nitong saad at sinamaan ako ng tingin. "Nag kamali lang ako kasi yun yung narinig ko sayo, pero that's not the reason why I'm here."

"Wala naman po akong sinabi na yun yung reason kung bakit kayo andito. Ikaw Miss ha, napag hahalataan ka tuloy." Pang aasar ko at kinindatan siya.

"Tsk, just shut up Santiago." Irita nitong turan at inirapan ako.

"Kaya ba ayaw mo akong isama kasi dito ka nakikipag landian?" A cold voice asked.

Napalunok naman ako ng makilala ko kung kaninong boses yun.

Ba't 'to andito? Sabi niya may pupuntahan silang event nila Miss Cleomonte?

"Fake news ka laloves ko, nakikipag usap lang ako kay Miss Devon eh." Kakamot kamot ko sa ulong tugon.

Tinaasan niya naman ako ng kilay bago tiningnan si Miss Devon at hinapit ang bewang ko papalapit sa kaniya. She even kissed my lips infront of Miss Devon.

The Forced MarriageWhere stories live. Discover now